This is the last chapter of Last Night, and also the end of the first story for COF Series. The next update will be the epilogue. Thank you so much for reading! See you all again on the next COF Series and to other coming soon stories. To stay updated, kindly follow me here and on twitter @hellopatchy. Again, thank you so much!
***
"Akin na kasi 'yan Kael! Ang kulit mo naman eh!"
Nandito kami ngayon sa airport ng Puerto Princesa nagtatalo dahil ayaw niyang ibigay ang phone ko eh natalo na siya sa temple run kaya ako naman ang maglalaro.
"May isa pang buhay oh! Mamaya ka na!" aniya.
Inis na inis akong naglakad papunta sa eroplano. Nang makaupo na kami ay inilahad ko na ang kamay ko.
"Oh, akin na. Ako naman. Kanina ka pa naglalaro, naiinis na ako sayo, huh. Mag download ka dyan sa cellphone mo! Kung wala rin 'yang pakinabang ay akin na at itatapon ko dito sa bintana!"
Iniabot naman niya sakin ang cellphone ko. Sa simula palang ng laro ay nauntog ako sa puno kaya na out agad ako. Kinuha agad ni Kael ang cellphone ko.
"You lose, so it's my turn again. Gabbi, so bulok." pang-aasar pa nito sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at pinikit ang mga mata saka natulog.
Nang makarating sa Manila, ay wala akong gana habang naglalakad. Gutom na rin kasi ako. At etong si Kael na 'to, adik! Hanggang ngayon naglalaro sa phone, matapos lowbat-in ang cellphone ko saka pa siya nag download ng sarili niya! Nakakairita talaga. Bakit ko ba sinabi pa diyan yung laro na 'yon.
Dahil sobrang gutom na ako ay pinili na lang namin na sa Mcdonalds kumain tutal mas nauna namin itong nadaanan. Ang dami kong inorder dahil gutom na gutom talaga ako. Habang kumakain kami ay hindi pa rin tinitigilan ni Kael ang cellphone niya. Kinuha ko naman ito at pinandilatan siya.
"Ano? Kumain ka muna! Itatapon ko talaga ito sa labas! Adik ka!"
Ngumuso naman siya saka kumain na rin. Pagkatapos kumain ay bumyahe na ulit kami. Nagpunta kaming mall dahil gusto niya daw bumili ng pasalubong para kay Kailie. Binilhan ko na lang ng sandals si Kailie, habang ang binili naman niya ay IPad. Sana all na lang si Kailie.
Bago makarating sa bahay, napagdesisyunan naming tumambay saglit sa park. Umupo naman ako sa swing at siya sa kabila. Marami nang nangyari. Hindi ko naisip na magkakabalikan pa pala kami.
"What took you so long? Kinasal na mga kaibigan natin.." sambit ko.
He chuckled. "Sorry na traffic. Bakit, gusto mo na bang mag-asawa?"
Tumawa naman at pinigilan ang sarili dahil baka makasigaw ako ng 'oo' ngayon rito. Nang lingunin ko siya ay nakatingin pala siya sakin.
"Thank you for waiting." aniya.
Akala ko hindi ko magagawang maghintay. "Kaya ko pala, Kael. Kung hinintay lang kita noon sabay na sana tayong nagpuntang France. Sorry, huh? Ata ako eh." sabay halakhak ko.
"Don't be sorry for that, Gab. You left for your dreams. I don't want you to go, but I don't want to be a hindrance for you to be able to reach your dreams. I promised to support you. Even if we broke up that night, it brought us to each other again. We've grown apart..."
Tumingala ako sa langit upang pigilan ang mga luha. What did I do to deserve this man?
"Tama lang ang ginawa mo noon, Gab. You chose your dreams in France, and I waited for you. I chose my dream to help other people in Africa and you also waited for me. Right? So tama lang ang lahat, Gab na inuna natin ang mga pangarap natin."
Umiiyak na ako ngayon habang nakikinig sakanya. We both chose our dreams, before we chose each other again.
"What's not right is you felt insecured. There's no race, here Gab. Hindi karera ang pag tupad sa pangarap. Hindi porket may nauuna sating umangat ay kailangan nating makipag paligsahan..." aniya
He's right. Dahil nainggit naman talaga ako. Kasi nagpadalos dalos ako sa mga desisyon ko dahil akala ko naiiwanan na ako. Kaya iniwanan ko si Kael, kasi ang akala ko ay nahihila niya ako pababa kaya hindi ako makapunta sa taas. But now, I've learned. And I'm happy kung ano man ang mga narating naming dalawa.
Hindi porket hindi natupad ang isang pangarap ay wala na tayong karapatang mangarap ulit. God blessed me so much. He gave the cafe, the flower shop, the good workers. My friends, my Tita Karen, my Mother who came back with my little sister Kailie, and my love Kael.
That's why there is time, so people can learn to wait. To have patience. To trust. And to believe. Hindi lahat pwede nating makuha nang agad agad. Lalo na kung hindi ito inilaan para sa atin.
Oo nangarap ako bilang flight attendant, pero hindi na ito inilaan para sakin. Hindi ito para sa akin. Ngayon, naiisip ko kung naging flight attendant ako sa France magkikita pa ba ulit kami ni Kael? Makikilala ko ba si Kailie? Hindi ko alam.
God gave me this second life for me to see how beautiful life is. For me to realize that He has given me such an amazing people around me. I couldn't ask for more. Because this is more than enough.
Lumalamig na kaya naman tumayo na kami at naglakad patungo sa bahay. Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay. Gusto ko ang pakiramdam dahil kapag hawak nya ang kamay ko, I feel so safe.
Papasok na sana ako sa gate nang tawagin niya ako. Nakangiti ito ngayon sa akin, kaya napangiti rin ako. Hindi ko akalain na mamahalin ko nang sobra ang lalaking nasa harapan ko ngayon. I never thought I could love someone this way.
"Let's get married. "
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...