Nandito ako sa canteen kasama si Selene at Jaira. Pareparehas kasi naming vacant ngayon kaya nagkaroon kami ng time para magsama sama uli."Saan ang boys?" tanong ni Jaira.
"Lalaki na naman hanap mo!" biro ko sakanya.
"Gaga, tropa naten! Parang tanga 'to." aniya.
"Edi baka nasa klase?" ani Selene.
Bigla naman nagvibrate ang phone ko at nakitang may text doon si Kael.
Kael: Are u busy?
Gab: No, why? Kasama ko now sina sel sa canteen.
Kael: Then can you come here at the gate? May bibigay lang ako.
Nagpaalam naman ako kay na Selene. "Saglit lang puntahan ko lang si Kael, may ipapabigay yata." Agad naman pumayag si Jai, pero nandoon pa din ang makahulugang titig ni Selene sa akin. Hindi ko na lang pinansin dahil wala na akong magagawa. Sige na, crush ko na nga si Kael! At mawawala rin yon! Kung ano man yung naramdaman ko nung birthday ko siguradong wala lang iyon.
Nang makarating akong gate, nakita ko na kaagad doon si Kael. Mukhang siyang oras ah? Kumpara sa ibang students, parang siya lang yata ang hindi ko manlang nakita na naging busy.
"Hey." bati ko. "Ano naman yan? Kung suhol yan dahil sa pang-iinis mo sakin kahapon pwes hindi ko tatanggapin!"
"It's baked mac. Pinapabigay ni Mom. If you don't want to, i'll just give it to the dogs out there."
Hindi naman sa ayaw kong kumain ang mga aso, pero grabe hindi manlang niya talaga ako pipilitin! Wala yatang feelings ang lalaking 'to. Well, wala naman nga kung feelings para sakin.
"Wow, pasabi thank you! Kung ako sayo bumili ka ng dog food tapos ayun ang ipakain mo sa mga aso, mas masustansya para sakanila." Inagaw ko na agad ang paper bag sa kamay niya saka naglakad palayo nang bigla namang dumaan si Jace at lumapit sakin.
"Hoy, ano 'yan! Pagkain ba yan, tamang tama at gutom ako! Share tayo." aniya
"Sige tara. Bye Kael, thanks pasabi uli kay Tita."
Kaya lang ay hinawakan niya ako sa braso, "Sayo lang 'yan Gab." aniya.
Nanlaki naman ang mata ko. Nakakahiya nandito pa naman si Jace.
"Haha! Ikaw talaga, hilig mo mag joke Kael. Sige na bye!" saka ko hinila palayo doon si Jace.
"Ayaw ata mamigay Gab! Grabe konti lang naman hingin ko! Hindi ko naman uubusin, sino yon? Manliligaw mo? Ayos ah, seloso."
Kung sana totoo kaso hindi naman. "Hindi ko manliligaw 'yon! Asa pa ako."
Pinakilala ko naman si Jace kay na Jaira at Selene. Si Selene lang ang tanging kumakausap kay Jace pero tahimik lang si Jai. Himala yata 'to! Eh masigla 'to pag may lalake eh! Akala mo lumaklak ng energy drink.
Tinext ko naman si Jaira.
Gab: Problema mo bat ganyan mukha mo
Jaira: wala lang, nahihiya ako doon sa kasama mo oh tangina wag ka maingay daldal mo pa
Bahagya naman akong natawa. Si Jaira, nahihiya? Eh si Jace lang 'to! Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na si Jace dahil may klase.
"Bakit ka naman nahihiya kay Jace? Baka ex mo 'yon ha! Hindi mo lang samin sinabi" asar ko. Tawang tawa naman si Selene sa mukha ni Jaira.
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...