Kabanata 10

107 28 17
                                    


Unang araw ko ngayon sa college, medyo kinakabahan ako pero excited din. Parehas lang kaming magkakaibigan ng university, ako at si Jaira lang ang naiba ang course. Si Selene ay engineering  rin, sina Rence, Nhicko at Kael naman ay third year engineering rin.


Walang prof kaya nagpasya akong mag ikot ikot muna sa university para maging familiar ako. Hindi pa uli kami nagkikita ni Kael. Simula nung after party ko, hindi na muli kami nag kita at nag usap. Ayokong magkaroon na naman ng gulo. Siguro mabuti na rin ito para mawala na ang nararamdaman ko sakanya. Masyado pa akong bata, masyado siyang matanda sa'kin hindi ang kagaya ko ang tipo nya. Naupo muna ako sa isang bench doon dahil kanina pa ako lakad ng lakad.


"Gab! Sabi na nga ba, ikaw 'yan eh!"


"Uy Jace, dito ka pala pumapasok. Anong course mo? First year rin?"


"Third year na 'ko! Aviation Major in Flying. Gusto ko maging Piloto eh."


"Naks. Tourism ako! Baka in the future kapag may flight ako ikaw ang piloto!" pagbibiro ko.


"Aba ayos yon, may pa special mention para sayo! Parang ganito, 'This is your Captain Mariano, and I would like to say hi to our one of the flight attendant Ms. Sorez' oh diba astig!"


Natawa naman ako sa sinabi niya. "Pwede pwede. Una na ako Jace ha! May klase na ko eh. See you around!"


"Lunch tayo minsan?"


"Sure."


After class, nakatanggap ako ng text galing kay Jaira na nasa canteen daw sila. Kaya nagmadali agad ako para makasabay.


"Hi!" bati ko. 


"Kamusta first day naten dyan?" ani Selene.


"Ayos naman, medyo boring kasi wala masyadong klase. Kayo musta?" sabay kuha ko sa nakahain na fries doon.


"Eto secretary ako ng student council ng department namin. Baka imbis na maging engineer ako, ay sa politika ako mapunta!" pagkekwento ni Selene.


"Hilig mo tumakbo, ano ka ba aso? Buti pa ako pasado na yata agad this sem, crush yata ako nung prof ko sa major!" sabay tawa ni Jaira.

"

Hindi na ako magtataka pag nakagraduate ka Ja, it's either crush ka nga nung prof or jinowa mo." ani Rence na kakarating lang kasama si Lloyd at Nhicko.


Binato naman siya ni Jaira ng balat ng ketchup. Nakita ko naman ang papalapit na si Kael kasama si Elaine kaya agad akong tumayo at inayos ang gamit ko.


"See you next time guys, nakalimutan ko meron pala akong reporting ngayon. Una na 'ko ah?" paalam ko.


"First day, reporting? Niloloko mo ba 'ko Gab?" ani Jaira


Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon