LN 33

104 14 18
                                    

So we started dating again. Well, wala marupok lola nyo. On the way ako sa kasal ni Joy.

Nag text lang ako kay Kael na may pupuntahan. Siguro ay busy siya sa trabaho. Kaunti lang daw ang mga bisita, mahahalagang tao lang daw sabi ni Joy. Na touch naman ako kasi ibig sabihin mahalaga ako sa kanya.

Since I'm one of the brides maid, I'm wearing lulus blue maxi dress. Mahaba naman ang dress kaya nag flat shoes na lang ako. Nakarating kaagad ako sa venue. Nag simula na ang ceremony. Ang ganda ganda ni Joy. Nag simula na kaming maglakad papasok. Matapos kong maglakad ay umupo na agad ako sa designated chair.

Muntik na ko nang malaglag ang cellphone no nang makita sa unahan si Kael. Anong ginagawa niya dito? Naka suot siya ng black suit. Nag tama ang paningin namin, he smirked at me. What the hell is happening?

"Pogi naman nung best man ni Keann! May girlfriend kaya 'yon?" rinig kong bulungan nung mga kasamahan kong brides maid.

He's the best man?! Wait. Wait. Inaalala ko kung na meet ko na ba si Keann. I can't fucking remember!

Natapos na ang kasal kaya sa reception na ang tungo namin. Hindi ako makapaniwala. Tinawag ako ni Joy at hinila ako. Kasama ni Kael yung asawa ni Joy, which is Keann.

"Ang ganda mo Miss! Kinabahan tuloy ako baka magka crush sayo tong si Keann! Choz! Miss, di ba sabi mo baka dito ka makakita ng mapapangasawa? Ano may nakita ka?" aniya.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Joy. Tumawa lang si Keann, while Kael smirked.

"Nako, mukhang meron yata! Patay na!" ani Keann.

Hilaw na napangiti naman ako. "Kung wala naman, reto ko sayo 'tong pinsan ko? Okay lang? Kahit alam kong mag ex kayo, irereto ko pa rin sayo." ani Keann.

Pakiramdam ko ay maputla na ako ngayon. Si Joy naman ngayon ang gulat na gulat.

"Ex mo 'to Miss? Kung ganon, ikaw yung iniiyakan ni Miss sa France! Teka, siya ba Miss? O may iba pa? Sino nga yung--" tinakpan ko naman ang bibig ni Joy. "Teka Miss! Yung lipstick ko!"

Nakaupo na kaming lahat rito sa reception area, tingin nang tingin yung mga babae sakin dahil katabi ko si Kael. Oh, bakit! Ang ganda ko kaya ngayon.

"Sino iniiyakan mo don? Huh?" tanong niya.

"Wala. Naniwala ka naman kay Joy."

Tumaas ang kanyang kilay. "Wala? Di ako naniniwala. Who's the guy?"

Inirapan ko naman siya. "Kael, my god. Syempre ikaw! Sino bang iniwan ko dito sa Pilipinas noon? Ewan ko sa inyo!"

"Alis pa more." aniya then he chuckled.

Hindi ako ang nakasambot ng flower, well hindi ko naman talaga sinambot. Si Kael ang nakasambot ng garter pero nung nakita niya na wala akong hawak na bulaklak ay ibinigay niya sa katabing lalaki. Aangal sana ang baklang mc, pero mukhang manununtok si Kael kaya hinayaan na lang.

Nang matapos ang kasiyahan ay nagpasya na rin akong umuwi. Nagpaalam na ako kay na Joy. Nakasunod naman sakin si Kael.

"Gabbi..."

Nilingon ko naman agad siya nang tawagin niya ako.

"What wedding do you prefer?"

Ngumiti naman ako. "Church wedding. Bakit? Baka magpropose ka kaagad? Hindi pa ulit tayo!" biro ko.

Tumawa lang siya.

"I'm leaving."

Napawi ang ngiti sa aking labi. "Syempre uwi na tayo eh."

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon