Kabanata 15

120 25 17
                                    

"Why not? Pero hindi ba ako bata para sayo?"

He looked at me and raised his brow, "It's just two years! Argh Gabbi, stop acting like our age gap is 20 years! You make me look like I'm so old!"

Natawa naman ako kaya't tinanaw na lang ang mga batang naglalaro sa labas. Well I guess, I should give myself a chance to love. Tumingin naman ako sa langit. 

"Papa, okay lang ba sayo?" tanong ko na akala mo naman ay sasagutin ako ng Papa ko. "Baka mamaya saktan lang ako nito, pakihila po ang paa ha" sabay halakhak ko dahil sa mukha ni Kael na hindi maipinta. 

"Your father wants me for you. You don't have to ask him." aniya. 

Wow, nagkausap ba sila? Or nagyayabang na naman ang lalaking 'to! "Bakit nagpakita 'ba sayo si Papa at mukhang sigurado ka. Sayo na rin nanggaling na ayaw ni Papa na magpaligaw ako!"  

"Nevermind. Let's go inside it's getting cold." 

Pagpasok namin sa loob naabutan naming nagtatalo si Rence at Nhicko. Umiiling na lang si Lloyd habang pinapanood ang dalawa. Palagi talagang nag-aaway ang dalawang 'to. Hindi yata pwede matapos ang araw na hindi sila mag-aaway. 

"Hoy ano yan ha!" saway sa kanila ni Selene.

"Duga netong si Rence eh! Sabi mo kapag inaccept ako ni Shaira bibigyan mo kong 500! Oh akin na! Hayop 'to talkshit!" giit ni Nhicko. 

"Ayan na nga 500! Wala naman akong sinabeng totoong pera! Gago ka!" tawang tawang saad ni Rence. Sa sobrang badtrip naman ni Nhicko ay dinaganan niya si Rence. 

Tumulong na lang ako kay na Jai sa paghanda ng makakain. Bulong naman ng bulong itong si Jai sa akin ngayon. 

"Anong pinagusapan niyo doon sa labas ha? Kita ko kayo! Huwag kang tatanggi! Baka naman dahil sinabe kong makinig ka sa puso mo, eh kayo na agad! Pakipot ka naman ng slight."  aniya. "Ano umamin na ba siya sayo? Nako baka umiral na naman ang kabagalan non! Napakabagal pa naman non!" 

"Hindi pa ano! Mamaya ko na ikekwento, umayos ka nga diyan! Mamaya may makarinig sayo ang ingay mo." saway ko. Umupo naman na kaming lahat upang makapag simula ng kumain. Uupo sana sa tabi ko si Nhicko pero tinulak siya ni Kael. Jusko ang dalawang 'to. 

"Aray pare ha! Parang nananadya ka na ah, gusto ko nga ako yung katabi ni Gabbi e! Mamaya ka na dumiskarte para naman tanga 'to." aniya. 

Pero hindi siya pinansin ni Kael at umupo pa rin ito sa tabi ko. Walang nagawa si Nhicko kundi umupo sa tabi Rence. Nang matapos kaming kumain ang boys na ang pinaghugas namin ng plato at pinag imis ng kainan. Dumeretso naman kaming girls sa salas upang manood ng kdrama, paborito namin itong Crash Landing On You!

"Parang gusto ko na yata ng sundalo." Ani Selene. 

"Ako din! Paniguradong hindi makakatanggi yan lalo na kapag naghain na ako.. ng pagkain! Oh, Gab huwag ka ng tumanggi alam kong gusto mo rin yan! Pero akin yang si Captain Ri ha!" ani Jaira. 

Enjoy na enjoy lang kaming nanonood ng biglang umingay na ulit dahil nandito na ang boys. Walang tigil na naman sa pag aasaran sina Nhicko. Natanaw ko naman si Kael na nakapikit na roon, siguro'y inaantok na. Tumayo naman ako saka lumapit at tinapik siya. 

"Doon ka na matulog sa guest room?" sandali naman siyang napamulat saka tipid na ngumiti sa akin. 

"Later. I'll sleep if you sleep." 

Tumango na lamang ako at bumalik sa pwesto ko. Ngunit nakatulog na rin pala si Jaira at Selene. Kaya naman binuhat na ni Nhicko si Jai, si Rence kay Selene at inihatid na ang dalawa sa kwarto ko. 

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon