Kabanata 35

584 16 3
                                    

Nick Zennon

Kahit mahirap pinilit ko pa din pumasok sa University kinabukasan na siyang ikinagulat ng mga mokong kong kaibigan.

"King ikaw ba talaga yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kurt kaya seryoso ko siyang tiningnan na ikinatigil niya.

"What do you think? Na multo ako?"

"Hindi naman, sabi ko nga Ikaw yan, pero talagang nandito kana? Okay ka na ba?"tanong niya ulit.

"I'm not okay, pero kailangan ko pa rin ipakita na ayos ako especially kay Ivy, I need to be strong para tanggapin ay ipakilala niya na ako sa Anak namin, sa anak ko."sagot ko sa kanila.

"Pero Nick, alam mong hindi yan madali right? Especially now, na mukhang karibal mo pa ang kakambal mo."saad naman ni Jake.

"And what's wrong with that?"

"Wala naman, pero kasi kakambal mo yon."

" I don't f*cking care! Wala akong kakambal at hanggang hindi ko pinipirmahan ang annulment papers namin ni Ivy, hinding hindi maagaw ng Shokoy na yon ang pamilya ko, akin lang si Ivy at Skyler at kahit sabihin niyo pa na hindi na ako tanggap ng asawa ko, gagawa at gagawa pa din ako ng paraan para mabawi siya, mabawi sila hindi ako susuko."seryosong sagot ko sa kanila na ikinatahimik nila akmang sasagot pa sana si Ricky ng biglang dumating na ang Professor namin kaya agad na kaming nakinig sa kanya.

Isang oras din ang tinagal ng Prof namin sa loob hanggang dumating na ang time kaya sabay sabay kaming lumabas na tatlo. Palabas na sana kami ng Campus ng biglang may nakita kaming mga estudyante na nagtatakbuhan mula sa loob ng Gym na ikinatigil namin apat.

"What happened?"tanong ni Jake sa Isang estudyante na nagmamadali lumabas galing sa gym.

"De-demonyo. May demonyo sa loob."nauutal na sagot niya sabay takbo namin agad sa gym at doon namin nakita ang Isang lalaki na nagwawala na parang demonyo.

"Ilabas niyo ang lintek na Ivy na yan, ilabas niyo kung ayaw niyo na mamatay kayong lahat na nandito."Aniya habang nakatingin sa mga estudyante na nasa loob agad agad naman kaming nagtagong apat sa gilid tamang tama lang para hindi niya kami makita pati na din ng mga tauhan niya.

"Sino yan? Anong kailangan niya kay Ivy?"takang tanong ni Ricky na ikinatingin ko sa kanilang tatlo.

"Kung sino man ang demonyong yan, hindi ako papayag na makita niya si Ivy."sagot ko sa kanila.

"What do you mean? Wag mo sabihin na may gagawin ka?"takang tanong ni Jake sa akin sabay tingin ko ulit sa Demonyong lalaki na ngayon ay hawak hawak ang Isang estudyante na babae.

"Hindi niyo talaga siya ilalabas? Sige, bawat oras na lumipas na wala pa din Ivy ang nagpapakita dito, papatay ako ng bawat isang estudyante na mahahawakan ko, maliwanag?"Aniya na ikinatigil ko.

"What the hell?! Ano siya? sino siya si Santanas?!"Ricky asked.

"Baliw na yan."saad naman ni Kurt. Akmang sasagot pa sana si Jake sa kanya ng kinuha ko agad sa bag ko ang kutsilyo at baril ko na ikinatigil ng mga mokong.

"Nick, anong gagawain mo?!" Jake asked.

"Gagawin ko ang kailangan kong gawin."sagot ko sa kanila sabay labas ko mula sa pinagtataguan namin na ikinatingin ng mga demonyo sa akin

"At sino ka naman?!"takang tanong ng Demonyo.

"Bitawan mo ang mga walang laban sayo, kung gusto mo ako ang kalabanin mo, hinding hindi kita aatrasan."seryosong sagot ko sa kanya.

"Seriously, kakalabanin mo ako? Are you blind? Mag isa ka lang, marami kami."sagot niya sa akin akmang sasagot na sana ako sa kanya ng biglang unahan ako ng mga mokong sa likod ko na magsalita.

"Tss, sinong nagsabi na mag isa ang Hari? Tss, tsaka ang epal mo, dapat Isa lang demonyo dito e, diba?!"seryosong tanong ni Jake sabay tingin ko sa kanya ng seryoso.

"Wala akong pakialam sa inyo, hindi kayo ang pinunta ko dito, si Ivy, si Ivy ang kailangan ko."sagot ni Demonyo sabay ngisi ko.

"I know, kaya nga ako nandito Ivy is my business, bago mo siya magalaw, kailangan mo munang dumaan sa akin, dahil hindi ako papayag na may mangyari sa kanya. Hindi."seryosong sagot ko sa kanya sabay ngiti niya ng mala demonyo.

"Oh- really?, But sad to say ang kamay ko ay para lang sa walang kuwentang babae na yon, ang mga tauhan ko na ang bahala sa inyo, pero don't worry magkakasama din kayo ng Channel na yon, sa..... Impyerno nga lang."Aniya sabay tingin niya sa mga tauhan niya agad naman itong tumango sa kanya.

"Alam niyo na ang gagawin niyo."

"Okay, let's do this!"seryosong saad ko sa mga mokong sabay punta namin sa mga kalaban.

Ivy Channel

Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa panaginip na yon. Bumangon at dumeritso agad ako sa dining pagkatapos kong mag ayos ng naabutan ko doon si Kuya na takang nakatingin sa akin.

"Are you okay?"tanong niya agad pag upo na pag upo ko.

"Oo, bakit naman hindi?"sagot ko sa kanya.

"I don't think so, balita ko nanaginip ka daw, at Nick pa ang pangalan na sinisigaw mo."sagot niya na ikinatigil ko.

"What the heck?! Hi-hindi ah, ako mananaginip kay Nick Imposible."dahilan ko sa kanya ng tumungin ako sa kanya ngumiti lang ang loko.

"Okay, pero Ivy, narinig ka ni Skyler at alam mo na kailanman hindi nagsisinungaling ang bata, alam niya ang narinig niya."Aniya habang nakangiti na mas lalong ikinatigil ko.

"Hindi nga Kuya e, imahinasyon lang yon ni Sky,  tsaka nga pala nasaan si Sky?"kunwaring tanong ko sa kanya.

"Naka' y Candy, ngayon tell me?"

"Ano bang sasabihin ko sayo kuya?

"Yung panaginip mo."sagot niya.

"Okay, fine oo nanaginip ako kay Nick but hindi si Nick na kilala mo iba yun oo iba."saad ko sabay tayo at kuha ng tubig sa ref.

"Sige lang Chan,  deny mo pa,  words can say everything that she want to say, pero yung kilos,  galaw mo lalong lalo na yung mga mata mo kailanman hinding hindi magsisinungaling."seryosong sagot niya sa akin.

"Lalong lalo na yung luha mo."dagdag niya pa na ikinahawak ko sa pisnge ko.

Wait luha ko kaya napahawak ako sa mata ko at basa nga so umiyak ako dahil sa panaginip na yun pero bakit?

"See?"

"Anong see ?"

"Nothing.."

Akmang sasagot pa sana ako ng biglang nagsalita si Candy na ngayon na halatang nagmamadali na pumunta dito sa amin.

"What happened to you?"takang tanong ko sa kanya.

"Bakit parang hinahabol ka ng aso?"tanong naman ni Kuya sa kanya.

"Kasi, kasi..

"Remember the emperor na pinutulan mo ng kaligayahan?"seryosong tanong niya kaya napatingin naman  ako sa kanya.

"What about that bastard?"tanong ko sa kanya ng seryoso.

"Nasa De-Demon University siya ngayon, at nagtangka siya oras na hindi ka magpakita papatayin niya lahat ng mga estudyante na nandoon ngayon.!" sagot niya na ikinatigil ko.

"What?!"

"At kina-kinakalaban na siya nila Nick ngayon."

" What?! Si Nick?! No it can't be, no, hindi niya kaya ang demonyo na yon!"

Damn you Nick Zennon!!!!

  Hart Moon

The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon