Kabanata 2

210 35 33
                                    


It's been 3 months since nagsimula ang pasukan. Nagsisimula na rin dumami ang mga ginagawa namin. Buti na lang magkaklase kami ni Jaira sa halos lahat ng subjects maliban na nga lang sa major subject namin. Hindi nag tagal ay dumating na ang professor namin sa General Mathematics


"Teka lang, general mathematics? May math subject pala tayo, hindi ko ito napansin sa reg form?" bulong sakin ni Jaira. We both hate math, hindi naman sa bobo kaming dalawa pero hindi lang talaga kami kasing galing ng iba gaya ni Selene when it comes to math subject. 


"Huwag kang maingay mamaya marinig ka ng prof!" saway ko habang itinutuon ang pansin sa nagsasalitang professor sa harapan. 


"Maririnig pa ba 'ko niyan? E, mas matanda pa yan sa lola ko!" 


Pinipigilan ko namang matawa sa sinabi ni Jaira. Pasmado talaga ang bunganga ng babaeng 'to. Buti na lang at tumalikod na ang professor at nag simulang magsulat sa board para sa ipapagawa niyang activity. 


Inimis ko naman agad ang gamit ko makalipas ang isang oras na klase namin sa gen math. Nang makalabas ang professor, wala ng tigil si Jaira sa karereklamo na kesyo paano pa raw sa susunod na subjects kung naubos na ang brain cells niya dito sa gen math. 


"Feeling ko kailangan ko talaga kumain ng madami ngayon at baka himatayin na ako dito! Selene can't join us ngayon dahil mamaya pa raw 10:30 ang break time nila." aniya. 


Dumiretso na kami ni Jaira sa canteen para mag recess. Umupo na lamang ako dahil nagpresinta si Jaira na siya na ang bibili ng pagkain namin. Mahirap na nga naman madaming students baka maubusan kami ng upuan. I get my phone inside my pocket para mag check ng facebook ko. Napapangiti ako habang binabasa ang mga nadadaanang memes sa news feed ng biglang naagaw ang atensyon ko dahil may nagsalita. 


"Will you be willing to share some seats? There is no more space, as you can see." sabi ng medyo mestizo na lalaking ito. Englishero pa yata! Kaya inalis ko naman ang bag ko sa isang upuan at hinayaan na kuhanin niya ito ngunit hindi niya pa kinukuha. 


"What? Get it." sambit ko saka binaling muli ang tingin ko sa phone ko. Aha! Akala niya siya lang kaya mag english speaking, well kaya ko din! Nasa Pilipinas siya, english siya dyan ng english! Sabagay mukha naman siyang may lahi-- lahing aso! Napapangiti naman ako dahil sa mga naiisip ko. 


"Are you deaf?" agad naman akong napabaling uli kay Kuyang englisher, at kitang kita ko ang kunot na kunot niyang noo. Bakit naman biglang nagalit 'to, hindi ko naman siya inaano binigay ko na nga ang silya! Gusto niya pa yatang dalhin ko sa lamesa niya. Aba. 


"I'm not. Ayan na nga yung chair, oh, bakit 'di mo pa kuhanin? Ano, ihahatid ko pa kung nasaan man yang lamesa mo?" sabi ko dahil naiinis na rin ako sakanya. Ang sungit kasi.


"So, you're not deaf? Next time, pay attention when someone is talking to you instead of going through your phone and giggling at some silly stuff, just like you." 


Aba't! Hindi ko na napigilan kaya binato ko naman siya ng tissue na nilukot lukot ko kanina. Bastos pala 'to, e, akala mo porket may itsura may karapatan ng mag yabang at mang-insulto!

Last Night (COF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon