This is the last update for Last Night, COF Series #1. Again, thank you very much for reading. Hope to see you all again on COF Series #2. I wrote this story not just to give entertainment but also to serves as an inspiration, to motivate you, to tell you to keep going. To tell you that it's fine to choose what your heart's really desires. Don't lose hope. He has better plan for you.
"Hindi porket hindi mo natupad ang una mong pangarap, ibig sabihin ay hindi ka na ulit pwedeng mangarap."
***
"Dude, ano? Tara na! Dami na namang tao mamaya sa canteen baka wala tayong maupuan."
Magkakasama kami ngayon nina Rence para kumain sa canteen. I don't want to go but they got my wallet. Fucking assholes. Tinapik naman ako ni Lloyd sa balikat at nagpaalam. Pupunta na naman 'yon sa pinopormahan niyang senior high.
Sino ba namang hindi iinit ang ulo e tatlo yung inuupuan niya. Dagdag pa yung nakakainis niyang boses. Stupid. Kaya nakakainis makipagtalo sa mas bata eh, immature.
"Tol, hayaan mo na! Ang bata bata pa 'non! Saka ang ganda rin, 'noh?" ani Nhicko kaya binato ko naman siya ng bag niya. "Aray! Naknampucha! Ano selos ka? Baka mamaya pormahan mo 'yon, ano pustahan?"
Umiling naman ako. "As if papatol ako sa bata." sabay sabay kaming apat na nag tawanan. Mga siraulo!
Nandito kami nina Rence sa mall para bumili ng ireregalo kay na Gab kasi graduation nila bukas. Hindi ako makapili ng maayos sa sobrang ingay nung dalawa! Ayos na kaya 'tong bracelet? Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagpagawa ako ng initials naming dalawa at pinalagay ko doon sa bracelet.
"Tangina 'yang regalo mo! Bakit ganyan, ano ka boyfriend?" akmang kukuhanin ni Nhicko mabuti na lang ay naitago ko agad.
"Pakialam mo, wala ka lang pambili." sambit ko. Nilagay ko na agad sa box yung bracelet at nilagay sa bag ko.
Nakita ko siya nung nasa garden ako kausap si Elaine. Hindi ko na alam kung paano ko ba ieexplain na gusto ko lang siyang kaibigan, dahil may iba akong gusto. Kung pwede ko lang sabihin na hindi ko siya gusto kasi ang arte niya, ay nagawa ko na. Pero syempre may pakialam rin naman ako sa feelings ng babae.
Tinanong ko pa si Gab kung gusto niya ako, akala niya yata nagbibiro ako. Kung sakaling sinabi niyang oo ay baka sinabi ko na rin na gusto ko siya. At kung pwedeng manligaw. Oo sinabi kong hindi ako papatol sa bata pero 18 na siya ngayon, ibang usapan na yon.
Ilang buwan na simula nung namatay ang Papa niya. I cooked bacon with cheese for her. Maling desisyon talaga na sinama ko pa dito sa bahay sina Nhicko. Wala talaga silang kwenta.
"Tol, tangina! Baka kapag nakita yan ni Gab masuka lang 'yon! Para naman yang tae eh!" sigaw ni Rence. Tangina talaga.
Nakailang ulit pa ako bago naging maayos ayos ang itsura. Mukha pa rin namang pagkain 'to eh! Isusubo ko 'to kay Gab para siguradong kakainin niya wala akong pakialam kung mabulunan siya basta kainin niya bacon pa rin naman yan nilagyan ko lang ng cheese.
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...