Lycan LVII: Ang Pagkatuklas

1.5K 61 38
                                        

Lycan LVII: Ang Pagkatuklas.

TATLONG SUPLING? Siya? Nagdadala ng tatlong supling? Ang 'di pa ring makapaniwalang tanong ni Lucien sa kaniyang isipan habang nakatitig kay Mori, ang mangagamot. Totoo bang nagdadala siya ng supling? Pero bakit wala naman siyang nararamdamang kakaibang pagbabago sa kaniyang katawan? Ni pagbabago sa kaniyang pheromones ay wala siyang napapansing nag-iba. Hindi rin naman naging sensitibo ang kaniyang pakiramdam tulad ng sa kakambal niy—Bigla naman siyang natigilan nang maalala ang biglaan niyang pag-iyak matapos marinig ang muling pagtawag sa kaniya ni Calix ng salitang 'mahal' noong araw na nalamang nilang hindi siya nagdadala ng supling.

Kaya ba bigla-bigla na lamang siya naging emosyonal? Ay dahil nagdadala siya ng supling? Pero bakit iba ang sinabi ng punong manggagamot sa kanila ni Calix? Imposible namang magsinungaling ito lalo't anak ng Hari ang pinag-uusapan dito. Posible kayang nagkamali ito nang pagsiyasat sa kaniya dahil sa takot nito kay Calix? O 'di naman kaya ay nagkakamali lang talaga si Mori, at hindi naman siya nagdadala ng supling?

"Hindi, iho. Malabong magkamali ako. Sigurado ako sa aking naramdaman at narinig, Lucien. Hindi ko alam kung paanong hindi sila naramdaman ng nagsuri sa'yong manggagamot, dahil sa lakas ng tibok ng kanilang puso ay imposible hindi nito iyon narinig man lang noong suriin ka nito." ang sagot sa kaniya ni Mori na animo'y narinig ang kaniyang nasa isip.

"Isa pa, isa ring indikasyon na ikaw ay nagdadala ng supling, ay yang—" ang biting nitong dagdag sabay tikhim saka ito muling nagpatuloy. "—dibdib mo, Lucien. Bagama't hindi siya gano'n kahalata. Sigurado akong hindi ganyan kalalaki ang mga iyan noong nakaraang buwan na huli kitang nasuri, iho."

Kaagad namang napatingin sa kaniyang dibdib ang kakambal niyang si Lexy at saka ito napasinghap. Habang siya naman ay napamura sa kaniyang isipan dahil totoo ang sinabi ng lalaking manggagamot. Pero buong akala niya ay kasama lamang iyon sa mga pagbabago sa kaniyang katawan matapos siyang mamarkahan ni Calix.

"Luci, ikaw—whaa!" ang gulat at puno ng kagalakang tili ng kaniyang kakambal.

"Ah! Luci—hindi ako makapaniwala—buntis ka rin! At tatlo pa! Teka...grabe.. sandali... Naiiyak ako." ang puno pa ng pagkasabik nitong usal habang nangingilid ang mga luhang nakatingin sa kaniya. Ang mga mata nito ay nangingislap sa labis na pagkatuwa.

Siya naman ay nananatiling tulala at halos walang reaksyon. Hindi pa rin kasi lubos na rumerehistro sa kaniyang isipan ang kaniyang pagbubuntis. Naguguluhan pa rin siya dahil sa magkaibang salaysay ni Mori at ng punong manggagamot ng palasyo.  Wala sa sarili siyang napahawak sa kaniyang tiyan na kasalukuyang yakap-yakap rin ng kanang braso ni Calix, na mahimbing pa ring natutulog sa kaniyang tabi.

Sa 'di niya maunawaang dahilan ay isang kakaiba at 'di maipaliwanag na kagalakan ang biglang umusbong sa kaniyang dibdib. Bigla rin siyang nakaramdam ng pagkasabik na ipabatid iyon kay Calix at makita ang reaksyon nito. Tahimik namang matamis na napangiti ang kakambal niyang si Lexy matapos makita nito ang kaniyang reaksyon. Alam na alam nito ang pakiramdam nang malaman na ika'y nagdadala ng supling.

"Ngunit ang aking tiyan..." ang biglang naiusal ni Lucien nang biglang mapagtanto ang kawalan ng pagbabago roon. Kung tatlo nga itong dinadala niya, bakit wala man lang pagbabago sa kaniyang tiyan? Samantalang ang sa kaniyang kambal, na dalawa ang dinadalang supling ay kitang-kita na ang umbok ng tiyan nito ngayon, eh halos kulang dalawang linggo lang naman ang pagitan ng kanilang heat kung tama ang kaniyang pagkakatantya.

"Wala naman po akong nakikita at nararamdamang pagbabago sa aking tiyan, manggagamot na Mori." ang naguguluhang tanong ni Lucien.

"Huwag kang mag-alala, at normal lamang iyan dahil ikaw ay pinanganak na isang Alpha, Lucien. Kadalasan ang mga dominanteng lalaking Lycan na namarkahan ay maliit lamang ang tiyan kung magbuntis, at maliit lamang din ang kanilang supling na isinisilang dahil hindi gano'n kalaki ang kanilang sinapupunan. Sa katunayan pa nga, ang tiyansang mabuntis sila sa kanilang unang heat ay masyadong mababai, kaya lubos na nakakamangha ang nangyari sa iyo, iho. Patunay lamang iyon na masyadong mataas ang porsyento ng pagbubuklod ng inyong mating bond." ang mahabang tugon ng lalaking manggagamot kay Lucien, subalit sa haba niyon ay hindi na narinig pa ni Lucien ang mga sumunod nitong sinabi matapos nitong banggitin ang salitang 'sinapupunan.'

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon