Lycan LX: Ang Puso

1.5K 68 25
                                        

HAPPY NEW YEAR GUYS 🍷 🎆

Lycan LX: Ang Puso

MARIING magkadikit ang mga labi ni Lucien at hindi maipinta ang kaniyang mukha habang nakaupo siya sa kandungan ni Calix. Kasalukuyan silang na silid kung nasaan ang trono nito habang nakaupo si Calix roon at hinihintay nila ang pagdating ng punong tagapagpayo ng palasyo. Kapalit kasi ng pagpayag nito sa pagnanais niyang pagtago ng kaniyang pagbubuntis ay kailangang palagi siyang nasa tabi nito, kahit saan ito magpunta.

Dalawang araw palang ang nakakalipas mula ng makabalik sila sa palasyo pero parang mamamatay na siya sa matinding pagkabagot. Ang ikinakatuwa nga lang ata niya sa pagsama kay Calix ay ang ginagawa nilang pagpapatrolya sa umaga. Kapag nakikipag-ensayo naman kasi ito kasama ang mga beta at kawal nito ay hindi siya nito hinahayaang sumali. Liban sa mga iyon, puro pagbabasa na lang ng mga papeles ang inaatupag nito sa buong maghapon sa loob ng opisina nito. Nakadagdag pa sa kaniyang pagkairita ang halos oras-oras na paghawak ni Calix sa kaniyang maseselang bahagi ng katawan dahil hindi pa rin humuhupa ang rut nito.

Mayro'n pa ngang pagkakataong nasa isang pasilyo sila patungo sa opisina nito nang bigla na lamang siya nitong isinandal sa malamig na batong pader at saka siya nito mapusok na hinalikan sa kaniyang mga labi't walang pakielam kung mayro'n mang makakita sa kanila. At nang subukan niya itong pigilan ay marahas lamang siya nitong hinawakan sa kaniyang pang-upo at saka siya nito binuhat. Hindi pa roon nakontento si Calix at iniyakap pa nito ang kaniyang mga hita at binti sa beywang nito bago siya nito muling ipiniin sa pader gamit ang katawan nito. Para mapilitan pa siyang iyakap nang mahigpit ang kaniyang mga paa sa beywang nito, ay kinuha nito ang dalawa niyang kamay upang ipiniin ang mga iyon sa ibabaw ng kaniyang ulo gamit ang kaliwang kamay nito habang kanang kamay naman nito ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang batok upang masigurong hindi siya makakawala mula sa mga labi nito.

Naiinis at nahihiya siyang napaungol sa mga labi nitong halos lamunin na ng buo ang kaniya, nang maamoy niya sa hangin ang matapang at nang-aakit na pheromones ni Calix. Dahil nang sandaling dumampi iyon sa kaniyang ilong ay mabilis pa sa kidlat na nagreak at nag-init ang kaniyang katawan. Muli pa siyang napaungol kasabay ng impit na pag-ungol ni Calix matapos nitong ikiskis ang gising na gising nitong ari sa kaniyang nag-uumpisa na ring magising na ari. Tanging ang mga suot lamang nilang damit ang pumipigil upang lubusan nilang maramdaman ang init ng isa't isa.

Tila gutom na bata naman niyang hinabol ang mga labi ni Calix matapos nitong pakawalan ang kaniya upang bumaba patungo sa kaniyang marka, at kung hindi lamang nito hawak-hawak ang kaniyang mga kamay ay baka nasabunutan na niya ito upang muling ibalik sa kaniyang mga labi ang mga labi nito. Hindi na matandaan ni Lucien kung kailan pa niya naumpisang magustuhan ang mga halik nito, lalo na kung kailan pa siya nag-umpisang maadik sa mga halik nito. Basta't nakikita na lamang niya ang sarili niyang sumusuko sa mga halik nito at maadik sa tamis ng laway nito at sarap sa pakiramdam ng pagdampi ng dila nito sa loob ng kaniyang bibig-marahas na nakikipaglaro sa kaniyang dila.

Nasisiyahan naman siyang pinagbigyan ni Calix at muling ibinalik ang mga labi nito sa kaniya, pero sa pagkakataong ito ay mas mapusok, marahas at mapang-angkin, hanggang sa punto na makailang beses nang nagtama ang kanilang mga ngipin at makailang beses niyang naramdaman ang dila nito malapit sa kaniyang lalamunan. Wala sa sariling mariin niyang kinagat ang dila ni Calix nang muli niya iyong naramdamang dumako sa kaniyang ngala-ngala dahilan upang kapwa sila mapaungol. Bigla lamang natauhan si Lucien nang maramdaman ang pagpasok ng kamay ni Calix sa loob ng suot-suot niyang pang-ibaba. Napaungol siya bilang protesta, pero sa posisyon niya ngayon, wala siyang kapalag-palag sa kung ano man ang binabalak na gawin ni Calix sa kaniya.

'Ahh... Hmm. Ca-Calix, ti-tigil. Nasa labas tayo.' ang pagpigil niya rito gamit ang kanilang mindlink.

'Alam ko, munting alpha. At wala akong pakielam.' ang tanging tugon nito sa kaniya bago niya naramdaman ang paglapat ng mainit nitong kamay sa kaniyang ari.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon