Kabanata 14

104 23 37
                                    

Limang buwan na ang lumipas mula ng ilibing si Papa, hindi manlang nagpakita si Mama. At lalo ko lang siyang kinamuhian. Lalo akong nasaktan para sa sarili ko at para kay Papa. Hindi ko alam kung paano pa ako nakakasurvive sa school. Dahil wala na 'kong magulang na nandiyan, hindi ko na alam paano bayaran ang tuitions ko. But Jai helped me. Pinag-exam niya ako sa scholarship program ng mga magulang niya at luckily nakapasa at makakapasok pako hanggang next school year. May naipon naman si Papa pero lahat 'yon ilalaan ko sa bills sa bahay.


My friends never leave me. Kahit hindi ko sila kinakausap, dahil wala ako sa sarili. Even Kael. Some of our friends are very busy sa school works lalo na the boys are ahead of us mas lalong busy. But Kael always stayed with me. Mapa breakfast, lunch at dinner. Kahit hindi ko siya kinakausap, nandun pa rin siya. Sometimes I wanna ask him to leave me alone, but I know deep inside of my heart that I also need someone.


Isang umaga nagising na lang ako na maingay sa labas. Then I saw him.


"Mom cooked some bacon with cheese. I think I should give you some? It's delicious."


Minsang dinner time naman nakita ko siya sa labas ng gate namin. Hindi pa rin ako nagsasalita at nakatingin lang sakanya kaya nagsalita na siya.


"Can I have some water?" tapos bigla niyang sasabihin na doon na rin siya kakain. Noon hindi ko napapansin ang mga ginagawa niya, ngayon ko lang naisip lahat na palusot ang mga 'yon para lang masamahan ako.


Napagdesisyunan kong ipagbili ang bahay namin, since pinangalan ito sa akin ni papa. Hindi naman ako nahirapan meron namang bumili agad dahil maganda at maayos pa ang bahay namin. Nalulungkot rin ako dahil si Papa mismo ang nag design at naggawa ng bahay namin. Saka ako bumili ng mas maliit na bahay. Mag isa na lang ako kaya anong gagawin ko sa malaking bahay. At yung tirang pera tinago ko sa bangko. Gamit ko lang at ni Papa ang dinala ko sa new house. Wala akong dinala kahit na anong gamit na magpapaalala sa akin kay Mama. Bumili ako ng mga pintura at pang decorate sa bahay.


Nakita kong magkakasama sina Jai sa isang round table kaya agad akong lumapit. I should live my life. Ayon ang gusto ni Papa. Nagulat sina Nhicko ng makita ako. I cut my long hair into shoulder length. And dyed it with light brown. It's been months, and I've missed them.


"Pwede niyo ba 'kong tulungan mag-ayos sa bahay?"


Muntik na akong matumba dahil bigla akong niyakap nina Jaira at Selene. Hindi ko mapigilan na yakapin rin sila ng mahigpit. Iyak naman ng iyak ang dalawa.


"Gago ka! Akala ko habang buhay ka na lang magkakaganon! Na miss kitang hayop ka, pakiss nga!" ani Jaira. Tanging mga hikbi lang ni Selene ang naririnig ko at ang mahina nyang tugon na.. "Sobrang kitang namiss Gabbi, i love you."


Niyakap rin ako nina Nhicko, Rence at Lloyd bahagya pang ginulo ang buhok ko.


"May pa new look si Mayora!" ani Rence.


"We missed you Gabbi! Syempre mas namiss ka ni master!" ani Nhicko. Nilapitan ko naman ang nakangiti lang sakin na si Kael. Aahh, this man!


"Thank you for staying, Kael."


"Always welcome Gabbi."

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon