Kabanata 34

617 23 1
                                    

Ivy Channel

Agad akong nagpadala kay Kuya sa Hospital para puntahan si Daddy, matapos kong malaman kay Kuya ang kalagayan ni Dad, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung maiinis o magagalit ba ako, yes, masamang tao siya, marami siyang nagawang kasalanan, pero para mangyari 'to sa kanya, bilang anak niya sobrang sakit, at sobrang hirap paniwalaan.

"Doc, tell me, Anong puwede namin gawin for Dad?"tanong ko agad sa Doctor ni Daddy.

"Sinabi ko na sa Kuya mo."Aniya sabay tingin ko kay Kuya. "Pero uulitin ko ulit ngayong nandito kana. Your Daddy needs to undergo treatment, at ang main hospital lang namin sa Amerika ang makakapagbigay sa kanya ng best treatment."

"Kahit saan Doc, kahit saan, maging ligtas lang si Daddy, maging okay lang siya, gumaling at mabuhay lang siya."sagot ko sa kanya sabay tango niya.

"Okay, tatawagan ko na ang head namin doon, at ipapaasikaso ko na ang paglipat niya sa madaling panahon."Aniya na ikinangiti ko.

Pagkatapos na Pagkatapos namin kausapin ulit ni Kuya ang Doctor ni Dad, sabay kaming pumunta sa room niya para tingnan at silipin siya.

" I didn't expect this, masamang damo si Dad, pero para dapuan siya ng sakit hindi ko 'to inaasahan."

"Chan, everything happens for a reason, alam kong malalampasan ito lahat ni Dad, alam kong kaya niya."sagot naman ni Kuya.

"I know, at sana lang sa oras na yon, magaling na din siya, ang buong pagkatao niya."saad ko sabay hawak ko sa kamay ni Daddy.

"Dad, alam kong galit na galit ka sa akin ngayon, lalo na sa mga nalaman mo ng huli nating pag uusap. Pero Dad, lahat ng 'yon ginawa ko para sa atin, magising ka lang, papayag akong magalit ka sa akin at kahit wag mo na akong kilalanin na Anak basta magising ka lang Daddy, please, para kay Skyler, para sa apo mo."mahina kong sabi kay Dad sabay hawak ni Kuya sa balikat ko.

"Gigising siya maniwala ka, masamang damo kaya yan, siyempre matagal pa yan bago kunin ni Lord."Aniya na ikinangiti ko na lang.

Ilang oras din ang tinagal namin ni Kuya sa hospital hanggang nagpagdesisyonan namin na umuwi na.

Dahil sa pagod napagpasyahan kong matulog muna hanggang sa...

Abala ako sa mga homework ko ng biglang may demonyong lalaking nagpakita sa harap ko.

"Ano bang ginagawa mo dito?"tanong ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"I just want us to talk."Aniya sabay ngisi ko.

"Baliw ka ba? Anong hindi mo naintindihan sa salitang ayaw na kitang makita pa?"

"But Ivy, pamilya ko kaya, and I want you back,  with Skyler, with our daughter."deritsahang sagot niya na ikinataas ng mga kilay ko.

"Back? Sigurado ka diyan?  Naka shabu ka ba? O nagpapatawa ka? Kasi kung oo,  hindi ka nakakatawa,  tsaka bakit gusto mo? Ako?  kaming kunin ha? Porket may anak tayo gusto mo bumalik kami sayo? wag na Nick hoy! Gumising kana puwede ba?  wag na, ayaw ko na,  nakakapagod na ayaw ko na, tsaka wala na nilibing mo na ang dating ako,  kung dati bumawi ka inayos mo pa sana okay pa diba? Sana may pag asa pa, pero sorry ngayon Nick pinagod mo yung Channel na mahal na mahal ka pinagod mo ako kaya wag ka ng umasa dahil wala na talaga wala na."saad ko sa kanya.

"Alam kong mala-malaki ang kasalanan ko sayo, kaya sana kahit si Sky, siya na lang muna gusto ko lang siyang makilala."naiiyak na Aniya.

Shit si Nick ba 'to? end of the world na ba? bakit di ako inform.

"Sana noon pa Nick sana noon pa."sagot ko sa kanya sabay lakad sana palayo sa kanya ng biglang Isang putok ng baril ang narinig ko sabay sigaw ni Nick.

"Ivy dapa!!!!"

"Nick!!!!! "sigaw ko sa kanya sasaluhin ko sana siya pero huli na dahil natamaan na siya ng bala. Sinalo niya ang bala sa likod ko na para sa akin sana.

Kukunin ko sana ang baril ko sa drawer ko para gantihan sana ang  kalaban na nasa kabilang building pero bigla itong tumakbo palayo sa amin kaya binalikan ko na lang si Nick na ngayon ay nakahiga at hawak ang dibdib niyang tinamaan ng bala.

"Nick, shh,  Nick, hold on dadalhin kita sa hospital."naiiyak na sabi ko sa kanya sabay iling niya.

"N-No need."

"What? Hindi puwede Nick! Dadalhin kita sa hospital."

"Wa-wag  na Is-Isa lang hiling ko take care of yourself Ivy, take care alagaan at mahalin mo siya para sa akin pakiusap.

"Shhhh, don't talk please,  I will bring you to the hospital, save your strength."

"No, hindi ko na kaya, dito na lang ako, paalam, at sorry sa lahat."saad niya sabay pikit ng mga mata niya.

"No, No, hindi puwede Nick, gising , Nick!" sigaw ko.

"Nickkkkkkk." Saad ko sabay bangon ko agad galing sa pagkakahiga mukha naman ni Skyler na nag aalala ang sumalubong sa akin.

"Mami, are cho, okay?"takang tanong niya sabay hawak ko sa mga kamay niya.

"I'm okay baby, don't worry."

"Are cho Shure po? Why are cho, crying po?"takang tanong niya sabay hawak ko sa pisnge ko.

That Dream!!!

"No, baby may bad dream lang si Mommy, walang masamang nangyari kay Mommy, don't worry."

"Promise po?"

"Yes baby, bakit ka nga pala nandito? Where is your Tita Candy?"

"I don't know po, I'm here po, because of this."Aniya sabay abot sa akin ng Isang bulaklak na mukhang galing sa garden ng bahay namin.

"Para saan ito baby?"tanong ko sa kanya.

"For you Mami, thank cho for being the best Mami in da world po, shappy mother's day po."Aniya na ikinangiti ko sabay yakap ko sa kanya.

"Thank you my princess, I love you, always remember that, mahal na mahal kita, lahat gagawin ni Mommy for you, iloveyou so much my forevermore."

"I love cho too po, you give cholor to my life po, kahit Tayo lang two nandiyan ka po always for me, I love cho Mami kho."Aniya sabay tulo ng luha sa mga mata ko at yakap ulit sa kanya.

Marami akong mga bagay na tinatago sayo Anak, pero lahat ng ito para sayo, para sayo, ayaw kitang masaktan katulad ng pananakit na ginawa ng Daddy mo sa akin noon.

Belated happy Mother's Day sa lahat ng Mommy saludo po ako sa Inyo. Xoxo...

  Hart Moon


The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon