LN 27

99 15 27
                                    


Masakit ang ulo ko nang magising dahil siguro sa sobrang pag-iyak ko kagabi. Naligo ako at nag bihis. Inilock ko ang pinto at sumakay na sasakyan ko. Nagtungo ako sa site, marami nangang improvement ang ginagawa. Pinipinturahan na ang baba at may inaayos naman sa taas. Masaya akong lumapit kay Rence na nakatanaw sa building habang umiinom ng kape. 


"Oh, Gab! Wow, sipag dumalaw. Kape gusto mo?" aniya 


Umiling naman ako. "Hindi na ayos lang ako. Magpapadeliver ulit ako ng lunch niyo." 


Tumawa naman ito at umiling, "Hindi na kailangan, kasi may nagpadala na ng lunch samin." 


Kumunot naman ang noo ko. "Sino?" 


He rolled his eyes kaya natawa naman ako. "Edi sino pa, si Architect Santos. Ikaw kasi sinabi mo pang wala kang boyfriend! Eh hindi rin naman magtatagal magkakaboyfriend ka na ulit." 


"Luh, ano ka manghuhula?" 


Pinitik naman niya ang noo ko. "Malakas 'tong manok ko! Sinasabi ko na agad na hindi ako nagkamali sa pang bato ko! Certified KaeGab 'to since senior high" 


Sinapok ko naman siya. "Tangeks! Puro ka kalokohan! Kaya wala kang girlfriend." 


Ngumiti naman siya pero hindi umabot sa mata. "Tagal mo talagang nawala, Gab. Nahuli ka na talaga sa balita. Oh, doon ka muna sa loob tingnan ko lang ginagawa sa taas." 


Iniwanan niya na ako doong tulala. Ibig sabihin ba nagka-girlfriend si Rence? Lalo lang akong nalungkot dahil mas lalo ko lang narealized na ang dami ko ngang nakaligtaan. Wala ako sa mga oras na masaya sila o malungkot, pero noong nawala si Papa at masaya ako kay Kael nandoon sila. Anong klase akong kaibigan! Pinigilan kong maluha dahil wala ako sa tamang lugar. 


Kumain na ang mga trabahador habang wala pa rin ako sa sarili. Pinitik naman ako ni Rence sa noo. "Mamaya daw may inuman! Nagyayaya si Nhicko, pagbigyan na natin. Lilipad na yan uli pa Cebu." 


Tumango naman ako. Atleast kahit ngayong mga lakad manlang ay lagi akong kasama para hindi gaya dati na hindi ako halos mahagilap. Nang sumapit ang hapon ay umuwi na ako para makapag palit. Nag suot lang ako ng simpleng black dress tapos white flat shoes. Sumakay na sa sasakyan at nag tungo kung saan kami magkikitang lahat. 


Pagpunta ko roon ay naabutan ko na ang nagtatawanang sina Jaira, Selene, Rence at Nhicko. Binati ko naman silang lahat. Ngumiti lang sakin si Selene pero hindi umabot sa mata. 


"Si Lloyd?" tanong ko. 


"Baka raw hahabol na lang, hindi pa yata makatakas kay Maysie! Eh hindi naman pwede si Maysie dito masyadong mausok e may asthma 'yon." ani Nhicko. 


Tumango naman ako. "Eh si Kael?" tanong ko habang kumuha ng pizza para hindi magmukhang awkward ang mukha ko dahil sa pagtanong. 

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon