Maaga akong nagising dahil nagpaalam si Tita na sasaglit sa trabaho. Gusto ko sanang lumabas na pero kailangan ko daw ipahinga ang paa ko atleast 1 week. Ayokong sumuway dahil ayoko namang malumpo.
Inabot ko ang fruits sa side table at nag simulang kumain. Kinuha ko rin ang phone ko at pinicture-an.
I put some caption. 'come and visit me'
Nanood na lang muna ako sa youtube nang makatanggap ng notif sa ig. Tiningnan ko naman at nanlaki ang mga mata sa nabasa.
kael.andrei started following you.
kael.andrei replied to your story. : what do you want
Hindi ko alam kung mag-rereply ako or what. Nagtype ako ng kung ano ano tapos binura ko rin. Sinubukan ko lang naman itry na mag type ng 'ikaw' pero sobrang bait ng mundo at naisend ko pa 'yon. Nakita ko naman na na seen niya na. Ang tagal walang reply! Pahiya na naman ako nito. Asar!
kael.andrei: ok
Ok? Lang? Shet! May girlfriend nga pala siya! Paano kung si Nicole yon? Tinry niya lang talaga na mag message sakin? Tapos susugod siya dito tapos dadalhin niya ako sa rooftop at doon na ihuhulog? Oh my god.
Sa daming iniisip hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lang ako dahil may ingay akong naririnig. Pag mulat, nakita ko si Kael na nakaupo sa sofa habang bukas ang tv at nakatingin sa akin. Napaupo naman ako.
"Ah, ikaw pala! Anong dala mo? Gutom na rin ako."
Tumaas naman ang kilay niya. "Nothing? You said you just want me. Now I'm here."
Umirap naman ako. "Anak ng pating, oo."
He chuckled. "My mom is not a shark." Umayos naman siya ng upo. "How are you? I heard you sprained your ankle?"
Hindi lang sprained na akala mo! Basag na ang buto ko! Argh!
Ngumiti naman ako. "Okay naman, ayos lang din pala dito nakakapaghinga ako."
"I'm sorry."
Seryoso na naman ang mata niyang nakatingin sa akin. Tumawa naman ako. "Luh, okay lang! Normal siguro na mag away kami ni Nicole, syempre ex mo ko. Hindi na nga tayo nag-uusap kakaselosan niya pa ako! Ganon na ba ako kaganda!"
Nanatili lang siyang seryoso.
"That's not normal. She doesn't have the right to hurt you. Especially just because of me? Of us? She's not even my girlfriend." aniya
Hindi niya girlfriend? Eh anak pala ng aswang 'yon! Akala mo kung sino! Ang yabang!
"Hindi? Akala ko girlfriend mo, sobra maka react ha. Bakit? Bagay naman kayo."
"She lived with us. At yung kapatid niya. Wala na siyang mga magulang nung nakita siya ni Mom. She's working on my Mom, that's why Mom agreed to let her stay with us because she have a younger sister. Mom wants a daughter."
BINABASA MO ANG
Last Night (COF Series #1)
Teen FictionCOF Series #1. Anna Gabrielle Sorez, cheerful, dreamy and strong independent woman. It becomes hard for her to know what she really wants to be in the future until she turned 18 and met Mikael Andrei Buenorella and realized what really her dream i...