Kabanata 4

127 34 30
                                    



"Ho? Hindi po ako girlfriend ng anak niyo. Schoolmate lang po ako." paliwanag ko.


Ano daw girlfriend Yak, kadiri! Asa! Kahit pa maubos ang mga lalaki hindi ko papatulan ang Kael na 'yon. Kaya lang ako nandito dahil guilty ako. Sensitive masyado ang mata kesa sa sumakit na pwetan ko. Bwisit siya kasi nauna eh! Tapos ako pa nakonsensya, siya ba hindi sa ginawa niya!


Sumunod na lang ako sa Mama ni Kael. Nakarating naman agad kami sa kwarto niya, ay grabe pang mayaman. Sabagay mukha naman talagang mayaman si Kael. Kaya pala ang sama ng ugali! Walang manners ampota! Mukhang matapobre 'yong Mama niya.


Nagpaalam ang Mama niya na mag aasikaso ng bills kaya nauna na akong pumasok. Tahimik sa loob at mukhang tunog lang ng malamig na aircon ang naririnig ko. Tulog yata ang halimaw. Aba, mabuti nakakatulog pa siya.


Inilapag ko sa side table ang dala ng Mama niyang fruits. Muntikan ko ng malaglag ang remote na nakapatong dahil sa biglang nag salita.


"So you've come. Let me assume, you're guilty, right? Thank you for the fruits, wala 'bang lason 'yan?"


I rolled my eyes at humarap sa kanya.


"Edi itanong mo sa Mama mo! Sa kanya naman 'yan galing at hindi sa akin! Kapal ng mukha mo, bakit naman kita bibilhan ng prutas?"


"So, what brings you here? Good thing, since I forgot to tell my mom about what you did to my eyes," he smirked.


Napansin ko ngang mapula ang mga mata niya. Akala ko naman tipong naka bandage na. 


"Kung hindi mo ako pinaupo sa sirang silya hindi ko yan gagawin sa'yo. Alam mo hindi ko naman inutos na paupuin mo ako, kaya lang umiral 'yang mga kalokohan mo!" singhal ko sabay hampas sa braso niya.


"Is that true?"


Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ng Mama niya. Pag lingon ko ay may kasama itong kasing edad  nyang lalaki, sa tingin ko ay Papa niya.


"Yes, Mom. That is true. She looks innocent, yet she is nasty on the inside." he said while giving me a death glare.


Napapikit naman ako at hinihintay na pagalitan ng Mama niya ngunit narinig ko ang sigaw niya. Pinapalo siya nito sa kanyang braso at imbis na ako ang pag sabihan ay sa kanya nabunton ang lahat.


"What the hell Mom!" sigaw ni Kael habang pinapalo sya ng Mama niya ng bag nito.


Her Mom stopped. "Mikael, how could you do that to a girl? You're such a bully! I thought you'd matured by now, but you're still playing dirty and can't control your childish behavior!"


Inalok naman ako ng Papa niya na maupo sa sofa kaya sumunod ako. Pinagsasabihan pa rin siya ng kanyang Mama, he deserves it! 


"Hija, I am very sorry sa nagawa ni Mikael. Hindi ko na alam ang gagawin sa batang 'yan. Hayaan mo at ako ang bahala diyan." ani ng kanyang Papa

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon