LN 18

95 22 13
                                    

"Happy Anniversary!!!" saka ko hinila pababa ang tali para bumagsak ang mga ginawa ko kaninang confetti. 


I am now in second year college and he's i n 4th year. Today is our first anniversary. Isang taon na din pala kaming in a relationship. Kinuha ko ang pina-bake kong cake kay Jaira. Gusto ko sanang ako ang magbake pero natatakot akong masira ko lang ito. Kaya ako na lang ang nagluto para sa simpleng handa para makapagcelebrate. Inimbitahan ko sina Jaira pero tumanggi sila, bukas na lang daw makikisali para aming dalawa lang ni Kael ang araw na 'to. 

Sabay naman naming hinipan ang candle sa cake. Alas kwatro pa lang ngayon ng hapon at katatapos lang siguro ng klase niya. Wala sina Nhicko at Selene dito sa bahay, isang linggo raw muna sila sa bahay nila dahil namimiss na ang pamilya. Iniabot naman sa akin ni Kael ang isang bouquet ng sunflower. 


"Happy anniversary, Love. More years with you. I love you, always." then he kissed me on my forehead. 


Niyaya ko naman siya na umupo na para makakain na kami. "Try mo 'tong lasagna! Gawa ko 'yan, huwag kang masyadong mag expect ha. Pero tingin ko naman ayos lang lasa." 


Naglagay naman siya sa plato niya at nilagyan niya rin ako. Nakataas pa ang kilay niya habang nginunguya ang pagkain, ani'y parang kinikilatis na mabuti ang lasa. 


"It's good! Matatalo mo na ang lasagna ng greenwich." pagbibiro niya kaya naman kinurot ko siya sa braso. "Hindi ako nakabili ng regalo sa'yo Gab." aniya 


Ngumiti naman ako sakaniya. "Ayos lang hindi yon mahalaga!" pero syempre hindi ko itatangging nag-expect rin naman ako. Inilabas ko naman ang maliit na box na may lamang bracelet na binili ko kahapon. Pinag-ipunan ko pa ito, dahil masyadong madaming bayarin sa bahay kaya hindi ko nakayang bilhin ng isang araw lang. 


Tumaas naman ang kilay niya ng makita ang laman ng box. "Is this your gift for me? Or gift to yourself?" then he chuckled. Bracelet kasi yon na silver chain tapos nagpacustomize ako ng pangalan ko na pwede ilagay sa bracelet. 'Gab' lang naman 'yon. 


"Para alam nila na you belong with me! Only me! Ayaw mo, ha? Sasakalin kita." akma namang aagawin ko pero nilayo naman agad nya sa'kin at mabilis na isinuot sa kanya. 


"Of course not. I really like it. Thank you baby, mas gusto kong malaman nila na sayo ako. So cute..." aniya habang inuusisa pa rin ang bigay kong bracelet. Naalala ko naman ang bigay nyang bracelet na ginawa kong anklet. 


"Nakakatawa lang! Palaging tungkol sa'kin! Tamo 'tong bigay mo, may 'AG'. Anna Gabrielle! Oh see, ang cute cute cute!"


Kunot noo namang bumaling sa'kin si Kael. "Who told you that its Anna Gabrielle?" 



"Ako lang, bakit hindi ba? Huwag mong sabihin na Ariana Grande ibig sabihin neto!" sabay tingin ko uli sa bracelet ko. 



"What the hell? All this time ayon ang akala mo? AG means, Andrei & Gabrielle. Andrei is my second name." 


Alam kong Andrei ang second name niya ngunit nanlaki pa rin ang mata ko. Gulat na gulat akong tumingin sakaniya, hindi makapaniwala. 


"Eh hindi pa tayo nung ibigay mo 'to sakin! Graduation ko 'yon di ba?" tanong ko. 


Pailing-iling naman siya. "It's because I'm at in denial stage that time. And you're busy fantasizing your crush which is that fucking Lloyd." asar na sambit nito.

Tinawanan ko naman siya habang dinuduro. 


"Walangya ka! Hindi ko alam! At type mo na pala ako 'non, ikaw ha! Ang kapal mo talagang ginawa mo pang pangalan mo rin!" tawa pa rin ako nang tawa. Sinimangutan naman niya ako. 


Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon