Kabanata 4

1.2K 35 1
                                    


Nick Zennon

Pagkatapos ng nangyari kahapon sa Campus, hindi na maalis sa isip ko ang Ivy na yon, ang mga mata niyang galit na galit ang mga kamay niya na ibang iba na, hindi na siya ang Ivy na kilala ko noon hindi na siya.

Kinabukasan maaga akong nagising  dahil sa ingay na naririnig ko mula  sa labas,  pero dahil sa inaantok pa ako, pinagsawalang bahala ko lang yon sa pag aakalang mga demonyo lang yon ng paaralan na ito na nag away kaya imbis tumayo ako ay bumalik na lang ako sa paghiga.


"King bilis tingnan mo sa labas."hingal na hingal na tugon ni Jake na ngayon ay kaka pasok lang sa kwarto ko na siyang ikinagulat ko.

"What the hell?! Jake, alam mo ba kung anong oras na ngayon? ano ba yon ha? Istorbo ka eh, alam mo ba?" pagalit na sigaw ko sa kanya, they already know what I hate the most ang gisingin ako buti na lang wala dito baril ko kasi kung nandito lang yon ngayon at hawak ko ulo na siya."

"Sorry King , pero kasi you really need to see this."sagot niya na ikinatingin ko sa kanya

Hindi ko na siya hinihintay sumagot agad agad na akong  tumayo sabay sunod sa kanya kung saan at laking gulat ko na lang na nasa entrance na kami ng University.

"Anong meron dito? Bakit nandito kayo lahat?"tanong ko sa kanilang lahat na nandito rin.

"Yon nga King nagising na lang kami kanina ng dahil sa sigawan na naririnig namin at ng tingnan namin kung ano yon isa na lang ang nakita namin lahat, at lahat rin kami ay na tulala dahil do'n."sagot ni Kurt.

"Why? Ano yun?"tanong ko.

"A body a dead body."sagot ni Ricky.

"What? That's imposible one of the rule here in the University is no one is allowed to kill, walang kahit sino ang puwedeng gawain ang gusto nila sa mga kaaway nila, kung umaga, unless it's evening! Pero bakit ngayon? What's this? pati umaga ginawa nila? Sinong walang hiyang demonyo ang gumawa nito?  hindi ba siya takot? talagang ang pinaka mahalaga pa na patakaran ng University ang sinaway niya."saad ko sa kanila.

"That's right bro,  e sigurado kaya tayo  pinapunta ngayon dito dahil do'n para makita natin 'to."sagot ni Jake.

"Who's the victim?"tanong ko sa kanila.

Classmate natin king si Anna Sandoval."sagot ni Ricky.

"What? That clown? Bakit siya?"tanong ko.

"Isa pa yon, diba sabi ni Tandang may ari ng school na ito habang hindi natin nakikita ang anak niya sobra pa sa impyerno ang mararanasan natin? Eto na ba yun? Sila ba ang gumawa nito?" Sunod sunod na tanong ni Kurt.

"Yan ang malalaman natin ngayon."naka ngisi kong sagot sa kanila habang seryosong naka titig sa harapan kung nasaan ang Dean ng school ang panganay na anak ni Tandang Chai.

"Magandang magandang umaga mga ka demonyo ko,  nagising ko ba kayo? O tamang itanong ko nagising ba kayo ng kapatid ko?!"tanong niya sabay tawa niya ng mala demonyo.

"Sorry naman mga demonyo,  pero alam kong may ideya na kayo bakit kayo nandito tama? kung gusto niyo malaman ang nangyari ngayon dito sa entrance ng school, congratulations yes, yes everyone tama kayo ng hinala wala na ang babaeng yon in short patay na ang babaeng yon,  at kung mag tatanong kayo bakit umagang umaga ito nangyari kung bakit pati sa Umaga may gera na, may dugo na,  Pwes, isa lang ang maisasagot ko sa inyo dahil yan ang gusto ng kapatid ko. I know Dad already announce na kahapon na you need to find her kasi kung hindi mas magiging masaya pa tayo dito sa loob, pero sa tingin ko yon ang gusto ng lahat, yon ang gusto niyo tama? na pati sa umaga may gera na,  may duguan na, pwes, yan ang ibibigay namin sa inyo dahil simula ngayong araw na ito opisyal ko ng pinapahintulot ang gera, ang duguan,  ngayong umaga hanggang gabi, kaya kung gusto niyo pumatay, kung gusto niyo manakit, kahit anong gusto niyo puwedeng puwede na, wala ng bawal,  you can do it all  starting today hanggang magsawa kayo, but don't worry wala kayong dapat ikabahala dahil sagot namin kayo, kaya  mga demonyo ang dapat niyo lang gawain ay mag pakasaya, magpakasaya hanggang kamatayan." seryosong sabi niya habang tumatawa na dahilan ng bulungan ng mga tao.

"Seryoso ba sila? ano sila baliw na?"tanong ni Kurt.

"Kurt wag mong sabihin na natatakot ka? eh alam namin natin na walang ni isang estudyante dito na maglalakas loob sagasaan tayo."natatawang saad ni Jake sa kanya.

Pero imbis pansin ko silang dalawa ay nag lakad na lang ako palayo sa kanila  ng biglang nag salita ulit si Iron.

"Pero take note there's more,  tutal alam niyo na lahat na nandito ang kapatid ko sa school kasama niyo,  gawain natin mas exciting ang paghahanap niyo sa kanya, I will give you 20 days to find her at  dalhin siya dito sa harap at oras na nagawa niyo yan siyempre may premyo a price, kahit anong gusto niyo puwedeng puwede,  but wait sa bawat araw rin na hindi niyo siya nakikilala may mga masasayang mangyayari dito sa impyerno nating ginagalawan, so good luck everyone and  that's all I guess,  and I just want to say may the best demon wins."Aniya sabay seryoso niya ng tingin sa amin lahat. "Tsaka isa pa yong nangyari kanina, sorry na lang siya, siya ang na target ng Lil sis ko, siya nagustuhan e kaya ingat- ingat kayo ha, baka kayo na ang isusunod niya isang maling galaw niyo lang makita niyo na agad si Santanas kaya wag niyong kalimutan na staring today you can do anything you want,so  demons enjoy."announce niya sabay baba ng mic hawak niya.


"Paano ba yan King matinik ata ang Queen?"tanong  ni Jake na ikinatingin ko sa kanya.

"Kahit gaano pa siya katinik, sa akin pa rin siya babagsak, at oras na makilala ko siya, ako mismo ang mag dedesisyon sa premyo na gusto ko."naka ngisi kong sagot sa kanya sabay lakad palayo sa gym.

Hindi ka makakatakas sa akin Chai, hahanapin kita, at kahit gaano kapa kabilis magtago pinapangako ko magiging akin ka, magiging akin ka.



Hart Moon

The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon