Ivy Channel
Maaga kaming pinapatawag ni Dad na siyang hindi ko maintindihan kung bakit, at base sa tono ng boses niya kanina sa tawag alam kong galit siya. Kaya ito ako ngayon papunta sa opisina ni Kuya dahil dito lang daw niya kami kakausapin na kinakabahala ko naman.
"Sis, nandito ka na pala."salubong agad sa akin ni Kuya pagdating na pagdating ko sa opisina niya.
"Bakit niya tayo pinatawag? Alam niya na ba ang tungkol sa Cave?"takang tanong ko kay Kuya.
"I'm curious too, Chan, galit na galit siya kanina, at tinawagan ko ngayon lang si Night, he told me na wala naman nakakaalam na iba sa Cave."sagot niya sa akin na ikinatingin ko sa kanya.
"Kung hindi dahil sa Cave, bakit niya tayo pinapatawag? Tungkol saan?"sunod sunod na tanong ko sa kanya.
Akmang sasagot pa sana sa akin si Kuya ng biglang bumukas na ang pinto na ikinatingin namin doon pareho.
"Dad?"sambit ko sa kanya sabay tingin niya sa akin ng seryoso.
"Buti naman at nandito na kayong dalawa."
"Ba-bakit? Niyo po kami pinatawag?"kinakabahan kong tanong sa kanya pero hindi ko pinahalata yon sa kanya dahil ayaw kong mag isip siya ng hindi maganda.
"It's all about that Sherwin and his group, hanapin niyo ang mga kasapi ng Anti-Chai group, wala na akong problema sa Sherwin na yon, ngayon ang gusto ko na lang gawin niyo ay hanapin ang mga punyetang mga estudyante na gusto akong kalabanin."aniya na ikinatahimik ko.
Wala na siyang problema sa Sherwin? Ibig ba sabihin no'n pinatay niya ang lalake?
"Wh...."
"Pinatahimik niyo si Sherwin Dad? Yan ba ang gusto mong sabihin?"putol ni Kuya sa akin.
"Yes."walang pag alinlangan na sagot ni Dad na ikinatigil ko.
"So, you want us na gawain sa mga kasama niya ang ginawa mo sa kanya?"tanong ulit ni Kuya kay Dad sabay ngisi ni Dad na mas lalong ikinagulat ko.
"I trust you both, alam kong alam niyo na ang gusto kong mangyari at bilang mga anak ko, gusto kong iparating niyo sa buong University, na akin ang paaralan na ito, at kung sino man ang mag takang kalabanin ako, ay sisiguraduhin ko na hindi na masisinagan ng araw bukas."aniya na ikinatahimik ko.
Hindi ko alam, pero kinakabahan ako ngayon sa mga narinig ko kay Dad, at sa pagkakakilala ko sa kanya, alam kong kayang kaya niya gawain ang bagay na yon, hindi lang yon basta pantakot, dahil pag siya nag sabi walang halong biro yon. Kaya sobrang kinakabahan ako ngayon, natatakot ako para kay Kuya, kay Night, para sa akin, para sa Cave at mas lalong natatakot ako para sa anak ko kay Skyler, knowing Dad, wala siyang sasantuhin, kahit sino pa yan, kahit kami pa na pamilya niya.
"
So, naintindihan niyo bang dalawa ang gusto kong mangyari?"tanong ni Dad na pumukaw sa iniisip ko. Agad naman kaming tumango ni Kuya sa kanya na ikinangiti niya.
"Good, I know hindi niyo ako bibiguin dalawa, kaya sa inyo ko na ipapaubaya ang bagay na yan, siguraduhin niyo lang na matatakot talaga sila. At makikita ng lahat ng mga nandito na mali sila ng pamilyang gustong kalabanin, makikita nila kung gaano ako ka demonyo, hinding hindi ko sila patutulugin."saad niya na ikinatingin ko sa kanya.
Hindi rin nag tagal dito sa office ni Kuya si Daddy, dahil pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin ang bagay na yon ay agad na rin siyang umalis kaya kinakabahan naman akong tumingin kay Kuya.
"K-kuya?"
"Shh, alam kong nag aalala ka, pero mag tiwala ka, hinding hindi malalaman ni Dad ang tungkol sa mga ginawa na natin, hinding hindi niya malalaman ang tungkol sa Cave."Aniya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Pero paano? Kuya, wala siyang sinasanto, oras na malaman niya lahat ng ginawa ko, alam kong isusunod niya ako sa Sherwin na yon."saad ko sa kanya sabay hawak ni Kuya sa kamay ko.
"Listen, hindi ko hahayaan na malaman ni Dad ang tungkol sa Cave, pinapangako ko sayo yan, at hindi lang ikaw ang may gawa ng lahat, tumulong rin ako, naintindihan mo, kaya kung dumating man ang araw na malaman ni Dad 'to, hinding hindi ako papayag na ikaw lang ang umako, hinding hindi Channel, nandito si Kuya, tandaan mo yan, nandito ako, ang laban mo ay laban ko rin, naiitindihan mo?"saad niya na dahilan ng pag tulo ng luha ko.
"P-ero...."
"Shh, wag ka ng mag aalala, may laban ka pa, may Diamante Emperia ka pa, ako na ang bahala dito sa University, ako na ang bahala kay Dad, at ako na rin ang bahala mag hanap sa mga pinapahanap niya, kakampi mo ako sa laban na 'to Ivy, kakampi mo si Kuya."putol niya sa sasabihin ko na ikinatahimik ko na lang.
Nick Zennon
Nandito kami ngayon sa room habang hinihintay ang second period namin ng biglang nagsalita si Ricky.
"Kahapon ka pa Kurt ah, kahapon para kang baliw, ngayon naman sobrang tahimik mo."saad ni Ricky kay Kurt na ngayon ay parang wala sa sarili na ikinatingin ko sa kanya.
"Ah, eh, pagod lang."sagot niya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Pagod? Talaga lang ha?" Tanong rin sa kanya ni Jake.
"Oo, King, pagod lang talaga ako."sagot niya dito.
"I don't think so, I know may bumabagabag sa isip mo, at hindi ka namin pipilitin sabihin kung ano yan, pero remember this Kurt, walang sekretong maitatago habang buhay, lahat ng sekreto mabubunyag, lahat."saad ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin, halatang halata na kinakabahan siya sa paraan ng pagtingin niya sa akin na mas lalong pinagtaka ko pero pinagwalang bahala ko na lang ito sa halip tinuon ko na lang ulit ang mata ko sa libro na hawak mo ng biglang nag ring ang phone ko hudyat na may nag text dito kaya agad ko itong binuksan para tingnan kung sino ang nag text.
From Mama:
Umuwi ka sa bahay, paghanda ka na, sasabihin ko na lahat ng gusto mo malaman tungkol sa Daddy mo, lahat Nick, lahat.
Ito na ba? Handa na ba akong makilala ka? Dad?
Hart Moon
BINABASA MO ANG
The Wife's Vengeance
General Fiction(COMPLETED) Paano kung ang babaeng sinaktan mo ng todo? minahal ka ng walang halong biro, ay ang babaeng nag iisang nagpatibok puso mo? pero ngayon nagbabalik para gumanti sayo, para magpahirap at mag paluha sayo, anong gagawain mo? Kung sa kanyang...