Graduation day na at excited ako na sa wakas tapos na rin ang high school. And very excited sa college life. Full support si Papa nang sabihin ko sa kanya na tourism ang napili kong kuhanin na program sa college. Matangkad naman ako kaya paniguradong bagay sa akin.
"Sweetie, are you done?" sumilip si Mama sa aking kwarto.
"Yes Ma, coming!" muli kong tiningnan ang sarili sa salamin at ngumiti.
Mabuti na lang hindi masyadong traffic kaya nakarating rin kami agad sa school. Hinanap ko kaagad sina Selene at Jaira. Tumatawa lang sa tabi si Selene habang nakikipag-usap si Jaira sa mga kaklase namin.
"Ja, Sel!" agad naman nila akong sinalubong ng yakap.
"Boom panis sa mga professor na nagsabi na hindi raw ako makaka graduate!" sabi naman ni Jaira.
Nagpapicture naman kaming tatlo sa photographer. May matinong shots tas puro wackies na. Ang saya saya ko lang ngayon kasi gagraduate na kami. Nagpapicture rin kami kasama ang parents namin at pinapunta na sila sa seats.
"Sali naman kami girls!"
Nakisali na rin sa picture taking sina Nhicko. Pumwesto na kami uli at katabi ko naman si Kael na tahimik at hindi mo alam kung humihinga pa ba. Pagkatapos ng picture taking nagkanya kanya kaming selfies.
"Gab!" lumingon ako nang tawagin ni Lloyd. "Tara selfie!"
Matapos namin mag selfie ni Lloyd, nagselfie rin kami nina Nhicko. Pabiro niya pang guguluhin ang buhok ko mabuti na lang ay nakaiwas agad ako. Ang kulit talaga!
"Ano? Tara selfie?" yaya ko kay Kael, umiling lang siya. Edi huwag! Arte ako na nga nagyaya. Aalis na sana ako ng hilahin niya ako saka inakbayan.
"Smile." nagtataka akong napatingin sa kanya, ayun naman pala ay tumawag ng photographer! Pero hindi pa ako ready dun!
"Congrats, girls! Good luck na lang sa college life! Jaira, more boys to come!" ani Rence.
"Gago, marinig ka ng magulang ko! Walangyang 'to!"
Tinawag na kami kaya bumalik na kami sa kanya kanya naming pila. Nililingon ko minsan ang mga kaibigan ko at syempre sina Mama at Papa.
Mabilis lang din natapos ang ceremony. At sa wakas! Graduate na kami! Road to college na talaga! Nasa unahan ko ang parents ko at naglalakad na kami papunta sa parking lot ng school ng tawagin ako ni Kael.
"Congrats. Wear that always." sabay alis. Tiningnan ko naman ang ibinigay niyang bracelet? Or anklet? May initials na 'AG'. Short for Anna Gabrielle? Nice!
Two weeks had passed since graduation. Bakasyon na rin sa wakas. Busy naman ngayon si Mama para sa debut ko. Ayoko naman ng engrande pero gusto nina Mama kasi iisang anak lang daw nila ako.
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...