Isang linggo na ang nakalipas at ginugulo pa rin ni Kael ang isipan ko. Gusto ko siya at ayos lang sakin na lumampas kami sa pagkakaibigan pero gusto niya ba ako? O sinabi niya lang yun dahil nasa harap kami ng mga magulang ko? Like, ayaw niya lang mapahiya or nahihiya siya sumagot ng hindi maganda sa parents ko.
Mamayang gabi na ang party para sa debut ko. Kinakabahan na medyo naeexcite ako. Kinuha ko ang phone ko para sana mag text kay na Selene nang mabasa ko na ang mga texts nila. Sunod sunod naman na mga bati ang natatanggap ko sa mga kaibigan ko, yung sa iba naman ay sa mga kakilala lamang at yung iba hindi mga kilala.
Jaira:
Happy birthday, Gab! See you later. Sana hindi ka mukhang tanga mamaya. Lab u <3
Selene:
Happy birthday, Gab! See you later! Have fun ha, I love u!
Rence:
Happy birthday, Gab, see you!
Nhicko:
Happy birthday master! Huwag ka masyado magpa ganda mamaya baka may himatayin. I love you
Lloyd:
Happy birthday, Gab. See you!
Kael:
Happy birthday.
Hapon na kaya nag hihintay ako na dumating na ang mag aayos sakin. Kinakabahan na ulit ako para mamaya. Hindi naman sobrang dami ng bisita pero kinakabahan pa rin ako. Kumatok at pumasok si Mama sa kwarto ko.
"Happy birthday, my Gabrielle. You are now a lady, time flies so fast talaga." naiiyak na sabi ni Mama sakin. Agad ko naman siyang niyakap.
"Thank you, Ma." I kissed her on the cheeks. "I love you, Ma."
Hinaplos naman ni Mama ang mukha ko at ngumiti. "Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng Papa mo. Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko."
"I love you, Ma."
Dumating na nga ang mag aayos at nag simula na silang ayusan ako. Mahigit 2 oras rin ang tinagal ng pag aayos sa akin. Ngayon naman ay sinusuot ko na ang gown ko. Lalong kumabog ang dibdib ko at parang hindi ata ako makakapag lakad ng maayos mamaya sa sobrang kaba.
"You look so beautiful, young lady!" puri sakin ni George.
"Thank you, George, and to your team. You're all amazing." puri ko sa kanila.
Hinintay ko na lang ang hudyat na kailangan ko na lumabas. Kinuha ko muna ang phone ko saka nag selfie pang ig story. Deep inside ay lalamunin na ata ako ng kaba.
I put some caption, 'hbd to me, am I beautiful tonight? 💋'
Maya maya pa ay tinawag na ako. Dahan dahan akong naglakad papunta kung saan nakalagay ang uupuan ko. Nakita ko ang mga kaibigan kong bumabati, kumakaway at natutuwa sa akin ngayon. Narinig ko pa ang sigaw ni Jaira.
"GANDA MO, PARANG AKO LANG AH!"
Natawa naman ako kaya nag flying kiss ako sa kanila na agad namang sinalo ni Nhicko at pinasa kay Rence sa pamamagitan ng paghalik nito sa pisngi neto. Tumango naman sa akin si Lloyd, at seryoso lang na nakatingin ang masungit na si Kael.
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...