Kabanata 1

464 40 18
                                    


Unang araw ng pasukan heto ako at mukhang aso sa katatakbo dahil huli na naman ako para sa unang subject. Okay lang naman ma-late guys, hindi naman yun masama ang mahalaga nga eh papasok pa ako kahit na alam ko namang bukod sa maghapong magpapakilala eh wala ng ibang gagawin.


Habang umaakyat ako patungong second floor kung nasaan ang classroom ko ay kasabay na rin ang pag aayos ko sa nagulo kong buhok dahil sa pagsakay ng jeep kanina. Biyaheng langit yata ang gusto ni Manong driver at kulang na lang eh lumipad ang eyelashes extension ng kaharap ko sa upuan.


Agad akong umupo sa napili kong silya at huminga ng malalim. Nakakapagod sobra. Wala pa akong ginagawa pero pagod na ako.


"Wow, sa halos apat na taon na kaklase kita tingnan mo nga naman at wala ka pa ring pinagbago. Late ka pa din bruhita ka." singhal sakin ng kaibigan na si Jaira.


"Saka mo 'ko yabangan kung hindi ka na rin late." sagot ko saka kinuha ang notebook at nagsimulang lagyan ito ng pangalan ko.


"Aba ano ka elementary? Taon taon na lang yata nilalagyan mo ng pangalan notebook mo para hindi mawala eh hindi ka naman nagsusulat ah." Inirapan ko lang sya saka binalik na lang ulit ang notebook ko sa bag ko. Hiyang hiya naman kasi ako sa kaibigan ko di ba.


20 minutes na ang nakalipas at wala pa ring prof na nagpapakita. Ano pa nga ba ang aasahan ko eh lagi nalang ganito kapag first day, ewan ko rin ba kung bakit pumapasok pa 'ko. Malapit na akong mag limang taon na pumapasok sa school na 'to. College na sana ako kung wala lang senior high! Maya maya pa unti-unti ng nawawala ang mga kaklase ko, siguro eh nababagot na rin at nais na talagang lumabas.


"Hoy, Gab ano? Tara sa canteen na lang muna tayo? Ang boring naman dito, wala akong balak mag bilang ng tiles."


"Sige tara, si Selene ba nakita mo?" tanong ko habang sinusuklay uli ang hanggang bewang kong buhok. Alagang alaga ko ito 'no! Alagang cream silk 'to sis!


"Bakit nakita mo ba?" aniya.


"Hindi kaya nga kita tinatanong!" sagot ko naman.


"E, hindi ko rin nakita kaya kita tinatanong bobo neto!"


"Alam mo ang sama ng ugali mo." sambit ko habang sinasabayan siya maglakad palabas ng classroom namin.


Humarap naman siya sakin at ngumiti.


"Thank you, so much appreciated!"


Halos hindi ko na alam kung canteen pa ba ito o palengke, sa sobrang daming tao! Malaki naman ang canteen ng school namin pero napakadami lang talang students ngayon dahil na rin siguro first day. Humanap agad kami ng upuan ni Jaira upang doon na rin hintayin ang kaibigan naming si Selene.


"Selene! Dito!"


Lumapit agad samin si Selene at umupo habang pinapaypayan ang sarili. Hindi namin siya kaklase ngayong taon dahil STEM ang kinuha niyang strand dahil gusto niya raw mag engineer samantalang TVL naman ang kinuha namin ni Jaira. Ako ay major in Programming samantalang si Jaira ay Cookery.


"Oh my god girls, hindi kayo makakapaniwala sa sasabihin ko." medyo inilapit pa ni Selene ang mukha niya samin habang palinga-linga ng kaunti ang ulo.


"Kung ganon naman pala, e, 'wag mo ng sabihin Selene." pambabara sa kanya ni Jaira. Hinampas naman agad siya nito ng pamaypay.


"Bahala ka, 'wag kang makikisali! Sayo na nga lang Gab, alam mo ba nakita ko si Lloyd." kwento niya.


Agad naman namilog ang mata ko sa sinabi ni Selene. Tumayo muna ako at saglit na kumuha ng tubig sa kalapit naming dispenser. Si Lloyd ang long time crush ko. As in long time. Grade 7 ako nung nagkaroon ako ng crush sa kanya. Mabait, matalino at higit sa lahat gwapo. S'yempre ano ba naman kayo bonus talaga yung mukha! Si Lloyd, isa siyang walking green flag para sa akin.


Tinuon ko naman ang pansin ko kay Selene, "Di nga? Ano? Nakita ka ba niya? Lumipat na lang kaya ako ng STEM? Malapit pala kayo sa department nila!" sambit ko, agad naman akong binatukan ni Jaira.


"Pywede naman Gab, kaso hindi ba enemies kayo ni mathematics? Pinapaalala ko lang naman sayo 'yon! Saka bakit porket ba engineering siya at senior high ka pa lang hindi ka na puwedeng magpapansin?" sabay halakhak ng bwisit na babae na 'to buti nalang talaga at kaibigan ko siya.


"Hindi naman ako magpapansin sa kanya Jai, hindi ako tulad mo ksp ka ng taon." sabi ko saka nag simula na maglakad upang maghanap ng puwede kong mabili.


"KSP?! You mean kulang sa pansin ako? Oh my god really, huh. Pinapansin talaga ako ng mga lalaki, kahit takluban ko pa ang mukha ko." pagmamayabang niya.


Pang asar akong ngumiti sa kanya saka sinabi, "Hindi, ksp means kulangot sa pader." sabay halakhak ko at pumila na dahil nakapili na ako ng bibilhin ko.


Bakas sa mukha ni Jaira ang pagka-asar kaya binaling na lamang niya kay Selene ang atensyon at agad niya itong pinagtripan. Matagal na kaming magkakilalang tatlo pero pinaka matagal kong kilala si Selene. Kaklase ko na siya mula grade 1 hanggang mag grade 10 kami. Nakilala ko naman si Jaira noong grade 7 kami.


Sa tingin ko naman magiging masaya ang senior high life ko dahil kasama ko pa rin ang mga kaibigan ko, higit sa lahat nandito si Lloyd! Malay niyo kapag puwede na, mapansin niya na ako. Sana lang!

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon