LN 16

104 21 34
                                    


Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng ligawan ako ni Kael, heto ngayon at nandito kaming dalawa sa mall para bumili ng regalo dahil kaarawan na bukas ni Jaira. 


"Eto kaya? Sa tingin mo ba bagay to kay Jaira? Bagay 'to! Sure ako. Kasi maputi si Jaira, tamang tama ito para sakaniya." saad ko habang tinitingnan ng maayos ang hawak-hawak kong dress. 


"Tanong mo, sagot mo rin. Why are you even asking me?" then he chuckled. 


Sinimangutan ko naman siya saka sinabi sa saleslady na kukuhanin ko ang dress na 'yon. Nang mabayaran ko na ay lumabas na kami ng department store para mag tungo naman sa national bookstore. 


"Ikaw, anong bibigay mo kay Jaira?" tanong ko. Kanina pa kasi kami paikot ikot sa mall pero wala naman siyang binili. 


"Lalake." tipid na sagot nito kaya hinampas ko naman siya ng paperbag. "What? Gusto naman 'yon ni Jaira. Magpapasalamat pa 'yon sakin." 


"Para kang tanga, alam mo 'yon?" inis na sagot ko sakanya. Nung birthday kasi ni Nhicko ay babae nga ang dala niya! Pinsan niya raw iyon na type ni Nhicko. Pero nalimutan niyang may boyfriend pala kaya nung araw ding 'yon e muntik ng mag suntukan si Nhicko at ang boyfriend ng pinsan niya.


Pagkatapos sa national bookstore ay nagpasya na kaming kumain, rito sa Giligans. Paborito naming dalawa ang kumain dito. Just like the old times noong hindi ko pa alam na gusto ko siya. Gaya ng dati ay sweet & sour ulit ang order, siya naman ay nag lechon kawali. Nagdagdag rin siya ng garlic chicken at nang paborito kong sinigang. Calamansi juice sa'kin sakanya naman ay iced tea. Ganito lang ang madalas naming gawin tuwing nag kikita. 


Busy na kasi sa school dahil malapit nang matapos ang school year. Nang matapos kaming kumain ay hinatid niya na ako sa bahay. 


"Thank you for today! Text me kapag nakauwi ka na." sabi ko habang tinatanggal ang seat belt. 


"Alright. Kapag hindi ka pa inaantok ay tatawag ako." 


Tumango naman ako lumabas na, kumaway at pinanood siyang umalis. Pagkapasok ko sa loob ay nandoon na ang nakahigang si Selene at si Nhicko na nagla-laptop sa mesa. 


"Sana all galing date!" ani Nhicko. Binelatan ko naman siya saka nagtungong kusina upang uminom ng tubig. 


"Ano 'yang ginagawa mo?" tanong ko. 


"Reporting para bukas. Pinili kong partner si Rence, sana pala hindi na! Ako lang pala ang paggagawain niya." reklamo ni Nhicko kaya binato naman siya ng unan ni Selene.


"Wala ka naman daw laging ambag! Tutulungan naman kita e, ayaw mo lang" ani Selene.


"Ayaw ko nga! Tapos kapalit ilalakad kita sa kaklase namin? Ayoko! Sinabi ng babaero 'yon, gusto mo meron na naman kaming mabugbog ah."


Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon