Maaga akong nagising dahil ngayon ang alis namin ni Kael papuntang hongkong. Kinuha ko muli ang luggage ko at iniisa isa ang mga dadalhin na gamit. Ayokong may makalimutan! Syempre una ay ID's ko, passport saka camera. Kailangan marami kaming pictures ni Kael. Meron na akong panlamig saka pang casual lang. Ganoon din ang mga sapatos. Ngayon ko na lang ulit magagamit ang mga ito. Tinext ko naman si Kael upang malaman kung gising na ba siya.
Gab: HOY GISING KA NA BA
Makalipas yata ang sampung minuto bago siya nag reply.
Kael: I just woke up, excited much?
Nagluto na lang ako ng almusal dahil ayokong magutom sa byahe. Pero hindi ko rin naman dinamihan at baka samain ang sikmura ko. Sobrang oa pa naman ni Kael, kapag nalaman 'non na sumakit lang tyan ko ay baka hindi na kami tumuloy.
Makalipas ang isang oras ay narinig ko na ang busina ni Kael. Dali dali ko namang kinuha ang luggage ko saka nilock ng maayos ang bahay. Kung babalik man sina Selene ay mayroon naman silang duplicate. Tumakbo agad ako sa sasakyan at sumakay.
"Why are you running?" tanong niya habang nilalagay ang gamit ko sa likod.
"Wala lang bakit ba, baka iwanan mo ako!"
Bahagya niyang pinisil ang ilong ko saka nag maneho. Lahat yata ng madaanan naming gasoline station ay tinigilan niya.
"Ano ba Kael, hindi sabi ako nababanyo! Paranoid mo!"
"I wanna make sure, love. Ayokong kulitin mo na naman ako kung kelan hindi na tayo makakapag banyo, dahil lang nababanyo ka. Ilang beses mo na 'yang sinasabi pero kung kelan walang cr, saka ka babanyo." aniya.
Para hindi na siya mainis pa ay bumaba na lang ako, baka sakaling maihi o madumi. Pero gaya ng sabi ko ay hindi nga, kaya't bumalik na lang ako kotse. Umandar na uli ang sasakyan at dahil maaga pa ay umidlip na muna ako.
Isang oras lang yata ako nakatulog dahil ginising na ako ni Kael, dahil nandito na raw kami sa airport. Wala sa sarili akong lumabas ng sasakyan at sumunod kay Kael habang dala dala niya ang luggage naming parehas.
"Isa na lang dapat ang luggage naten! Ang laki naman pala niyang sa'yo!" sabi ko sakanya habang hindi inaalis ang tingin sa luggage. "Taray! Di password pa! Yaman yaman talaga ng boyfriend kong 'to!"
"If one luggage lang, where do you think I can put my things? Baka nga isang brief lang ang mailagay ko sa dami mong gamit." aniya habang tatawa tawa pa.
Inirapan ko lamang siya at nagpatuloy na lamang sa paglakad. Ala singko ng umaga nang tawagin ang flight namin. Nang makarating sa eroplano, panay ang bati ng mga stewardess kay Kael. Samantalang sa akin ay simpleng good morning lang! Kay Kael naman may kasama pang 'have a nice day'!
Kaya nang makaupo kaming dalawa ay agad akong bumulong kay Kael. "Hoy panay ang pa-cute yung mga stewardess sayo oh! Tuwang-tuwa ka, ano?"
"What? No. I'm sure you're the cutest when you become one someday."
Umismid na lamang ako at tinago ang ngiti, lalo tuloy akong naexcite na maging flight attendant! Natulog na lamang ako buong byahe at saka ginising ni Kael nong nasa hongkong na daw kami.
Panay lamang ang sunod ko sakanya, mukha syang artista at ako mukhang manager! Naka shades pa talaga tapos white sweater then jeans, partnered with white sneakers. Samantalang naka black top naman ako at denim jacket saka maong pants tapos white shoes rin. Kaya kinuha ko rin ang shades ko at sinuot. Kung mukha siyang artista, mukha dapat akong rumored girlfriend!
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...