Sorry, at natagalan. Kasalanan ito ng mga stories ni @ adjoaq Hahaha pangatlong book na niya ang babasahin at pagpupuyatan ko mamayang gabi 🤣 And many more to go pa. Sa sobrang sama ng loob ko dahil halos 30 words lang natira sa draft Ng chapter na ito last tuesday, naghanap ako ng babasahin 😅
Lycan LIV: Ang Realisasyon.
LULAN ng isang magarang karuwahe, kasalukuyan ngayong patungo si Lucien papunta sa pack ng kaniyang pamilya. Bukod sa kaniyang sinasakyan ay may dalawa pang magarang karuwahe ang nakasunod sa sinasakyan niya. Lulan naman ng mga iyon ang isa sa mga beta ni Calix, na si Lukas, at ang anim na mga kawal pa ng palasyo. Hindi naman niya maunawaan kung bakit kailangan pa siyang samahan ng mga ito, ngunit hindi na siya nakipagtalo pa kay Calix dahil baka magbago pa ang isip nito.
Isa pa, nahihiya pa rin siya sa kaniyang ginawang pag-iyak habang nasa mga bisig siya nito kahapon. Kaya gano'n na lang rin ang kaniyang pagmamadali na makaalis. Muli naman siyang napangiwi nang maalala ang eksena. Sa katunayan, maging si Calix ay nabigla sa kaniyang ginawa, at ilang segundo ring hindi alam kung ano ang gagawin sa kaniya. Hanggang sa nauwi na lamang ito sa pag-alo sa kaniya sa pamamagitan nang pagpapakawala ng pheromones nito at ng mga munting masusuyo nitong paghimas sa kaniyang likod.
Napabuntong hininga naman siya. Ano ba kasi ang naisipan niya at umiyak siya kahapon?
Kagaya naman ng kaniyang inaasahan, ay mabilis na kumalat sa buong palasyo ang balitang hindi siya nagdadala ng supling. At kahit hindi niya lubos na alam ang naging epekto niyon, ay batid niyang hindi maganda ngayon ang sitwasyon ng relasyon ni Calix kaugnay sa mga nakakatandang tagapayo ng palasyo. Iyon nga yata ang dahilan kung bakit hindi siya nito nagawang samahan ngayon sa pagbisita niya sa kaniyang pack, at nagsabing susunod na lamang ito sa kaniya. Isang importanteng pagpupulong kasi ang kinakailangan nitong daluhan.
Tahimik niyang inilibot ang tingin sa loob ng buong karuwahe na kasalukuyang mag-isa niyang sinasakyan. Kaninang umaga pa sila umalis, at base sa tirik ng araw sa labas ay mukhang magtatanghali pa lang. May ilang oras pang nalalabi bago sila makarating sa kaniyang pack. Malalim tuloy siyang napabuntong hininga. Nakakabagot palang bumiyahe ng walang kasama.
Hindi niya tuloy namalayang nakatulog na pala siya. Nagising na lamang siya dahil sa sunod-sunod na mararahang pagkatatok sa pinto ng sinasakyan niyang karuwahe. Kaagad naman siyang napatuwid ng upo mula sa pagkakasandal niya sa gilid ng karuwahe. Pagkatapos ay napatingin siya sa labas ng saradong bintana na gawa sa malabong kulay asul na salamin, at dito niya napagtantong mag-gagabi na.
"Mahal na Luna, gising na po. Narito na po tayo sa silangang hangganan ng inyong pack."
Nang sandaling marinig ito ni Lucien ay dali-dali niyang inayos ang suot-suot niyang makapal na kulay pilak na kapang gawa sa balahibo. Sa likuran niyon ay may nakaburdang pigura ng mga sinaunang ibon at halaman gamit ang magkahalong kulay pula at gintong sinulid.
"Mahal na Luna?" ang muling saad, ng sa hinuha niya ay si Lukas, ang isa sa mga beta ni Calix
"A-a.." Hindi naman mapigilang bahagyang pamulahan ng pisngi si Lucien matapos halos walang lumabas na boses mula sa kaniyang lalamunan dahil sa pagkakatuyo niyon. Pasimple siyang napatikhim bago siya muling nagsalita.
"Sandali lang, at lalabas na rin ako." ang tugon niya sa beta. Pagkatapos ay saka niya dahan-dahang binuksan ang pinto ng kaniyang sinasakyang karuwahe.
Kaagad naman siyang pinalibutan ng mga kasama niyang kawal ng palasyo habang bahagyang nasa likuran naman niya pumuwesto si Lukas. Napakunot naman ang kaniyang noo dahil sa ginawa ng mga ito kung kaya't hindi na niya napigilang komprontahin si Lukas.
BINABASA MO ANG
Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)
Paranormal" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa n...
