Kabanata 7

114 30 13
                                    


Nakatingin ako ngayon sa susuotin kong long sleeve dress para sa casual attire para sa pictorial kaso lang pag nag uniform makikita ang paso ko sa braso. Hindi na naagapan agad nina Mama kagabi dahil tumagal na raw saka sensitive masyado ang balat ko. Pero hindi naman daw ito pepeklat.


Hinatid ako ni Papa sa school kaya hindi ako masyadong haggard ngayon. Dumiretso ako sa canteen kung nasaan sina Selene pero nung makita kong nandun si Chloe ay hindi nalang ako tumuloy. Naroon naman si Kael at ayoko siyang makita.


Nandito na ako sa classroom at nagpapaayos na para sa pictorial. Mabuti na lang at napicture-an din ako agad. Gusto ko na rin kasing umuwi ka agad kahit nag-aaya pang kumain sa mall sina Selene.


"Ganitong angle ka na lang muna para hindi kita ang paso mo sayang, ganda ng kutis mo." puri sakin ng photographer. Ngumiti na lang ako bilang pasasalamat sa kanya.


Nagpaalam naman ako na magbabanyo upang makapag hilamos na din. Sobrang ayos naman talaga at naabutan ko pa si Chloe kasama ang mga kaibigan niya sa rest room. Umirap ako sa kawalan at dumiretso na lang sa isang cubicle.


"Look who's here! The flirty pretender friend."


Hindi ko na lang siya pinansin saka nag tungo sa lababo. Ayoko ng gulo. Iyon ang itinatatak ko sa utak ko. Kahit na gusto kong iganti ang sarili ko, wala naman akong mapapala. Lumabas ako ng cubicle ng matapos na. Nagulat na lang ako ng bigla akong hawakan ng dalawa niyang kaibigan.


"Bitiwan nyo nga ako, ano ba!" They released their grip on me when I exerted all of my strength, but Chloe's slap was too strong for me to dodge. Her slap made me feel as though my cheek was being pulled out. On my lips, I could taste blood and feel pain.


"Anong karapatan mong saktan ako, huh?" hinila ko ang buhok niya at sinabutan ngunit lugi nga pala ako dahil tatlo sila. Ramdam ko ang hapdi sa ulo ganun din sa katawan ko dahil sa mga kalmot nila. Nang makawala ng kaunti ay agad akong tumakbo palabas ng cr.


"Habulin niyo!"


Kakaunti ang mga estudyante sa labas dahil lahat ay nasa respective areas para sa graduation pictorial. Takbo ako nang takbo hanggang sa makarating ako sa field. Sobrang sakit na ng katawan ko. Iyak rin ako nang iyak. Hinahabol parin ako nina Chloe pero ngayon may mga kasama siyang lalaki.


Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kaya hindi ko namalayan na mabato ang dinadaanan ko kaya nadapa ako. Hindi ako makabangon sa sobrang hapdi ng mga tuhod ko. Naabutan ako nina Chloe, lumapit siya sa akin at sinabunutan ulit ako.


"Bitawan mo ako!" ngunit isa na naman sampal ang natamo ko kay Chloe. Ang sakit sakit na. Sobra. Iyak na lang ako nang iyak.


"Malandi ka kasi! Dapat lang 'yan sa'yo! Akala mo kung sino kang matapang!" binitawan na ako ng mga lalaki saka sila naglakad palayo. Napaluhod na lang ako habang pilit pinapatahan ang sarili.


Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hinang hina ako dahil na rin sa layo ng tinakbo ko. Napahawak ako sa dibdib ko habang nahihirapan huminga. Hindi ko na kaya pang lumakad para umalis sa lugar na 'yon hanggang sa nag dilim na lang ang paningin ko.

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon