LN 32

106 14 19
                                    



Nagising ako sa init na pakiramdam. Nilalagnat pala ako. Alas dyis na pala ng gabi, wala pa si Selene sa bahay. Sobrang sakit ng ulo ko at para itong binibiyak na pinupukpok. Dahan dahan akong tumayo at naghanap ng gamot. Dahil wala akong mahanap ay nag suot ako ng jacket at kinuha ang wallet ko.


Sumakay ako sa sasakyan at nagmaneho patungo sa malapit na drug store. Pagkakuha nang gamot ay umalis na kaagad ako, hindi ko na kinuha ang sukli dahil pakiramdam ko ay hihimatayin na ako sa sobrang hilo. Pilit kong binubuksan ang biniling bottled water pero hinang hina ako kaya hindi ko ito mabuksan.


Nang biglang may umagaw nito sakin, at siya na ang nagbukas. Ininom ko kaagad ang gamot at uminom ng tubig. Pinikit ko ang mga mata ko dahil nahihilo talaga ako.


"Don't tell me you're gonna drive? With that situation?" aniya.


Lord, gusto ko na pong mag move on din pero bakit lagi ko na lang po nakikita si Kael? Gusto ko na rin pong mag asawa kaya sana maka move on na ako.


"I have no choice. Baka sa kalsada na ako matulog kung maglalakad ako."


"Isod. Ako na magmamaneho."


Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko. Napamulat ako nang bigla niya akong buhatin at inilipat sa passenger seat. Sumakay na siya at inistart ang sasakyan. Pumikit na lang ulit ako, sa sobrang hina ay hindi ko namalayan na nakatulog ako.


Nagising ako na nakahiga na ako sa sofa. Pinupunasan ni Kael ang kamay ko kaya agad ko itong binawi. Nahihiya ako sakanya. Mabuti na lang ay may sakit ako dahil kung hindi mahahalata niya na namumula ako sa hiya!


"What? Don't tell me nahihiya ka? Tsk. We were in a relationship for six years. Kulang na lang mag sabay tayo sa pag ligo, nahihiya ka pa." aniya na siyang ikinagulat ko lalo. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.


"Iba na ngayon. Hindi na tayo! Ako na nga, kakainis 'to! Akin na 'yang towel!"


Tumawa lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Sabagay, hindi ko rin naman magagawa sa sarili ko yon dahil hinang hina rin ako.


"Ah, I know na. You feel so shy because we broke up? Then let's get back together."


Hindi ko na masyadong maintindihan ang mga sinasabi niya. Ganito ba siya mag alaga, binibiro niya? Parang tanga 'to. Alam kong joke lang 'yon, pero sana hindi na lang nasasaktan pa din kaya ako.


"Ewan ko sayo. Umuwi ka na nga."


Pinikit ko lang ulit ang mga mata ko at hinayaan ang sariling makatulog na. Kailangan kong magpahinga para makapasok ako bukas.


Nagising ako dahil nararamdaman ko ang pagkirot ng paa ko. Kinapa ko ang cellphone sa tabi ko nakita kong 2am na. Napipikit ako dahil palala ng palala ang pagkirot.

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon