LN 22

94 16 10
                                    

Isang buwan na mula ng umalis ako ng Pilipinas, tumuloy ako sa France. At nagpasa ng mga requirements para sa tbagong trabaho. Tuwang-tuwa si Tita Karen sa nalaman, kaya mula America ay nagpunta siya rito at bumili ng bahay para samin. Hndi pa rin nawawala ang sakit sa puso ko dahil wala na kami ni Kael. At hindi niya nga ako pinigilan.


Anim na taon rin ang tinagal ng relasyon namin, anim na taon at sanay na sanay ako sa presensya niya. Sinong mag-aakalang maghihiwalay kami, nang gabi na 'yon. 


"Hija, ganyan talaga ang buhay! Nagsisisi ka bang pinili mo ito? Pinagsisisihan mo ba na pinili mong mangarap? Kung ako ang nasa kalagayan mo, ganyan din ang gagawin ko! Gagamitin ko ang utak ko para magkaroon ng magandang buhay. Tingnan mo naman kung nasaan ako ngayon, wala nga lang asawa pero hindi ko yon kasalanan! Saka marami pang lalaki sa mundo, bata ka pa marami ka pang makikilala." aniya habang iniinom ang kanyang tsaa. 


Tama nga, marami ngang lalaki. Pero hindi ko alam, kung may lalaki bang mahihigitan ang lahat ng ginawa sakin ni Kael. Nagpaalam ako saglit kay Tita na pupunta lang sa isang shop, balak ko sanang bumili ng pasalubong kay Selene.


Nagkausap na kami ni Jaira, pero wala pala siya dito ngayon. Nasa Thailand, balak niya daw magtayo ng branch doon. Habang nakapila, napansin ko yung batang inaabot ang libro kaya kinuha ko na 'to para sakanya. 


"S-Salamat." Nanlaki ang mata ko, dahil Pinoy pala ang bata. Hindi kasi halata dahil maputing bata, kakaiba ang puti niya kaya hindi ko agad naisip na pinoy. Kumpara sa balat ko na kayumanggi. 


"Hi! Pilipino rin ako, anong pangalan mo?" nginitian ko naman siya at hinaplos ang kanyang buhok. 


"Kailie..." 


Napatitig ako sa bata, kalapit pa ng pangalan niya, wow talaga. "Hi, Kailie. Nice to meet you." 


Nagpaalam na ang bata kaya bumalik uli ako sa pila. Pagkatapos agad din akong lumabas, natanaw ko sa kabilang kalsada si Kailie, nag bigay sya ng signal na wait lang kaya'y tumango ako at naglakad na para hindi na siya tumawid pa.


Mabilis ang pangyayari dahil sa biglaang salpok ng isang sasakyan kung saan nakatayo si Kailie pero mabuti na lang at nakuha ko agad siya.  Narinig ko pa ang pagsigaw niya ng 'Ate' bago tuluyang nawalan ako ng malay. 



Nang imulat ko ang aking mata, wala akong makita. May nakatakip sa mata ko. At sobra ring sakit ng katawan ko. Hindi ko sobrang maalala kung anong nangyari, pero narinig ko ang isang pamilyar na boses. 


"Jusmiyo! Salamat sa Diyos! Hija! Jusko, sandali. Doctor!" rinig kong sambit ni Tita Karen. Tama ako, si Tita Karen 'yon. 


Hindi ko gaanong marinig ng ayos ang usapan nila ng doctor, naramdaman ko na lang ang biglang paghawak ni Tita sa kamay ko. Hinahaplos haplos niya ito. Naririnig ko rin ang mga hikbi niya. 



"Salamat naman at nagising kana, Gabbi! Halos ikamatay ko ang bawat araw na hindi ka nagigising!" aniya. 



"Tita, ilang araw po ba akong nakatulog? Saka bakit po may takip ang mata ko?" Medyo masakit ang mga ito, pero mas masakit ang katawan ko. Inabutan ako ni Tita ng tubig at inalalayang makainom. 



"Hija.... hindi araw. Buwan. Limang buwan. Na comatose ka ng limang buwan...." nanlamig ang aking pakiramdam matapos marinig 'yon kay Tita. Limang buwan? Kung ganoon? Ang trabaho? Paano?



"May mga natamo kang sugat sa mata kaya tinakpan muna, hindi rin magtatagal ay aalisin na 'yan. Naalala mo ba ang nangyari sayo?" tanong niya. 

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon