Graduation na ni Kailie ngayon ng grade six. Nandito ako sa school kung saan kami pumasok nina Jaira hanggang college. Kahapon ang ika-dalawang taon ni Kael sa Africa. Gaya dati nakatanggap lang ako ng message sakanya tuwing birthday ko, valentines, pasko at bagong taon. Laging ganon. Nang matapos ang ceremony ay nag paiwan muna ako. Naglakad lakad ako sa buong campus.
Tumambay sa canteen at naalala ang unang pag kikita namin ni Kael dito. Nadaanan ang library kung saan malimit rin kaming magkasama. At huli ay ang bench kung saan palagi kaming naghihintayan. Kung saan ko rin siya sinagot! Nakakakilig naman mag reminisce.
Dahil dumidilim na ay nagpasya na akong umuwi. Paulit ulit lang ginagawa ko. Gigising ng maaga, pupunta sa cafe, sa flower shop saka uuwi sa bahay. Nakasanayan ko na nga ata ang paghihintay kay Kael. Nakasanayan ko na rin na ganon lang siya nagpapadala ng message. Hindi gaya noon na umaasa pa akong kahit bago mag birthday, bago mag pasko o bagong taon. Ngayon sanay na ako at ayos na ako sa ganon.
"Ate, bawal pa ba akong mag boyfriend?" tanong sakin ni Kailie.
Kumunot naman ang noo ko. "Oo, Kailie. Grade seven ka pa lang! Dapat ay naglalaro ka pa sa labas, ano. Huwag mo munang isipin ang pagboboyfriend dahil masyado pang maaga."
"Eh ikaw, Ate? Masyado pa rin bang maaga at hanggang ngayon wala ka pa ding boyfriend?"
Aba, teka bastos na bata ito. Natatawa naman si Mama habang nakikinig samin. "May boyfriend ang ate mo, Kailie. Nasa ibang bansa nga lang."
"Ahh, akala ko po nasa ibang planeta." aniya.
Nanlaki ang mata ko. "Kailie!!" sigaw ko. Tumakbo naman siya palayo sakin at tumawa. Kaya natawa na lang rin ako sa kakulitan ng batang 'yon.
Binisita naman ako ni Joy at Keann kasama ang anak nila na inaanak kong si Jeah. "Hello muna kay Ninang! Hingi kang pera." ani Joy.
Naglahad naman ng kamay si Jeah kaya natawa kami. Two years old na pala ang anak nila. At balita ko buntis ulit si Joy.
"Aba naman, Miss! Buntis na ulit ako ay hindi ka parin kasal." aniya
"Oo nga, ikaw kasi ang sipag niyo." pang-aasar ko.
Napakamot naman sa ulo si Keann. "Bagal kasi nung pinsan ko, nasaang lupalop na ba 'yon! Balak yata asawahin ang semento!"
Naging katuwaan na lang rin namin ang pang-aasar nila tungkol sa amin ni Kael. Gaya nang sabi ko, ay nasanay na nga ako na ganoon. Hindi na rin kasing dalas ng pagkikita namin noon ang nangyayari ngayon sa aming magbabarkada. Kagaya nina Joy, mayroon na rin ang iba sakanila na sariling pamilya.
Lumipas ang isa pang taon at kinasal na nga si Jai. Lumapit na kami sa kanya at nagpakuha ng litrato. Nagulat naman ako ng bahagyang guluhin ni Rence ang aking buhok.
"Ano ba Rence, baka masira yung buhok ko! Tigilan mo nga!" saway ko at inayos ang medyo nagulo kong buhok.
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...