LN 29

109 13 12
                                    


Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng magbukas ang El Cielo, at isang buwan naman ang flower shop ko. I named it 'Rise & Bloom'.

Magulo ang isipan ko ngayon dahil sa kaarawan ni Kael bukas. Hindi ko alam kung magbibigay ba ako ng regalo! Syempre noon hindi mag eexpect kasi wala naman akong sariling pera! Eh ngayon naman parehas na kaming may pera, mas marami pa siya. Lahat naman ata mayroon na siya, ano pang ibibili ko?

Sa huli naisipan kong ipaggawa na lang sya ng cupcakes. Hindi ko naman hilig ang magluto noon, dahil si Jaira naman ang mahilig samin pero kalaunan ay nakahiligan ko na rin. Mas sanay nga lang ako sa mga ulam kesa sa desserts. Nilagay ko sa maayos na box ang cupcakes at inilagay sa ref. Maaga akong nag ayos at nahiga na upang makapagpahinga.

Kinaumagahan parang ayokong bumangon. Bukod pa sa makikita ko ulit si Kael, makikita ko rin ang Mama at Papa niya. Hindi ko natanong kung galit ba sakin sina Tita, sana naman hindi. Kahit na iniwanan ko si Kael, noon.

Sa bahay lang nila gaganapin ang party kaya naman light make up lang ako. I let my hair wavy, then nagsuot lang ako ng burgundy high-low wrap dress and an 3 inches open toe heels, there I saw Kael's gift for me a bracelet but I made it an anklet.  I put some charm bracelet with a heart pendant on it. Before I leave, i got my clutch and car key. 

Nasa tapat na ako ng bahay nina Kael ngunit nagdadalawang isip kung lalabas. Huwag na lang kaya akong tumuloy? Huminga ako ng malalim at napagpasyahang lumabas na. Kinuha ko ang ginawa kong cupcakes.

Nakita ko naman ang naglalakad palapit sakin na si Jaira. She looks so gorgeous on her white Molly dress.

"Akala ko hindi ka na pupunta! Sasabunutan talaga kita kapag hindi. Tara upo na tayo doon." aniya.

Nakita kong kumpleto naman kami sa table. Kinuha ni Rence ang cupcake siya na daw maglalagay doon sa para sa mga gifts. Nakalimutan ko pang lagyan na galing sakin pero hinayaan ko nalang, mabuti na rin 'yon.

Maya maya pa ay dumating na rin si Kael, kasama ang kanyang mga magulang. He looks so good on his dark gray suit. Umiwas naman ako ng tingin nang lumapit sakanya si Nicole at humalik sa pisngi. Nagkunwari na lang akong may tinetext.

Nagsitayuan naman sina Rence kaya tumayo rin ako. Humagalpak si Nhicko sa tawa kaya napatingin ako sakanya. What the fuck kami lang yung nakatayo. Dahilan kaya napunta samin ang tingin ni Kael. Dali dali naman akong umupo.

"Ginagawa mu." ani Nhicko at tumatawa na parang tanga doon.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Alam mo para kang tanga! Maging single ka sana forever!"

"Okay lang, masarap maging single!" at nagtawanan pa sila nina Rence. Inirapan ko na lang sila at tinuon sa unahan ang atensyon. Nagtama ang paningin namin ni Kael, kaya agad rin akong umiwas.

Tumayo na kami nang sinabi na pwede na raw kumain. Medyo sumasakit ang paa ko kaya binilisan ko na lang din ang pagkuha. Ayoko naman talagang mag heels, kaso nakakahiya kung naka flat shoes ako ngayon sa party.

Pabalik na ako sa upuan nang magkasalubong kami ni Kael. Ngumiti ako sakanya at binati.

"Happy birthday."

"Thank you. Good to see you here. Anyway, why are you wearing heels? Hindi na ba masakit ang paa mo?" tanong nito.

Masakit, pero tiis ganda. "Hindi na, saka hindi naman mataas ang suot ko. Upo na ako ha, gutom na 'ko e. Enjoy your party!" saka mabilis na lumakad paalis doon.

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon