Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa parking lot. Isang oras na yata akong umiiyak rito. Wala na akong pakialam kung mayroong makakita sakin. Ang alam ko lang ang sakit sakit ng puso ko. Lahat ng sinabi ni Kael ay tumagos sa puso ko. Alam ko sa sarili kong walang nagbago sa nararamdaman ko sakaniya. Pero sakanya meron. Hindi na niya ako mahal gaya ng dati.
Gusto kong tanggapin na siguro naka moved on na talaga siya, na dapat ay ako rin. Na panindigan ko ang mga desisyon na ginawa ko noon. Sana hindi na lang ako umuwi. Sana nagtago na lang ako at namuhay habangbuhay sa Amerika. Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad patungong kalsada.
Why does it feel like I don't want to live anymore? Nanumbalik sa akin lahat ang pagkawala ni Papa, ang pagtaboy ni Mama sa akin. Ang pagkasira ng pangarap ko dahil sa aksidente. Lahat lahat. Siguro ay malaking tulong na kay Tita Karen ang mga naiwan kong negosyo para sa lahat ng ginawa niya para sakin, hindi man sapat atleast meron manlang akong maiwan.
Akala ko malakas ako, pero gaya rin pala ni Papa ay sa ganitong paraan ko rin gustong tapusin ang buhay ko. Ganito rin siguro ang pakiramdam niya. Pressure sa trabaho at pag iwan ni Mama, kaya wala na siguro siyang choice kasi sobrang sakit at pagod na rin siya. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata. Dinama ang lamig ng simoy nang hangin. At natagpuan ang sarili sa isang shed.
Should I really end my life here? Natawa ako sa naisip. Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan ng litrato ang kalsada. I put some caption, 'this place, is it worth it?'
Napangiti ako nang mabasa ang reply ng isang tao.
myselene: u will scare the kids, go home. pls don't make me wait anymore ily
Kinuha ko ang clutch ko at nag-abang ng taxi. I almost end my life. Then I remember people who needs me. My Tita Karen, my workers specially Lolo Kanor and Lola Ester. Even if the world seems so unfair on me right now, I still want to live my life. I remembered that this is already my second life. Nabuhay pa rin ako matapos ang aksidente sa France. I will be forever grateful for this life. I should be.
Nang makauwi sa bahay, nakita ko sa labas ng gate si Selene naghihintay at nakatayong mag isa doon. Nang makita ako agad siyang ngumiti at napahawak sa dibdib.
"Akala ko hindi ka madadala sa sinabi ko! Thank God! Alam ko ang gagawin mo and I won't let you!" aniya.
Niyakap ko naman siya. "Thank you. Always. Ano ka ba hindi ko 'yon gagawin! Ang pangit ng suot ko ano, kung mamamatay ako dapat manlang yung mas maganda rito. Saka tragic naman 'non kung doon, gusto ko peaceful lang."
Kinurot niya ako sa tagiliran. "Shut up! Jaira's inside. Dito siya tutulog. Hindi ko alam kung anong ginagawa doon sa taas!"
Nadatnan naming nagwawalis si Jaira. Problema nito, gabing gabi nagwawalis. Kinuha ko ang dustpan at iniabot sakanya. Nakita ko namang pulang pula ang mata nito, at umiiyak!
"Hoy, problema mo! Bakit ka umiiyak? Masama ba loob mo kasi nagwawalis ka?" tanong ko. Tumatawa naman sa tabi ko si Selene.
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...