Lycan LXI: Instinto at Paglilihi

1.1K 59 21
                                        

Lycan LXI: Instinto at Paglilihi

"Ang puso mo, aking mahal."

GANO'N na lang namilog ang mga mata ni Lucien dahil sa labis na pagkagulat. Paulit-ulit na bumuka-sara ang kaniya bibig subalit wala ni isang salita ang lumabas mula roon. Hindi naman kasi sukat akalain ni Lucien na iyon ang isasagot ni Calix. Lalo pa't magmula noong magtapat ito nang damdamin nito sa kaniya noong sila'y nasa pack pa nila ay hindi naman ito nagpakita ng anumang indikasyon na naghihintay ito ng kaniyang pagtugon. Lalo naman siyang 'di nakaimik matapos siyang bigyan ng isang munting halik ni Calix sa kaniyang mga labi bago siya nito matiim na tinitigan sa kaniyang mga mata. Isang pilyong ngiti naman ang sumilay sa mga labi nito matapos makita ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.

Ack! Buwisit. Tuwang-tuwa pa talaga ang loko. ang naiinis na singhal ni Lucien sa kaniyang isipan. Binigyan niya tuloy ito ng isang matalim na tingin, pero ang loko, mukhang mas lalo pang naaliw dahil sa kaniyang ginawa.

"Huwag kang mag-alala, hindi mo naman kailangan sumagot." ang nakangising saad nito. "Ngunit kung ipagpapatuloy mo ang pagtatanggol sa mangagamot na iyon, hindi ako magdadalawang isip na ikulong ka sa ating silid." ang biglang seryosong pagbabanta nito sabay layo ng mukha nito sa kaniyang mukha. Sa kasamaang palad, nanatili pa ring nakalapat sa pader sa magkabilang gilid ng kaniyang ulo ang mga kamay nito. "Lalo't mas pinili mo pang itago ang iyong pagbubuntis para lamang maprotektahan siya."

Dito naman malalim napahinga si Lucien at napairap ng kaniyang mga mata.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga iyon gano'n? Hindi iyon ang dahilan kung bakit nais kong itago muna ang aking pagbubuntis—"

Napasinghap naman si Lucien nang biglang hawakan nang mahigpit ni Calix ang kaniyang baba at saka siya sapilitang muling pinatingin sa mga mata nito.

"Kung gano'n, ano?!"

"Sinabi ko naman sa'yo, nais ko lang naman muna malaman ang kaniyang dahilan kung bakit niya iyon nagawa bago mo siya patawan ng kaparusahan. Kung malalaman natin kung ano ang kaniyang dahilan mas madadalian tayong mapilit siyang sabihin kung sino ang nasa likuran ng-"

"Kung iyon lang din naman ang iyong inaalala, hindi mo na kailangan pang intindihin iyon. Dahil kung sino man sila, ako ang kanilang kahaharapin, munting Alpha."

Hindi naman kaagad nakapagreak si Lucien nang sensuwal na ipadaan ni Calix ang hinlalaking daliri nito sa kaniyang ibabang labi.

"Isa pa, alam ko naman na kung sino-sino sila." ang saad nito habang isang nakakatakot na ngiti ang matamis na sumilay sa mga labi nito. "Konting hintay lang at matatanggap din nila ang munti kong regalo."

Napalunok naman ng kaniyang laway si Lucien nang maramdaman ang matinding pagkauhaw sa dugo ni Calix. Hindi pa man nangyayari subalit, parang alam na niya kung ano ang mangyayari. Wala sa sariling napahawak si Lucien sa beywang ni Calix sa pagtatangkang pakalmahin ito. Halata namang nagulat si Calix sa kaniyang ginawa dahil sa paninigas ng mga kalamnan nito bago ito dahan-dahang napatingin sa mga kamay niyang nasa beywang nito. Kaagad namang napabitaw si Lucien at nahihiyang napatikhim matapos mapagtanto ang kaniyang ginawa.

"Ah. Maaari na siguro tayong bumalik sa ating silid, hmm? Um. Medyo nakakaramdam na rin akong ng kaunting pagod, at nais ko sanang magpahinga." ang pag-iwas na saad na lamang ni Lucien bago niya marahang itinulak palayo sa kaniya si Calix.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon