LN 17

101 22 17
                                    


"Happy birthday Jaira!!!!" bati naming lahat. 


Naisipan naming lahat na gawin ang surprise na 'to dito sa clubhouse kung saan rin ako nag after party noong debut ko. Ayaw ni Jaira magkaroon ng mga ganon kaya simpleng celebration na lamang kasama kami ang ninais niya. Ayon sakaniya ay mayroon naman daw silang out of town trip ng kanyang pamilya sa susunod na araw. 


"Thank you guys! Inuman na!" sabay bukas ng champagne. Pinaka huling nag legal age sa'min si Jaira kaya ngayon ay pwede na kaming mag inom lahat. Pinagdikit namin ang aming mga wine glass, "Cheers!" 


Habang nagkakasiyahan sa karaoke sina Rence ay minabuti kong pumunta sa buffet table upang tumingin ng pupwede kong kainin. Nakita ko naman si Selene na nakatulala lang habang hawak ang kanyang plato. Nilapitan ko siya at marahang tinapik. 


"Okay ka lang ba, Selene?" 


Halata ang gulat sakanya ng makita ako. "U-Uh oo naman Gab, medyo naiisip ko lang mga ginagawa sa school. Alam mo na, medyo busy daming gawain." 


Nag-aalala pa rin akong nakatingin sa kanya, "Kung ganoon ay huwag kang mahiyang mag sabi sakin kung meron kang problema." nginitian ko siya upang mas mapanatag ang kanyang kalooban. 


"Oo naman, salamat Gab. Tara, kumuhang pagkain." 


Nang makabalik kami sa lamesa, tanaw ko ang titig sa akin ni Kael. Tinaasan ko naman siya ng kilay, at ngumiti lamang siya. Ngayon ay magkakasama kaming girls sa lamesa. Abala si Jaira dahil mayroon din namang ibang bisita tulad ng mga kaklase niya. 


"Huy, ano? Kumain na 'ba kayo? Hay nako, walang maarte hah bawal dito mapagpanggap alam kong hindi kayo nahihiya! Maya-maya rin ay uuwi na ang mga kaklase ko kaya makakapag kwentuhan na tayo ng maayos." ani Jaira 


"Ayos lang! Sige na doon ka muna, okay lang kami rito." pagpapaalala ko sakanya. 


Nakita kong tumayo si Kael at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. 


"You look good on your dress." aniya 


Napangiti naman ako, "Talaga? So lagi na ba akong magdedress?" sabay tawa ko. Sinimangutan naman niya ako. 


"You look more beautiful in jeans, babe." 


Hinampas ko naman siya at bahagyang sinabunutan. "Yabang mo. Hoy sino 'yong kausap mo dun na babae hah? Ngiting ngiti ka pa."


"Why, jealous? Just someone I know, may sinabi lang kaya natawa ako ng konti. Konti. I have emotions too, babe. I'm not an alien." aniya


Napansin kong tahimik lang uli si Selene habang nakatingin sa cellphone niya. Kaya dumais ako ng kaunti kay Kael at bumulong. 


"Tingin mo rin may problema si Sel?" tanong ko habang patingin tingin minsan kay Selene na wala pa rin yata sa sarili. 


Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon