"H-Huh?" tanong ko.
"Anong pangalan mo?" ulit niya.
Halatang halata sa mukha niya na asar siya sa'kin, bakit niya ba kasi tinatanong! Akala ko pa naman si Lloyd na yung tumawag sakin eto palang masamang ugali na 'to.
"Gab," sagot ko na lang.
Pinatong niya sa tray na dala ko ang isang panyo saka umalis sa harap ko. Panyo ko 'to ah! Paano napaunta sa pangit na 'yon ang panyo ko!
"Yay, eating time! So, kamusta classes Gab, Jaira?" While eating her fries dipped in her sundae, Selene strikes up a conversation.
"Nagtanong ka pa talaga, as usual hindi naman kami sobrang boplaks. Akalain mo may gen math subject pala kami!" reklamo pa rin ni Jaira na hindi pa rin maka move on sa gen math.
"We all have. I think sa grade 12 pa kayo mawawalan. Unlike us, puro math talaga!" mukhang masaya pa 'tong si Selene, sana all.
"You know what Selene, nakakahiya 'tong si Gab kanina!" at kinwento na nga ni Jaira kay Selene ang nakakahiyang pangyayari kanina sa canteen. Isang buwan pa yata ang lilipas bago makamove on dito si Jaira.
"Gab, seriously?! Sayang, hindi ko napanood! Why are you so lutang kasi?" At pinagtawanan na nga ako ng tuluyan ng mga magagaling kong friends. Kumain na lang ako kesa makisali pa sa kanilang dalawa.
Napadaan naman sa harapan namin sina Lloyd kasama yung pangit na yon! Wait, don't tell me they're friends?! No please!
"Hey, Lloyd! Kael, nasaan si Rence?" tanong ni Selene. She looked at us. "Lloyd you know naman already Jaira and Gab. Nhicko and Kael this is Jaira and Gab, my friends! First year college na sila, basically Kuya natin. I met them kanina kasi nag bantay kasi sila sa'min sa isang subject."
"Grabe ka naman sa Kuya, Selene! Nakakatanda naman yun, uy!"
Nakipagshake-hands naman ang malanding si Jaira. No way, ayoko makipag shake hands sa pangit nayan!
"I heard what happened kanina sa canteen, sorry Kael dito kay Gab. Minsan talaga wala 'to sa sarili niya." agad naman akong napatingin kay Selene.
"It's fine, Selene. I had no idea you are friends with her. It's a good thing you're not as crazy as she is." ani ng pangit na 'to.
Teka ano daw? Ang kapal ng mukha nito talaga. Nilukot ko ang tissue sa kamay saka tumayo para itapon ito sa basurahan. I just thought I'd throw his head in the trash.
"Dude ano ka ba tama na baka mag umpisa na naman kayo ng away nakakahiya, halika na nga umupo na tayo doon. Sige Selene, Jaira and Gab una na kami." ani nung si Nhicko.
Pasalamat talaga siya at kasama nila si Lloyd kung hindi baka binuhusan ko pa siya ng soft drinks! Tinapos ko agad ang pagkain ko saka nagpaalam kina Jaira na uuna na ako, wala raw kaming pasok ngayong hapon uuwi na lang ako at magpapahinga.
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...