LN 25

92 15 30
                                    



Tanghali na nang magising ako, sa daming nilakad kahapon ay napagod. Hindi na rin naman ako sanay mapagod dahil lagi lang ako nasa office sa cafe nung nasa France. Makikipag kita ngayon ako sa architect/ girlfriend ni Lloyd.


Nag pants at simpleng white shirt lang ako tas white shoes saka nagpunta na sa starbucks dahil roon daw kami magkikita. After 20 minutes, dumating na rin ako. Nakita ko naman agad si Lloyd. Kasama pala siya. Ang ganda ng girlfriend niya.


"Gabbi, girlfriend ko si Maysie. Maysie si Gabbi, yung kaibigan ko na matagal na."


Nakipag shake hands naman ako. Nagpaalam si Lloyd na may bibilhin sa mall kaya naiwan kaming dalawa.


"Meron akong samples dito, since cafe ang gagawin hindi ito mahirap baguhin kung sakaling mayroon kang mga ipapadagdag." aniya.


Sinabi ko naman ang mga kailangan baguhin gaya ng mas gustong mas malaki ang office ko. Ganon din ang stockroom. Sunod naman na design ay para sa flower shop ko.


"Maganda pala ang taste mo. Don't worry, sisiguraduhin ko na magiging maganda ang shop at cafe mo. Sino bang engineer ang gagawa?" tanong niya 



"Uhm, Si Rence. Yung kaibigan rin namin."


Tumango naman siya. "Okay, text mo na lang ako or si Lloyd kung meron kang gustong ipabago o ipadadagdag habang hindi pa nasisimulan. Ipapadala ko rin sayo ang copy kapag natapos ko na."


"Okay, thank you."


Umalis na ako saka nag punta sa farm na pagmamay ari namin noon pa. Inayos ni Tita para dito itanim ang mga bulaklak na gusto kong ibenta sa flower shop. Merong roses, tulips, daisies saka marami pa. Yung iba namang mga bulaklak na gusto ko ay mahirap rito itanim kaya meron din ang supplier. Yung iba kasi, galing ibang bansa pa.


"Lolo, kamusta po! Itatanong ko lang kung kamusta rin ang mga bulaklak." tanong ko kay na Lolo Kanor na tagapangalaga ko rito.


"Maayos at maganda ang mga tubo, Hija. Bukod sa maganda ang lupa niyo dito e, maganda din ang panahon nitong mga nakaraang buwan. Sana nga lang ay maani agad, sakaling magkaroon ng bagyo. Mahirap at sayang kasi baka masalanta."


Nagbigay naman ako ng pasahod at nagkaroon ng kaunting pagsasalo salo. Nagpaalam rin ako nang sumapit ang hapon. Nang may madaanan akong sweets store ay bumaba muna ako. Habang nagbabayad ay hindi sinasadyang meron akong madagil.


"Oh, I'm sorry!" paghingi ko ng tawad. Tumaas ang kilay ng babae at pinagpagan ang kanyang damit.


"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!" aniya na kinagulat ko naman.


"Look, hindi ko sinasadya and nag sorry naman ako. You don't have to shout."


"Nicole."

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon