LN 20

102 22 13
                                    


Mabilis lumipas ang panahon at abala kaming lahat sa school. Last year ko na ito sa college at gagraduate na ako. Sa pagpapatuloy sa pagtatrabaho sa cafe ni Tita Karen, nakakaraos ako. Tinulungan nya rin akong makapag ojt sa isang maganda at maayos na airline. 


"Painom ka naman dyan Gab! Tatlong taon na kayo ni Kael ah, sana all matibay." pang-asar ni Jaira sa akin. 


Oo nga naman, hindi ko akalain na aabot rin kami ng tatlong taon ni Kael. Sino bang hindi tatagal sakanya, napaka maunawain kahit na madalas ay iniinis ako. 


"Next time na lang, Ja. Marami akong ginagawa saka busy rin si Kael." 


Isang buwan na rin kami hindi nag kikita, panay text o videocall lang kami. Bukod sa abala ako sa school, abala rin siya sa trabaho. Gumraduate na sila nina Nhicko last year. Kung hindi din ako abala ay baka nagtampo na ako dahil hindi nga kami nag kikita, kaso sa sobrang abala hindi ko namalayan na ganon na rin pala katagal. 


"Nako, baka mamaya nambababae na 'yang si Kael! Iba pa naman ang mga babaeng nagtatrabaho na! Panigurado may mga babaeng engineer roon!" ani Jaira habang sinusubukang tikman ang cake na bagong baked nya. 


Umiling naman ako, "Hindi mambababe 'yon, takot na lamang siyang hindi magkaanak sa future." sabay halakhak naming dalawa. 


Pagkalipas ng isang linggo ay nakapagkita rin kami ni Kael pero isang oras lang dahil abala nga siya. Naiintindihan ko naman kaya tinuon na lamang ang pansin sa pag-aaral at pagpapart time job sa cafe. 


"Hija, saan mo ba balak mag trabaho kapag nakatapos ka na? Gustong gusto ka kuhanin nung kumpare ko! May-ari iyon ng airline sa ibang bansa! Sinasabi ko sayo Gabrielle, maganda ang opportunity roon." ani Tita Karen habang hinahaplos bahagya ang aking braso. Ngumiti naman ako sakaniya dahil tama naman nga siya. 


"Oo nga po, Tita. Pero mayroon din namang magandang opportunity rito sa atin. Saka masyado po iyong malayo. Ayoko pong umalis ng Pilipinas. Kung maaari ay dito ko po gustong mag umpisa." 


Hindi ko alam kung ayaw ko lang ba talagang umalis dito o ayokong maiwan si Kael. Kung dito nga sa Pilipinas hindi kami ganon kadalas magkita lalo na kung mangingibang bansa pa ako. Pagkatapos ng duty ay nagpasya na akong umalis nang makatanggap ako ng text mula kay Kael, agad naman akong napangiti. 


Kael: Are you still at the cafe? Can you wait for me? I want to see you. 


Kaya umupo muna ako sa upuan sa labas at inintay siya. Maya maya naman nakita ko na ang paparating niyang kotse. Lumabas ito at nginitian ako. Mukhang pagod na pagod na siya. Napansin ko rin na medyo madumi yata ang polo niya.


"Anong nangyari dyan?" tanong ko.


"Natapunan ko lang ng kape kanina. Have you eaten? Let's eat?" aniya.


Tapos na akong mag dinner pero mukhang hindi pa sya, kaya sinabi ko na lang na hindi pa din ako kumakain. Wala ng malapit na restaurant na bukas kaya dito na lang kami sa Mcdo.

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon