LN 21

91 20 19
                                    


Paggising ko ng umaga ay nakita ko si Selene na nag aayos sa harap ng salamin.

"Good morning, baba ka na meron ng breakfast. Congratulations, Gab. Sensya na hindi ako nakapunta importante kasi inutos ni Dad eh." aniya.

"Okay lang Sel, salamat. Celebrate na lang tayo next time, may hinandi si Tita Karen para sakin."


Pagkababa ko nakita ko naman doon sina Rence at Nhicko. May dalawang bouquet silang dala.


"Congrats, boss amo! Sorry hindi nakapunta kagabi ha, badtrip yung boss ko eh! Pinag-overtime kami!" ani Nhicko. Tinanggap ko naman ang bulaklak saka nagpasalamat.


"Congrats, Mayora! Pasensya na din, tambak trabaho eh." ani Rence.


Pagkakataon ko na ito para itanong si Kael. "Uhm, si Kael? Hindi niyo ba nakita? Sa opisina?"


Nagkatinginan naman ang dalawa. "Hindi eh, nalipat kasi kami ng department. Tambak rin gawain 'non, balita ko nga pinag iinitan sila ng head nila dahil yata doon sa project sa Laguna?"


Napatango naman ako. Nagpaalam rin naman sila na babalik na sa trabaho. Ganon rin si Selene. Dahil bukas naman ang graduation niya. Muntik nang malaglag ang puso ko ng makatanggap ng text kay Kael.


Kael: Congratulations, love! Sorry, hindi ako nakapunta. Nandito ako sa Laguna. Nagkaproblema sa site. Bawi ako next time. I love you.


Gab: Thank you, ingat ka diyan. I love you.


Sinantabi ko ang tampong nararamdaman. Kailangan kong maintindihan na hindi na kami estudyante, lalo na siya. Normal lang na hindi na madalas mag kita, normal lang na hindi present sa mga okasyon. Normal lang 'yon.


Binalita sa akin ni Tita na pupunta syang Laguna, kaya nang yayain nya ako ay agad akong sumama. Ipinatanong ko kay Rence kung saan ang site na pinagtatrabahuhan ni Kael. Mabuti na lang daw at sinabi sakanya. Nang makarating kami ni Tita sa hotel, nagpaalam muna ako sakanya. Busy si Kael, kaya ako na lang ang pupunta doon.


Dahan dahan akong pumasok at naglakad patungo sa mga trabahador doon.


"Excuse me po, si Engineer Buenorella?" tanong ko.


"Ah, si Engineer? Nako! Bumalik nang Maynila! Kaninang umaga! Kasama si Engineer Rivera!"


Bigo akong bumalik ng hotel. Sana pala tinext ko na lang si Kael! Kasabay niya yung Rivera? Ayoko ng magselos! Ayoko! Kahit na mas madalas pa nyang kasama yon, argh! Syempre magkatrabaho! Dapat yata nag engineer na lang din ako! Di rin nagtagal ay umuwi na rin kami ni Tita sa Maynila nang matapos ang meeting nila doon.


Nagtraining ako sa isang airline na pagmamay-ari ni Tita Karen. Madalang na lang ang pagkikita naming lahat pagkatapos naming maka graduate. Nagpuntang France si Jaira, upang subukan na doon magtrabaho. Si Selene naman nanatili rito sa Maynila, at nag engineer sa kalaban na company ng pinagtatrabahuhan nina Kael.


Ika-limang taon namin ngayon ni Kael. Nakatanggap ako ng message na susunduin niya raw ako para makapag date kami. Nag retouch muna ako, para hindi naman mukhang haggard. Lumipas ang ilang taon at hindi na kasing busy noon si Kael. Ngayon kasi medyo ayos na siya, napromote din naman. Hindi gaya noon, na utus utusan lang talaga.



Bumaba na kaagad ako nang sabihin niyang nandoon na siya sa baba. Ngumiti naman ako at pumasok sa sasakyan nya. He kissed me on my cheek, bago pinaandar ang sasakyan.


"Saan tayo?" tanong niya.


"Hmm, Giligans? Miss ko na roon kumain! Saka sawa na ako sa pagkain na binili sa canteen o kaya cafe. Gusto ko naman ng lutong bahay."


Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon