MERRY CHRISTMAS GUYS ⛄🎁
Sorry, now ko lang natapos. 😔
Lycan LIX: Ang kaniyang Dominante
LULAN ng kulay pulang magarang karuwahe, kasalukuyan ngayon bumibiyahe pabalik ng palasyo sina Lucien at Calix, kasama ang beta nitong si Lukas at iba pang mga kawal na siyang naghatid kay Lucien. Hindi naman mapilan ni Lucien na muling makaramdam ng pangamba lalo't napagtanto niya ngayon na wala siyang maaaring pagkatiwalaan sa loob ng palasyo. Dahil bukod kay Calix at sa tatlong beta nito, ay wala siyang ibang kilala o nakapalagayang loob na maaari niyang mapagkatiwalaan sa loob ng palasyo.
Kung ang punong mangagamot nga ay nagawang magsinungaling ng harap-harapan sa kanila ni Calix, paano pa ang iba? Paano siya makakasiguradong hindi rin iyon magagawa ng iba? Paano siya makakasiguradong walang magtatangka umatake sa kaniya habang naroon siya. Ngayon lamamg niyang lubos na napagtanto kung ano ang ibig sabihin ng pagiging mate ng isang hari, at ang realidad na mayro'ng mga taong nais pabagsakin, o kontrolin si Calix.
Wala naman sana siyang problema noon kung mayro'n mang banta sa buhay niya, o may magtatangka gamitin siya laban kay Calix, dahil kaya naman niyang protektahan ang kaniyang sarili. Pero ngayon-iba na ang sitwasyon. Hindi na lang ang sarili niya ang dapat niyang isipin, kundi pati ang mga munting buhay na nasa kaniyang sinapupunan. Idagdag pang sa pagsapit ng dalawang buwan ng kaniyang pagbubuntis-na siyang kulang dalawang linggo na lamang mula ngayon-ay mariin siyang pinagbawalang magpalit sa kaniyang anyong lobo at Lycan hanggang siya'y makapanganak.
Sa kasamaang palad, 'di tulad sa mga lalaking submissive at omega, ang katawan ng isang lalaking alpha na lobo at Lycan ay walang likas na kakayahang magdala ng mga supling. Walang makakapagsabi kung ano ang magiging epekto ng pagpapalit ng anyo sa pagbubuntis ng isang lalaking dominanteng Lycan. Lalo na sa kaniyang kaso, na hindi lamang isa ang dinadala kundi tatlo. Napabuntong hininga na lamang siya't wala sa sariling napasandal ang kaniyang likod sa kaliwang braso ni Calix habang taimtim siyang nakatanaw sa labas ng karuwahe.
Nagulat naman siya nang bigla na lamang siyang hapitin ni Calix sa kaniyang beywang at saka siya nito marahang binuhat at inupo sa kandungan nito. Hindi naman mapigilan ni Lucien ang mapasagitsit matapos kumiskis sa kaniyang dibdib at kaselanan ang suot niyang mga damit. Mahapdi at sensitibo pa kasi ang mga iyon matapos ang mga itong panggigilan at pagsawaan ni Calix buong magdamag. At wala pa talaga itong planong tumigil kundi pa siya nagmakaawa. Hindi man nito sinubukan maski isang beses na angkinin siya ng lubusan ay siniguro naman nitong mararamdaman niya ng ilang araw ang mga labi at haplos nito.
Tulad niya ay nakasuot lang din si Calix ng isang kapa at isang mahabang pang ibabang kasuotan si Calix. Mabilis naman siya nitong ikinulong sa mga bisig nito bago pa man siya makapagprotesta. Muli na lamang siya napahinga nang malalim bago niya hinayaan ang sariling magrelax sa mga bisig nito. Hindi naman nagtanong o nagsalita si Calix, at nagpakawala lamang ito ng pheromones nito upang pakalmahin siya. Kaniya namang ikinatutuwa ang pananahimik nito, dahil sa totoo lang, matapos ang ginawa nitong pagtatapat ng damdamin nito sa kaniya kagabi ay hindi niya alam kung paano niya ito haharapin ng hindi niya iyon maaalala.
Lalo pa't....
Kakaibang mainit na emosyon ang nararamdaman niya sa kaniyang dibdib sa tuwing naaalala niya iyon. Isang emosyon pilit niyang hindi pinapansin.
Hindi niya rin alam kung ano ang pinag-usapan nito at ng kaniyang ina kanina bago sila umalis. Ngunit kung ano man iyon, pakiramdam niya ay iyon ang dahilan ng pananahimik ni Calix at ang malalim nitong pag-iisip mula pa kaninang sumakay sila sa loob ng karuwaheng kinasasakyan nila ngayon. Paminsan-minsan ay nahuhuli niya itong matiim na sumusulyap ng tingin sa kaniya, pero kaagad din itong umiiwas ng tingin sa oras na mapansin niya ito. Hindi niya tuloy mapigilang mapaisip kung may kinalaman kaya ang sinabi ng kaniyang ina sa kaniya gamit ang kanilang mindlink, noong yakapin siya nito kanina bago siya nito hinayaang makasakay ng karuwahe.
BINABASA MO ANG
Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)
Paranormal" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa n...
