Kabanata 16

883 28 2
                                    

Jake

Habang papunta kami sa Hospital ng University para dalhin si Nick doon pagkatapos ng laban nila ni Ivy ay malalim pa rin ang iniisip ko hindi ko pa alam kung anong dapat isipin ko lalo na sa nasakihan ko kanina ang hirap paniwalaan na ang dating Ivy na kilala ko ay wala na.

Pagdating namin sa University Hospital ay agad kaming sinalubong ng isang Doctor.

"Doc, please take care of him."kinakabahan kong bilin sa doctor.

"Don't worry Jake, ako na ang bahala."sagot niya sabay dala kay Nick sa OR.

Nang naka alis na sila Doc, naupo muna kaming tatlo  sa bench ng biglang nagsalita si Kurt.

"Grabe na si Ivy 'no?  Ibang iba na siya, hindi na siya tulad ng dati ng makilala natin sila."seryosong sabi niya.

"Sinabi mo pa, daig niya pa si Santanas e, demonyo na."sang ayon naman ni Ricky.

"Tss, si Nick rin naman may kasalanan kung bakit siya naging ganoon."singit ko na lang sa usapan nila.

"Tss,  love nga naman, kaya ayaw ko mainlove e, nakaka demonyo."saad ni Kurt.

"Kung magsalita ka naman kala mo may magkakagusto sayo."sagot ni Ricky sa kanya na ikinangisi ko na lang.

"Magkaibigan ang dalawang yan dati, hindi ko lang alam kung bakit kailangan maging ganyan sila, maayos na maayos sila dati kung hindi lang yon nangyari."

"Ha? Sino?"tanong ni Ricky.

"Si Ivy at Nick."sagot ko.

"Weh? As in? Talaga?"tanong niya ulit.

"Yeah, diba nakilala namin kayo ni Nick kasal na sila? pero ako simula 10 years old kilalang kilala ko na ang dalawang yan, simula ng dumating si Ivy sa buhay nila Nick nandoon na ako, nakita ko kung gaano kamahal ni Ivy si Nick kahit kaibigan lang ang turing sa kanya ni Nick ayos lang yom sa kanya, pero dumating ang isang araw aalis na sana si Nick papuntang taiwan pero nagdesisyunan ng lolo niya na ipakasal sila ni Ivy at doon nagsimula na sisihin niya si Ivy sa lahat. kung bakit ganoon ang buhay niya,, kung bakit kailangan maudlot lahat ng plano niya sa buhay."seryoso kong kuwento sa kanila habang sila parang batang nakikinig lang.

"Kasal? Kaya pala, ng nakilala namin sila napasabi talaga ako ng imposible dahil ang bata pa nila yon pala si Lolo ang may pakana? Bakit?"biglang tanong ni Jake.

"Dahil sa Dad ni Ivy, sabi ng Lolo ni Nick masama daw ito, kaya kailangan maitago nila si Ivy dito kaya yon pinakasal sila."

"So, dahil doon nagalit si King? Pero tingnan mo ngayon katulad na rin ni Ivy ang daddy niya."sagot naman ni Ricky.

"Bakit mo nasabi?"tanong ni Jake sa kanya.

"Siyempre sa ginawa niya kay King, sobrang demonyo move yon, so what happened pagkatapos ng nangyaring yon?"tanong ni Ricky sa akin na ikinatingin ko sa kanya.

"At yon na nga noong nakaraang dalawang taon iniwan siya ni Ivy na kagustuhan rin niya naman pero alam niyo nakakatawa?"

"Ano?"tanong ni Ricky.

"Sa pagbabalik ni Ivy parang hindi na siya yung dati at worse parang hindi niya naging kaibigan si Nick sa ginawa niya kanina."seryoso kong sabi sa kanila m

"Tss, sino ba namang hindi magbabago kung babuyin at ituring lang na hayop ng lalakeng mahal mo? Eh napilitan lang naman siyang magpakasal."saad ni Kurt.

"Tama at ngayon sa nakikita ko rin kay Ivy she is not ordinary evil, hindi lang siya basta demonyo, siya
yong tipo ng demonyong gagawain lahat pahirapan lang ang target niya, yes hindi niya pinatay  si Nick physical, pero unti unti niya itong pinapatay sa hirapz
kinukuha nito ang lahat kay Nick hanggang wala ng matira dito."saad ni Ricky.

The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon