Lycan LVIII: Ang Pag-amin

1.6K 51 12
                                        

Lycan LVIII: Ang Pag-amin

HINDI NAMAN kaagad nakapagreak si Lucien matapos maramdaman ang pagdampi ng mainit na mga labi ni Calix sa kaniya. Mabilis itong pumuwesto sa ibabaw niya habang ang kaninang kamay nitong masuyong humihimas sa kaniyang buhok ay ngayo'y nasa likod na ng kaniyang ulo at mahigpit na naka hawak doon. Ang kaliwang kamay naman nito ay nakahawak sa kaniyang panga upang mas maayos pa nitong mai-angulo ang kaniyang mukha.

Awtomatiko namang nagpunta sa malapad at matipunong dibdib ni Calix ang mga kamay ni Lucien at naghandang itulak ito palayo sa kaniya. Pero sa hindi niya maunawaang dahilan ay hindi niya iyon ginawa. Marahil ay dahil sa paraan nang paghalik nito sa kaniya, o marahil sadyang nais niya rin ang ginagawa nito. Alin man sa dalawa ay hinayaan na lamang niya ang kaniyang sariling magpadala sa halik nito.

Mabagal at sensuwal ang paggalaw ng mga labi ni Calix sa mga labi ni Lucien. Ninanamnam ang bawat sandaling magkalapat ang kanilang mga labi. Maririnig pa ang mga tunog  nang sensuwal at paulit-ulit nitong pagsipsip sa kaniyang mga labi. Nahihiya mang makita ng iba sa ganitong akto ay hinayaan na lang muna ito ni Lucien, iniisip na titigil din naman kaagad ito lalo't naroon pa ang lalaking mangagamot.

Hindi nga lang niya napigilan ang kumawalang tunog mula sa kaniyang bibig nang bigla na lamang mariin na kagatin ni Calix ang kaniyang pang-ibabang labi kasabay ng paghila nito roon. Gustuhin man niyang ilayo ang kaniyang mga labi mula rito ay 'di naman niya magawa dahil sa mga kamay nitong nakahawak sa kaniyang batok at panga. Ilang segundo pa ang lumipas, unti-unti nang nakakaramdam ng pag-iinit ng kaniyang katawan si Lucien dahil sa ginagawa ni Calix. Hindi pa nakakatulong  sa kaniyang sitwasyon na kapwa silang hubad ni Calix at ramdam na ramdam niya ang buhay na buhay nitong ari na kumikiskis sa kaniyang hita.

At nang mapagtanto niyang mukhang wala pa ring planong tumigil si Calix sa ginagawa nitong paghalik sa kaniya ay napilitan na siyang kausapin ito gamit ang kanilang mindlink. Kung nasa normal na sitwasyon lamang sila, at walang ibang tao sa paligid ay baka kanina pa siya nagpumiglas at nagtangkang itulak ito. Pero dahil mayro'ng ibang nakakakita ay ayaw ni Lucien na gumawa ng eksena.

'Ca-Calix... Sandali, may ibang tao...tumigil ka na.'

Ngunit tila hindi siya nito narinig at sa halip na tumigil ay binago lamang nito ang posisyon nito sa kaniyang ibabaw. Ipinuwesto nito ang isa nitong tuhod sa pagitan ng kaniyang mga hita at walang pakundangan iyong idinikit sa kaniyang noo'y nagigising ng kaselanan. Nahihiya tuloy siyang pigil na napaungol. Hindi pa roon nakuntento si Calix at sinubukan pang itulak ng isang tuhod nito ang kaniyang kanang hita upang maayos na makapuwesto sa pagitan niya. Ngunit ang sunod niyang ginawa ay ang siyang lubos na nagpapula sa kaniyang mga pisngi. Naiinis na lamang siyang mahinang napaungol matapos maramdaman ang ginawa niyang pagbuka ng kaniyang mga hita.

Bahagya niya pang binaluktot ang kaniyang mga tuhod upang mas maayos pang makapuwesto si Calix sa pagitan ng kaniyang mga hita. Lalo namang nag-init ang kaniyang mukha nang maramdaman ang pagtusok-tusok ng naghuhimindig na alaga ni Calix sa kaniyang tiyan at hita, gayon pa man ay wala siyang lakas na pigilan ito. Panalangin na lamang niya na sana ay tumigil na si Calix.

Samantala, nang maamoy naman ng lalaking manggagamot ang matinding pagnanasa sa pheromones ng hari, ay dali-dali na siyang tumayo at lumabas ng silid ni Lucien. Wala siyang planong abutan pa ng mas lalong pagsidhi ng Rut ng kanilang Hari at baka kaniya pa iyong ikapahamak. Maaga pa naman ang pagbubuntis ni Lucien kung kaya't alam niyang ligtas pa naman para rito kung magtatalik ang dalawa. Isa pa, ang pinaka mabilis na paraan upang mabilis na humupa ang Rut ng kanilang Hari, ay kung makipagtalik ito sa mate nito. Naiiling- iling na lamang siya habang papalabas siya ng pack house. Hindi lubos makapaniwalang makikita niya sa talang buhay niya sa gano'ng ka-intimate na eksena ang kanilang hari. Habang papalabas naman siya ng pack house, dito niya nakasalubong si Lexy na mayro'ng dala-dalang pagkain at inumin. Kaagad naman niya itong pinigilan na pumasok sa loob. Tanging pag-iling lamang ang kaniyang isinagot sa nagtatanong na mga mata ng lalaking omega.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon