Kabanata 6

114 29 36
                                    


Mabilis lumipas ang panahon at ngayon ay nasa second semester na kami. Ilang buwan na lamang ay gragraduate na 'ko at college na. May halong excitement at kaba ang nararamdaman ko.


Mag isa ako ngayong nagbabasa dito sa library, upang ubusin na rin ang oras ko. Hindi na kami masyado nakakapag kita nina Selene dahil sobra na nilang busy. Si Selene lalo pang naging busy dahil president siya ng org nila. Ganoon rin naman si Jaira na busy sa boylet, char! Busy si Jaira dahil isinasali siya ng school sa mga cooking contest.


Kumuha ako ng isang english book para basahin, ang bango talaga ng mga libro. Inilagay ko ang gamit ko sa pinaka dulong lamesa at doon naupo. Tahimik at walang tao dito kapag ganitong oras. Kapag sa unahan ka umupo, maririnig mo pa ang bulungan ng mga estudyante. Kaya mas pinipili ko na sa dulo umupo para tahimik.


"Have you eaten?"


Muntik ko ng mapunit ang binubuklat na pages dahil sa biglang pagsulpot ni Kael sa harapan ko. Itinabi niya sa gamit ko ang gamit niya at naupo sa harap ko. Basa pa ang buhok niya at mukhang kararating lang ng school.


"Bakit? Anong dala mo d'yan?" tanong ko habang nakatuon ang mata sa librong binabasa ko kanina.


"I have some cookies here that my mom made."


Binuksan ko ang dala niya na nakalagay sa cute na box tapos may ribbon na pink. Kumuha ako ng isa at tinikman ito.


"Wow ang sarap! Akin na lang 'yan!" walang hiyang sinabi ko, simula nung naging okay kami hindi na ako nahihiya sa kanya. E, siya naman itong palaging nag-aalok sa akin.


"Yeah, sure. Eat all of that." sabi niya.


Hindi ko nalang siya pinansin at kumain na lang ulit ng cookies habang ipinagpatuloy ang binabasa. Nakasanayan ko ng magbasa dito tuwing break time ko. Interesting kasi talaga 'yong mga libro dito, hindi siya nakakatamad basahin kahit makapal. Kahit nga 'yong mga luma na, ang ganda pa rin basahin.


Nang makatapos saka ko lang napansin na hindi pala siya umalis, nandoon parin siya at nakatulog na. Sandali kong tinitigan ang mukha niya. Gwapo naman nga. 'Nong una kaming nagkakilala, itinatanggi ko 'yon pero totoo naman talagang may itsura siya. Matangos na ilong at mahahabang pilik. Makapal pa ang kilay. Dahan dahan ko naman siyang tinapik.


"Hindi ito sleeping area, kapag nakita ka ng librarian palalabasin ka 'non. Mabuti na lang tapos na ako at hindi naman 'yon madalas na papadaan dito." singhal ko habang nagliligpit ng gamit.


Nag inat siya, "I'm waiting for you so we can have lunch together."


"Bakit mo ako inaaya? May crush ka siguro sa akin." biro ko sa kanya.


"Ganyan sinasabi 'nong mga babae dito sa school na...may crush naman pala sa akin." sabay kuha niya sa mga libro ko.


Sinabayan ko siyang mag lakad, nakangisi ako at tinulak naman siya. Tumawa siya at nagpatuloy na lang ulit sa paglalakad.

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon