Kabanata 13

96 24 16
                                    


Walang tigil ang pag buhos ng luha ko habang tumatakbo kasabay ng mga nurses na may dala kay Papa papuntang emergency room. Hindi na ako pinayagan ng nurse na makasama kaya naiwan ako rito na umiiyak, pakiramdam ko mawawala ako sa sarili. Ni hindi ko manlang namalayan na wala akong suot na tsinelas. Hindi ko rin matawagan ang numero ni Mama, kadahilang nasa byahe pa siguro ito pauwing probinsya. 

Naiwanan ko ang cellphone ko sa bahay sa pagmamadali kaya hindi ko natawagan sina Jaira. Sobrang bigat ng pakiramdam ko lalo at mag-isa ako ngayon. Hindi ko alam kung paanong nangyare 'yon kay Papa. Lumapit ako sa front desk at nakigamit ng telepono. Susubukan kong tawagan si Jaira. 


"J-Jaira?" 


("Hello? Sino to?")


Hindi ko na napigilan na mapaiyak, halos hindi ako makapag salita ng ayos. Naririnig ko pa ang pagtatalo nila ni Selene. Magkakasama pa yata silang lahat. 


"Si Papa s-sinugod ko ngayon dito sa ospital sa may Nazareth. T-Tulungan mo ko Jai wala akong kagamit gamit mag isa lang ako ngayon! Umuwi ng probinsya si M-Mama."


("Gabbi!? Okay, umupo ka diyan muna kumalma ka. Papunta na kami. Dadalhan kita ng gamit. Sandali lang hintayin mo ko.") 


Umupo muna ako sa mga upuan doon habang pinapakalma ang sarili. Maya maya ay narinig ko na ang mga yapak at ingay nina Jaira. Agad akong nilapitan ni Selene at niyakap. Muli akong umiyak dahil sa labis na bigat ng nararamdaman ko. Lumapit naman ang nurse at sinabing inililipat na raw si Papa ng kwarto kaya maaari ko na siyang mabisita maya maya. 


"Ano nangyari Gab? Paano? Mabuti at nadala kaagad si Tito!" tanong ni Selene. 


"Nakita ko na lang siya sa kwarto ko. Ang akala ko lumabas siya, hindi ko naman naisip na mapupunta sya sa kwarto ko... hindi ko maintindihan kung bakit nag tangkang magpakamatay si Papa..." muli na namang bumuhos ang luha ko. 


Doon ko nakita si Kael lumapit at inabutan ako ng tubig. "You should drink water, kanina ka pa umiiyak." 


Sinunod ko ang sinabi niya saka sandaling sumandal at kinakalma ang sarili. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito. At ako lang mag-isa, wala pa si Mama. Tumayo na ako nang sabihin ng nurse na pwede na kong bumisita. Nakita ko si Papa na natutulog, sunod kong tiningnan ay ang kanyang mga kamay. Meron nga siya ditong sugat, pero hindi isa lang. Meron din sa kabilang kamay pero mukhang matagal na. Kung ganoon matagal na itong ginagawa ni Papa at wala manlang akong kaalam alam.


"Malalim ang sugat na tinamo niya. Mabuti na lang ay nadala siya agad rito. Dahil kung hindi baka nawalan na sya ng buhay. Sa tingin ko ay kinakailangan niyang magpa therapy hija. Marahil nakakaranas ng depression ang Papa mo. Mauna na 'ko, at aayusin ko pa ang ibang mga test na gagawin sa Papa mo." ani ng doktor, nagpasalamat ako saka umupo katabi ng kama ni Papa.


Pinagmasdan ko lang ang kanyang mukha. "...Pa, wag mo na 'yong uulitin ha? Takot na takot ako... hindi ko kaya kapag nawala ka sakin. Kayo ni Mama. Pa, please." pagmamakaawa ko. Nag  iisa lang nila akong anak. Sobrang hirap dahil iba iba sana kung meron akong kapatid.


Nagpaalam sina Rence na bibili ng pagkain sa labas, kaya nagpalit na ako ng damit na dala ni Jaira. Mabuti na lang at nandito sila, dahil hindi ko alam ang gagawin lalo wala si Mama. 


"Magpahinga ka muna Gab, kami muna magbabantay rito. Umidlip ka muna diyan. I already called my Mom kaya ayos lang sakanya if I stay here." ani Selene. 


Ayoko man matulog ngunit hindi na rin kaya ng katawan ko ang pagod. Kaya hinayaan ko na muna ang sariling makapag pahinga. Nang sa ganon ay mapalitan ko rin sila sa pagbabantay.


Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon