"W-What?" gulat na tanong ni Selene.
Muling tumulo ang mga luha ko. Hindi ko man masabi sa lahat ang totoo, atleast ngayon kay Selene magawa kong sabihin. Baka sakaling maintindihan niya ako. Baka sakaling alam niya ang kailangan kong gawin.
Huminga ako ng malalim bago nag salita. "Isang buwan mula nung umalis ako patungong France, nang masangkot ako sa isang aksidente..." mas lalong nanlaki ang mga mata ni Selene. "....Nagpasya akong bumili ng pasalubong para sayo dahil alam kong hindi ako nakapagpaalam. Sa hindi inaasahang pangyayari, nabangga ako ng sasakyan..." mas lalong hindi tumigil sa pag tulo ang mga luha tuwing naalala ang mga nangyari noon.
Umiiyak na rin si Selene. "I'm in coma for 5 months... I got depressed. Knowing I cannot worked as a flight attendant anymore. That time I was still applying. But because I fractured my heel bone, no one hired me...."
Niyakap ako ni Selene at hinaplos ang aking likod. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko dahil nasabi ko sakanya, pero ang sakit pa rin pala.
"Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi mo kami ni-contact? Do you think we won't understand?" aniya
"Dahil nahihiya ako! Iniwanan ko si Kael, iniwanan ko siya Selene. Tinapon ko lahat ng samin dahil gusto kong umalis! Dahil doon ko gustong tuparin ang pangarap ko! Pero walang nangyari! Wala! Ang sakit s-sakit lang!" pakiramdam ko ay sa labis na pag iyak ay nahulasan na rin ako.
"Do you really think that Kael, won't understand you? Anong sa tingin mo ang mararamdaman niya, Gab? Sa tingin mo ba kapag nalaman niya na pagkatapos mo siyang iwanan at hindi ka naman naging flight attendant sa France, ay magagalit siya sayo?" aniya. "I will call them."
Pinigilan ko siyang kuhanin ang phone niya. "Don't. Please. Hindi pa ako handang ipaalam sa lahat. Hayaan mo muna ako, kailangan ko pa ng panahon."
"Panahon? Tatlong taon, Gab! Hindi pa ba sapat 'yon na tinago mo samin ang totoong nangyari sayo? You almost died! I almost lost my bestfriend!"
Sa huli, ay napapayag ko rin si Selene. Magkatabi kaming nahiga sa kama at natulog. Magaan ang pakiramdam ko na maayos na kaming dalawa. Kahit paano naiintindihan ako ni Selene.
Kinaumagahan nagising akong mag-isa. Nabasa ko ang text ni Selene na nauna na siya dahil maraming trabaho sa office. Nag ayos na agad ako para makapunta sa cafe. Masakit ang ulo dahil siguro sa nainom kagabi at sa pag iyak ko.
Habang nasa loob ako ng opisina, nakatanggap ako ng text kay Jaira.
Jaira: Umalis na kayo kagabi ni Selene, ah. Ayos na kayo? Nice iniwanan na naman ako
Nag- sorry ako at inaya siyang pumunta sa cafe para itreat. Maya maya ay dumating na rin siya at masama ang tingin sakin.
"Pasalamat ka wala akong pera ngayon!" aniya
Ngumiti naman ako. Habang kumakain kami ay napag usapan rin namin ang kanyang trabaho sa France, pero nang matanong ko na ang lovelife niya ay ayaw nya na daw pag usapan dahil hindi naman daw 'yon mahalaga.
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...