Habang abala ako sa paglilista ng mga kailangan kong bilhin narinig kong may binati si Joy. Kay aga naman ng customer.
"Welcome to El Cielo, Madam.." bati ni Joy.
Nasa loob ako ng opisina ko pero dahil bukas ang pinto ay naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Lalabas sana ako upang ako mag entertain ng magsalita ito.
"Nice, unique names. I want to try that Tokyo. One please, and also this ham and cheese sandwich. Dine in. Thanks."
Hindi ako pwedeng magkamali. Dumaan man ang ilang taon, alam ko na boses 'yon ni Jaira! Anong ginagawa nya dito sa America? Oh my god! Pumasok naman si Joy sa office ko.
"Okay ka lang Mam? Masakit paa mo?"
"No, I'm okay. Dito muna ako, ha?" tumango naman siya at lumabas.
Hindi ako mapakali pero hindi ko pwedeng hayaan na makita ako ni Jai. Hindi nila alam ang nangyari sakin, panigurado ang alam nila ay flight attendant ako sa France. Dahil sa sobrang pagkamiss, sinilip ko si Jai. Nagcecellphone sya at mukhang kinukuhanan ng litrato ang lugar. Mas lalo siyang gumanda sa blonde hair niya, humaba na rin ang buhok niya na dati hanggang balikat ngayon ay hanggang bewang na. Kung makita niya ako ngayon ay paniguradong magdududa. Mukhang aalis na siya kaya nakahingga na ako ng maluwag. Lumapit siya kay Joy at may sinabi. Saka lumabas.
"Bakit, Joy? May problema daw ba? Hindi ba nagustuhan?" sa layo na rin ng narating ni Jaira paniguradong alam niya na ang maganda o hindi.
"Wala naman Mam, tinanong kung sino may ari sabi ko private. Saka pinuri lang yung lugar naten, maganda daw babalik daw sya at aayain rito yung kaibigan niya daw na flight attendant. Sige Mam, labas lang ako may customer eh."
Nangilid ang luha ko, pakiramdam ko hindi ko kaya ang mga narinig. Pakiramdam ko ang tinutukoy ni Jaira. Pinakalma ko ang sarili ko saka sinagot ang tawag ni Tita Karen.
"Hello, Tita?"
("Hija! I know your busy, I just want to inform you that tomorrow I'm going back to the Philippines. Ayun eh kung gusto mong sumama?")
Handa na ba akong umuwi? At harapin ang mga kaibigang naiwan? At si Kael? Na iniwanan ko para sa pangarap ko. Nakakapagod na rin naman na kahit nandito ako sa America, nagtatago pa rin ako. Ilang taon na din gusto ko na rin makita silang lahat. Gusto ko rin makapag-usap na kami ni Kael. Hindi maganda ang paghihiwalay namin, kahit papaano naman magkaibigan kami.
Maaga kong pinauwi si Joy at ang ibang trabahante, dumeretso na ako sa bahay para mag-impake. Habang nag-aayos ng gamit, nakita ko ang graduation picture namin nung senior high. Si Nhicko na semi kalbo, si Rence na nakapusod ang buhok, si Kael na bagsak ang buhok, si Selene na may bangs, si Jaira na laging naka bun at ako na sobrang haba ng buhok. I wonder how much they've grown now. Sandali ko lang nakita si Jaira, pero hindi ko pa rin malaman ng ayos ang mga nag bago sakanya.
Tinitigan ko ang sarili sa salamin, wala na ang mahabang buhok ko. I am now the Gabbi with the short wavy bob haircut. Marami na rin namang nag bago sa akin.
Kararating lang namin ni Tita ngayon dito sa Manila, hindi na rin ako sanay sa init. Tatlong taon na rin ang nakalipas nung huling nandito ako. Sumakay na agad kami nung dumating na ang sundo. Mas lalong dumami ang matatayog na mga building, isa kaya dyan gawa ni Nhicko? ni Rence? ni Selene? ni Kael?
"Hija, wala ka bang lakad ngayon? Ibababa ako ni Manong sa office may meeting ako." ani Tita Karen. Siguro pumunta kaya akong mall? Kulang ang damit na dala ko, halos panlamig lahat.
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...