On the way ulit ako sa site dahil nag sisimula na raw sila mag pintura. Gusto kong manood ng mga ginagawa nila kaya pupunta uli ako.Habang naglalakad papasok sinalubong agad ako ng isang trabahante at inabutan ng hard hat.
"Salamat, Kuya."
Natanaw ko naman na nag-uusap si Rence at... Kael? Nag ngiting aso naman si Rence ng makita ako.
"Mayora! Ganda natin ngayon, ah! Tingnan mo 'tong binili kong mga pintura. Etong mga 'to, white yan tapos may black rin at brown tas puro cream colors na. Ayos ba oh may ipapadagdag ka? Una kasi white muna lalo sa loob." aniya
"Oo okay lang saka kailangan ko ng marunong mag pinta, may kakilala ka? May ipapagawa ako."
Tumango naman si Rence. "Meron, di ba Kael magaling ka mag pinta? Eto na Gabbi, walang bayad! Gagawin na ang gusto mo!"
Narinig ko naman ang mga mura sakaniya ni Kael. Hindi ko na lang pinansin saka lumapit sa cafe. Hindi ko napansin ang nakapatong na flywood roon kaya muntikan na akong madulas. Halos malaglag ang puso dahil akala ko ay magpapatak nga ako sa lupa.
"Hoy! Ano ba 'yan! Pakalat kalat! Muntik nang madulas kaibigan ko, anak naman ng tupa oo!" sigaw ni Rence sa mga trabahador kaya agad nilang kinuha at humingi ng pasensya sa akin.
Napabitaw naman ako kay Kael at inayos ang damit ko. Oh my god. Hindi ako pwedeng madisgrasya, baka ikalumpo ko na 'to!
"Salamat, pasensya na." sabi ko.
Nakatanggap naman ako ng tawag kay Tita kaya lumayo muna ako at sinagot.
("Hija! Nako hindi ako makakapag paalam ng personal sayo! Uuwi ako ngayon ng Amerika! Nagka problema raw sa cafe. Ayos ka lang ba dito? Ang paa mo! Huwag mong kalimutan ang magpa check up hah, mag iingat ka.")
"Opo walang problema ingat po kayo. Tawagan niyo po ako kapag nandun na kayo."
Tumawag muna ako sa isang restaurant para magpadeliver ng lunch rito para sa mga trabahante. Lalong tumirik ang araw kaya naisipan kong pumasok sa office ni Rence para sumilong. Abala sa labas si Rence kaya walang tao dito. Nang biglang may pumasok.
"Oh, I'm sorry may tao pala. Si Engineer Villalobos?" tanong nito. Hindi naman siya mukhang trabahador dahil maayos ang kanyang suot, naka long sleeves na white na tinupi hanggang siko saka black pants. "I'm Architect Santos. You are?" at naglahad ng kamay, tinanggap ko naman ito.
"I'm Gabbi. Ako ang may-ari ng ginagawang building sa labas. "
Tumango naman siya saka ngumiti. "Kung okay lang sana, hintayin ko rito si Engineer?"
"Uhm sige okay lang, upo ka dyan."
Maya-maya ay dumating naman si Rence. "Grabe Mayora, umalis lang sandali si Engr. Buenorella! Ano 'yan ha!" paglingon naman niya kay Architect Santos ay hinampas niya ito ng hawak na papel. "Ginagawa mo dito, ha? Hoy bawal pormahan 'tong si Gabbi ha, hindi na 'yan pwede!"
Kumunot naman ang noo ko, "Wala akong boyfriend, Rence." Wala naman talaga, 'no! Saka mukhang kelangan ko na rin tumatanda na ako.
Ngingiti-ngiti naman si Architect. "Wala naman palang boyfriend, lunch Gabbi? Saka Jarred na lang tawag mo sakin. "
Sakto naman na dumating na yung delivery. Tinawag ko na ang mga trabahador para makakain na sila. Inalok ko na rin si Jarred, mabuti na lang marami ang inorder ko.
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...