{1} Mister at Misis?

613 39 7
                                    

First Chapter ko to!!! weeeh.....

A/N: hi!! welcome sa story ko... thanks kila janna at janine... bsta.. hahah...

Cara's POV

"Cara, bunso gising na! malelate ka sa school!" Sigaw na naman ng nanay ko... anong oras na ba??

*tingin sa cp* 6:00 am-shemay! Late na ako...mabilis akong naligo at nagbihis, casual lang naman ang suot eh..

"Bunso! Kain ka muna..." sabi ni Mama... sumagot na lang ako na sa school caf na lang ako kakain... Umalis na ako, dala ko ang kotse ni Mama... mabilis din akong nakarating sa school, may 50- minutes spare time before 8:00....

"Hoy! Beh!" anong sinisigaw-sigaw ng baklitang to??

"Maka-beh ka naman, Francis?" sabi ko sa kanya sabay taas kilay.. "eh bakit? Gusto ko eh?" sabi niya.. aba! kainaman na to... -_-"

"anong block natin??" tanong ko sa kanya.... S/He smirked, then he said "eh kung tinitingnan mo kaya??" loko este-- loka talaga to... so ayun pumunta kami sa bulletin board .... Maya maya ay may nagiiritan.. tsss. mga kirii! nakakainis naman eh. nag lakad na lang ako...

*BOOGGSSHH*

"ARAAAYYYY!!!" ang sakit ng pwet ko! letcheng lalaki ito oh.. pero ang gwapo niya ha.. este panget pala. tsk. nakakainis talaga siya. "Mag-ingat ingat ka nga sa dinadaanan mo! PAALALA LANG: school ito, hindi playground... tsss.." pagsasalita ko sa kanya.

Sumagot bigla si panget, "Ang sungit mo naman... bakit iyo ba tong school para bawal tumakbo? eh kung kinakailangan naman" inirapan ko lang siya. pinaikot ko lang ng pinaikot ung mata ko.. urrrgghh! nakakainis talaga siya. dumiresto na lang ako sa board at tiningnan ung block ko. okay Block II-A here i come! sana naman maayos ang mga kaklase ko. tsk. nakakastress si Panget kanina.

Pumasok na ako at saktong wala pang prof.. kaya ligtas ako! si francis busy sa pag papakilala. diba ang friendly niya? ako naman ay umupo lang at nagbasa ng libro.. 

"Good morning class! i'm Mr. Philip Concordia. i will be your professor for this year. i'm allergic to late people so if you would mind that, please transfer to a different block.. okay?" napastrict naman ni sir! napatango lang kaming lahat ng biglang may pumasok sa pintuan. nako. lagot siya kay sir, first day na first day late siya. hmppp.

"Mr. Gomez, why are you late in my class? hindi porket principal ang mommy mo ay gagawin mo ang asal mo! sit down there!" rinig kong sermon ni sir. anak ng principal yung dumating?? wow! tapos narinig ko siyang umupo sa tabi ko. hindi ko na tinitingnan kung sino dahil wala naman talaga akong pake kung sino yun. pero tumayo din siya dahil nag introduction na..

"Uhhmm,, hi new blockmates! I'm Jared R. Gomez, 18 years and I'm single..." sabi ng anak ng principal tapos nag-iritan yung mga kaklase kong babae. eww..

"Nginitian ako ng heart rob!" -girl1

"Ako kaya.. kyaahh! ang pogi pogi niya talaga!" -girl2

"Gaga! akin lang yan!! papa J! why so handsome???" - girl3

Heartrob daw? lol. tumingin na ako sa unahan para makita kung gwapo ung sinasabi nila... 

*_* ay shete GWAPO NGA.... ay mali, PANGET PALA.... siya ung anak ng principal??? wahhh! i'm doomed. tumayo ako at nagpakilala, "Hi everyone, i'm Cassy Ranielle G. Esguerra. call me Cara."

*knock knock*

"Good morning sir. may i excuse Cara and Jared, the principal is asking for their presence now" omoo! >.< what did i do? first day na first day may record ako sa principal? waahh!

Sinundan ko lang si Jared at yeah, nakarating kami sa office. "Ma'am! may nagawa po ba ako? huhuhu! sorry po. wag niyo lang po ako papatalsikin sa school na ito! wahhh!"

"Tsss. ang OA naman." rinig kong sabi ni Panget.


Jared's POV

  "Ma'am! may nagawa po ba ako? huhuhu! sorry po. wag niyo lang po ako papatalsikin sa school na ito! wahhh!"  tsk. ang OA kaya.

"Tsss. ang OA naman." bulong ko pero mukhang narinig niya, she gave me a glare. ako naman dinedma lang... tumawa si mama. "No hija, hindi kita papatalsikin dito. haha! i just want to inform you na kayong dalawa ni Jared ang napili para maging school model."

Ahh. yung lang naman pala... What?? School MODEL??? "MAAA? what?" tumawa si mama at biglang ngumiti lang. "So yeah, the photoshoot will be next month, so try your best to get along with each other, it will surely help. is it okay for you Ms. Esguerra?" tiningnan ko si Sungit. Tumango lang siya.. mukhang wala kaming choice kundi ang sundin siya. lumabas na kami at saktong tapos na ang first subject namin.. vacant hour ang sunod namin kaya dumiretso kaming Cafeteria. "Umupo ka na dun, ako na ang oorder. ano bang gusto mo?"

"Bakit? libre mo ba?" um-oo ako at ngumiti siya. maganda naman pala ito pag nangiti. "Hmmm, gusto ko ng dalwang burger, spaghetti, fries, ice cream at orange juice.. thank you!" Ano daw? ang dami. nakita ko siyang pumunta sa dulong table.

"Sir Jared? Ano pong order niyo?" tanong ni Ate Julie sakin. Tindera siya dito sa canteen namin eh. "Ate, dalwa pong burger, isang spaghetti, fries, ice cream at orange juice. tpos isang order ng chicken meal at iced tea. magkano po?"

"178 lahat.." woah! napagastos ako ngayong araw na ito ah. binayaran ko na ung pagkain tapos pumunta na ako sa table.. "WOW! ANG SARAP!" nagshashine yung mata niya.. ang cute niya. Nagsimula na kaming kumain..

"BEhh! ang sama mo, hindi mo man lang ako ininform na may kadate ka pala. huhu!" sabi ng isang bakla na kaibigan ni Cara. Dumating din sila Miko at Lance. "Ohh. pre, sino yan? GF mo? haha! Wow! nakamove on ka na ba kay..... soorrryyy! haha" tumigil din ang bunganga ni Lance, binigyan ko kasi ng 'papatayin-kita' look. Wag niyang subukan na banggitin ang pangalan ng babaeng yun. tsk! napatingin ako kay Cara na medyo naiinis, ang bilis niyang mapikon hahaha. 

"Ehh. si Panget kasi nilibre ako, syempre, hindi ko tatanggihan ang grasya." napa-smirk ako haha. "So ibig sabihin grasya ako sayo?" tiningnan niya ako ng masama habang si Francis ay natili tapos ung tropa kong ungas, tawa na ng tawa. saktong tapos na rin kami kumain. "HOY MISTER. napaka-kapal mo naman, ung pagkain yung grasya hindi ikaw. Francis, tara na nga." pero bago siya makalabas ng caf, tinawag ko ulit siya. 

"Okay.. haha! Bye Cara.. este MISIS!" tapos tumakbo na ako. haha.

"JAREEEEDDDDD!!!!!" nako, monster mode na siya.. lagot... takbo!!! haha!

...

A/N: yan muna!! dedicated kay janna and janine!

Stupid Cupid, Fate's Destiny.. [COMPLETE, Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon