- 43

302 7 1
                                    

AGNES'S POV

Natapos na yung internship ko at recital na lang ang kulang ko tapos graduation naman ang aantayin ko. Kaya ngayon, nasa condo lang ulit ako habang inaayos ko yung ibang kailangan ko for recital.

"Agnes, do you remember Miguel?"

"Yung twin ni Paolo?"

"Yes! Yes! Siya nga. So here's the thing, there is an EP launch that they are planning so they are looking for some people to play with them. Do you remember Poch?"

"Poch? Your schoolmate?"

"Remember that we used to play for Clara?"

"Yeah."

"Ayun. So Poch will be there too. So sinabihan ako ni Poch na they are looking for a drummer and I said g. So now they are looking for a bassist so..."

"Wait..."

"So... are you g?"

"G! Kelan ba yan?"

"Uhm few days from now. Meet na lang daw tayo sa studio eh. I think they're inviting someone else din. Marami pa silang ininvite na other people to play eh. Surprise daw and most likely I don't know all of them naman din. But yeah let's just meet."

"Cool. Kelan yan?"

"I think Tuesday next week."

"Nice. Sure. I'll be there."

"Nice. Sige I'll let them know."

"Walang atrasan to Agnes ah."

"Oo naman. You know I never back down from a promise."

"Yeah I know but pag nalaman to ni Karelle we're both dead. You do know that right?"

"Ako nang bahala kay Karelle. When she finds out, ako na bahala. And isa pa andyan ka naman eh. Tutulungan mo naman ako di ba?"

"Well yeah, oo naman."

"Yun naman pala eh. Then we don't have a problem." She scoffed.

"Sure hope so. Kelan ba uuwi si Karelle?"

"Sometime this year I think."

"Well congratulations then you have a few more months to live. I think she's gonna be in for a surprise."

"Oh she will."sagot ko.

●●●●

Dumating na kami sa studio ni Jam. Sinalubong naman agad kami ni Miguel at pinakilala sa mga kasama namin. Medyo awkward pa nga kasi hindi talaga kami magkakakilala. Pero some of them familiar naman.

"Ito si Agnes nakajam na namin to. Solid bass player din 'to."sabi ni Miguel.

"Oo magkakilala na kami nyan. Nagkasama na kami sa Baguio."sabi ni Andrew.

"Nice nice. I guess at some point our paths already na rin naman dahil sa mga gig. Anyway, antayin lang natin yung isa pa. Galing kasi siyang work eh and medyo natraffic lang. But I'm sure kilala niyo na rin siya."sabi ni Miguel.

Nag-antay lang kami at habang nag-aantay, nagtono lang din muna kami ng mga gamit namin. Maya maya narinig kong bumukas yung pinto.

"Ayan na pala eh." Lumingon ako at nagulat ako sa nakita ko. Oh wow.

"Okay guys. Nga pala. Si Pat. So Pat, ito nga pala si Poch, si Andrew, si Toni, si Keifer, si Jam..."

"Magkakilala kami nyan."sabi ni Pat.

"At tsaka si..." bigla siyang lumingon.

"Intern."sabi niya sa 'kin.

"Nice to meet you po. Agnes nga po pala."sabi ko tapos binigay ko yung kamay ko for a handshake. Hinampas niya lang.

"Sira."sagot niya tapos nag-ayos na rin siya ng gamit niya. Napangiti na lang ako. Tiningnan din ako ni Jam at nag-thumbs up siya sa 'kin. Kukulitin nanaman ako nito mamaya. Sira ulo pa naman to.

After nun, pinarinig na sa 'min nung twins yung kanta na nasulat nila. Ang ganda ng kanta nila at binigyan din nila kami ng back story kung tungkol saan yung kanta. Tapos nun nagstart na rin kami magjam at magrehearse. Late na rin nung nakatapos kami.

After ng rehearsals, nilapitan ko si Pat habang nagliligpit pa kami ng mga gamit namin. Madali lang naman kasi iligpit yung bass kaya saglit lang ako nag-ayos.

"Kumusta?"sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya.

"I'm good. Ikaw?"

"Ito, recitals na lang then graduation na."

"Uy nice. O if you need help for your recitals let me know. I want to the return the favor. Tinulungan mo 'ko with mine eh."

"Sure. Sige I'll let you know. So umuuwi ka pa rin ba ng Laguna everyday?"tanong ko sa kanya.

"Yeah pero sobrang pagod talaga kaya buti at napapapayag ko na yung parents ko na kumuha ako ng condo."

"Nice. So nakakuha ka na ba?"tanong ko sa kanya.

"Naku hindi pa. Actually naghahanap pa ako around Makati para malapit sa office."

"What if..."

"What if?"

"May spare room kasi ako sa condo, what if dun ka na lang magstay? Kasi magastos din naman to get your own. At least yun you can get it half the price and then treat it as your own."

"Talaga?"sagot niya.

"Yeah. I mean that's if you're okay living with someone else."

"Okay lang naman sa 'kin kasi noon naman naka-dorm din naman ako nung college. Di ba nga dormmate ko si Nicole?"sabi niya. I nodded.

"Oo nga pala 'no. Well then that's great."sagot ko.

"Kelan ba ako pwedeng magmove-in?"

"Anytime you like. Bukas naman yung condo for you anytime. Medyo palagi lang istorbo si Jam kasi randomly nagvivisit siya sa 'kin."

"Talaga? Okay lang yun. Kilala ko rin naman siya eh."sabi niya tapos ngumiti siya. "Pero anytime ah?"

"Oo sabihan mo lang ako so I can clean the room and prep it. I can even pick you up from your house if you like."

"Grabe Agnes. Thank you ha. Super lifesaver ka!"sabi niya.

"Sure." I smiled.

Kung alam mo lang Pat, kahit nga ata hindi ka na magbayad eh. You've been living in my mind rent free all these years, ano nga bang difference pa?

Akala ko that day in her house would be the last time I would see her but I guess the universe has a different plan.

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon