Kabanata 12

108 25 18
                                    

Sabado ng umaga ngayon at nakakatamad gumawa ng kahit ano. Nagpasya akong bumaba na lang muna upang tulungan si Mama na magluto ng aming pananghalian. Hindi ako sobrang galing mag luto pero hindi rin naman ako walang alam na lutuin. Kahit papaano marunong naman ako mag luto ng menudo, adobo o kaya sinigang. 

"Ma, tulungan ko kayo. Ano po ba yan?" 

"Bicol express 'to. Natutunan ko sa lola mo sa probinsya! Ipapatikim ko sa inyo ng Papa mo. Oo nga pala nakapagbayad na ako ng tuition mo para ngayong semester na ito. Mag-aral kang mabuti Gabbi. Sayo lang kami aasa ng Papa mo." aniya. 

Tumango tango naman ako at sinimulan ng mag handa ng mga plato sa lamesa. Maya maya pa ay bumaba na rin si Papa. Mukhang hindi maganda ang mood niya. Mabilis lang siyang kumain saka umakyat uli. 

"Ma, may problema ba si Papa?" tanong ko. Tipid na ngumiti si Mama sa'kin saka nag buntong hininga. 

"Sa trabaho anak. Alam mo naman 'yang papa mo sobrang workaholic. Kaya ikaw kapag nag trabaho ka na huwag ka masyadong magpakalunod sa trabaho! Ewan ko ba sa papa mo at ayaw mag bakasyon manlang." 

Ayon kay Mama, marami raw pinagdaanan si Papa bago pa siya naging head engineer sa pinagtatrabahuhan niyang company ngayon. Graduate naman ng nursing si Mama. Nang matapos kaming kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan. Pagkatapos ay umupo ako sa sala saka nag scroll muna sa instagram. Finollow pala ako ni Jace! Nag request naman ako kay Kael, arte naka private account pa talaga! Wala pa sa 100 ang followers niya, siguro ay mga kakilala lang talaga ang inaaccept tapos mayroon lang siyang 2 posts. Hiyang hiya naman yung mahigit 200 kong posts. Sakto naman na nakatanggap ako ng text mula kay Jaira. 

Jaira: Halika rito samin, movie marathon. Dito na sina selene. Pag di ka pumunta, friendship over na tayo 

Saglit lang akong nagpaalam  kay Mama dahil nag uusap sila ni Papa. Kaya dumeretso na agad ako kay na Jaira na sa kabilang street lang nakatira. Pinapasok naman agad ako ng yaya nina Jaira. Mayaman sina Jaira, marami silang resorts na pag mamay-ari rito sa pilipinas at meron din yata sa ibang bansa. Ganoon rin sina Selene, ang pamilya ko naman simple lang. Lol. Meron rin naman kaming hindi sobrang laki na farm, pero kumikita rin naman ng malaki. 

Naabutan ko naman silang lahat sa salas na nagkukulitan. Tumabi naman agad ako kay Selene na busy habang nakatutok sa laptop niya. Marami siyang kausap, siguro mga ka officers. Kaya ayokong sumali sa ganoon! Hassle saka baka madistract lang ako sa pag-aaral dahil madalas excuse. 

"Gab! Chat mo nga si Kael. Ayaw pumunta!" ani Nhicko.

"Ayoko nga! Ikaw na lang!" tanggi ko. 

Napakamot naman sa batok si Nhicko. "Pupunta yon kapag nalaman nandito ka! Dali na."

Ayaw naman niya akong tigilan kaya kinuha ko na ang cellphone ko saka nag tipa ng mensahe kay Kael. 

Gab: 

hoy punta ka daw dito kina jai 

Agad naman siyang nag reply sakin. 

"Oh kita nyo na? Kapag si Gab nag-text nagrereply ampota! Halatang halata masyado ah." ani Rence. 

Kael: 

u there? 

Gab: 

hulaan mo

Kael: 

ok 

After 15 minutes yata ay dumating na rin si Kael. Agad naman siyang binato nina Rence ng unan. Then he smirked when he saw me. 

"Kita mo! Ang arte mo talaga! Feeling girl ka din, papilit. Pupunta din naman pala!" bulyaw ni Nhicko sakaniya. 

"It's a relief that I'm not a girl, baka pormahan mo pa 'ko." aniya. Pinagmumura naman siya ni Nhicko kesyo naimagine nya raw na babae si Kael.

Nag kunwari na lamang akong hindi naririnig ang usapan nila. Tingin naman ng tingin sakin si Selene. I mouthed 'what?' pero ngumiti lang siya sa'kin saka nag laptop na ulit. Dumating naman si Jaira na may dalang brownies. Ang bango! 

"Oh mga patay gutom! Ubusin niyo kung ayaw niyong ipasok ko kayo sa oven namin." 

Umakto naman na parang nasusuka si Rence. "Grabe ka naman Ja, eh hindi naman masarap 'tong brownies mo! Kulang sa pagmamahal!" binatukan naman siya ni Jaira at inagaw ang hawak nitong brownies. 

Nag simula na kaming manood ng movie, na "The Battle Ship Island" korean movie pala 'to. 

"Ay gago, akala ko english! Ano ba yan intsik! Naiintindihan niyo ba naman yan." reklamo ni Nhicko. 

"Tanga mo pre, korean yan hindi chinese! Saka kita mo kaya nga may subtitle grabe tol sa bobo mong 'yan umabot ka pa ng third year hayop ka." panggagaslaw sakaniya ni Rence. 

Napansin ko naman na kanina pa nagvavibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito. Nag text pala si Mama. Kung pauuwiin niya na ako, ay uuwi na ako. Ayoko rin naman magtagal rito, mas gusto ko pang matulog sa bahay.

"Who's that?" tanong ni Kael na siyang kinagulat ko di ko namalayang nasa tabi ko pala. 

"Mama ko." 

Mama: Anak, uuwi muna ako ng probinsya. Jan ka muna sa Papa mo. Kailangan ako doon ng lola mo, text ka lang pag may kailangan o problema. Mahal kita anak. 

Gab: Ok po Ma. Ingat! Love u 

Nang matapos namin ang movie nagyaya ng kumain ng hapunan si Jaira. Hindi maganda ang pakiramdam ko kaya hindi ako masyadong nakikisali sa ingay. Tumatawa lang ako paminsan minsan. Nilapitan naman ako ni Kael na kumakain ngayon ng ice cream. Akala ko ay aalukin niya ako pero hindi, mukhang pinapainggit niya lang ako. 

"What? Akala mo aalukin kita? Luh asa" aniya.

"Assuming ng taon ka po? Wala akong sinasabi! Alis nga dyan, kainis 'to!"

Hindi rin nag tagal ay nagpaalam na ako upang umuwi. Nag paiwan muna roon sina Kael dahil naglalaro sila ng cod. Nang makarating ako sa bahay namin eh madilim, naisip ko na baka naputulan kami. Hindi ba binuhay ni Papa ang ilaw? Pumasok agad ako sa gate namin saka binuksan ang ilaw sa labas. Naabutan ko pa ang hinandang pagkain ni Mama. 

Umakyat ako upang hanapin si Papa para tanungin kung naghapunan na siya. Ngunit wala siya sa kanilang kwarto. Ganoon rin sa banyo, wala. Inisip kong baka lumabas muna para magpahangin o nasa kumpare na naman niya. 

Bumaba muli ako para sana mag ayos sa sala ngunit napakalinis naman na dito. Siguro'y nag linis na si Mama bago siya umalis. Alas otso na ngunit wala pa rin si Papa. Kaya nagpasya akong umakyat para pumunta na sa kwarto ko. 

Sandaling huminto ang aking mundo at parang ayoko na uli itong umikot. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw. Kung ano ang mararamdaman ko. Halos manuyo ang laway sa lalamunan ko, hindi ako makasigaw. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko magawang lapitan ang Papa ko, 


na walang malay duguan habang hawak ang litrato ko. 



Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon