Kabanata 5

124 31 26
                                    



Isang buwan na ngayon ang nakalipas ng magsimula ang pasukan namin ngayong school year. Grade 12 na kami kaya sisiguraduhin kong more focus ngayon dahil road to college life na ako. Usap-usapan na rin sa klase namin ang mga kukuhanin nilang courses next semester. 


Nakatambay kami ngayon nina Jaira at Selene sa canteen dahil pareparehas naming break time. Jaira is on her phone, while Selene is reading a book.


"Ang taas ng grade ko sa math? Bakit?" tanong ni Jaira. Sumilip ako sa grades form niya. Mataas nga. 


"E 'di mabuti, bakit parang ayaw mo pa?" tanong ni Selene.


"Hindi naman kapani-paniwala! Ang taas nga ng grade ko, hindi ko naman maramdaman na dapat akong maging proud."


Selene chuckled. "Kaysa bagsak ka? By the way, have you considered what courses you will take in college?"


"I considered staying on my current course. I plan to major in culinary arts in college because I am interested in it." sagot ni Jaira.


I looked at Selene, "Ikaw, Selene? Anong kukuhanin mo?"


"Civil Engineering. Mom wants me to enroll in legal studies. But if Dad will let me, I'll talk to him about my engineering." sagot niya, "Ikaw? Still undecided?"


Napangiti na lang ako matapos marinig ang mga pangarap ng mga kaibigan ko at kung gaano sila kasigurado. Sana ako din. Pagdating ng panahon, alam ko na kung ano ang gusto ko.


I nodded, "Oo, pero tingin ko may napupusuan na 'ko. Pero, bahala na!" sagot ko kahit hindi pa naman talaga interesado.


Naglalakad ako patungong library upang mag aral para sa dadating na exam, habang bumalik na sa classroom nila sina Selene at Jaira. Nang makita ko sa may shed si Kael, tinawag ko naman siya.


"Kael!" tawag ko.


Kumaway naman siya at sumenyas na lumapit ako. "Ginagawa mo rito? Wala naman dito ang college department! Siguro may pinopormahan kang senior high! Playboy na 'to!" tanong ko. 


Nitong mga nakaraang buwan naging mas ayos na nga kami, away kaibigan hindi gaya dati. At tingin ko marami na rin silang ginagawa kaya minsan hindi na masyado nakikihalubilo. 


"Have you eaten? Let's eat." aya niya. 


"And where? Mabilis lang, ah. Mag-aaral pa ako kasi may exam kami bukas."


Tinaasan naman niya ako ng kilay.


"You're studying?"


Parang hindi makapaniwalang tanong niya.


"Haha, nakakatawa!" sagot ko naman sa kanya.


Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon