Kabanata 36

644 24 5
                                    

Ivy Channel

Agad agad kaming pumunta sa University ni Kuya dahil sa nalaman namin kay Candy na nandoon si Emperor ngayon at kinakalaban siya ni Nick.

Ano ba naman kasi ang nakain ng demonyong Nick na yon? At kinakalaban niya ang Isang kalahi niya?

"Are you okay Sis?"tanong ni Kuya sa akin pagpasok na pagpasok namin sa Demon University.

"Hindi ako magiging okay, hangga't hindi ko nakikita ang Demonyong yon."seryosong sagot ko sa kanya.

"Siya lang ba talaga ang dahilan? O hindi ka magiging okay hangga't hindi mo nalaman kung okay lang si Nick?"tanong niya na ikinatigil ko sa paglalakad.

"Hindi ko kasalanan kung kinakalaban niya yon, tutal kalahi niya naman yon, ang mga estudyante sa loob ng Gym ang concern ko."walang gana kong sagot sa kanya sabay ngiti niya na mas lalong ikinainis ko. Akmang magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Yes?"

"Queen, may nakapasok na mga kalaban ngayon dito sa Cave."

"What?!"

"Pinasok tayo!"sagot niya sabay tingin ko kay Kuya.

"What happened?"takang tanong ni Kuya sa akin.

"Pinasok daw ang Cave."sagot ko sa kanya na ikinatigil niya.

"What? Pupunta ako."Aniya sabay alis niya sana ng pigilan ko siya.

"Sasama ako Kuya."

"No! Ako na ang bahala sa Cave, pumunta ka na sa Gym, mas kailangan ka nila do'n."sagot niya sabay tango ko kaya agad agad akong tumakbo papunta sa Gym kung nasaan  si Emperor.

Pagdating ko do'n nakita ko si Emperor na kinakalaban si Nick, kitang kita ang hirap sa mga mata ni Nick akmang susuntukin na siya sa tiyan ni Emperor ng bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko.

"Tss, bitawan mo siya!"

"Wow! Finally, itong lalaki lang pala na 'to ang magpapalabas sa Reyna sa kanyang lungga, kung alam ko lang kanina ko pa siya pinatay."Aniya sabay ngisi ko.

"Tss, hindi ka nag iisa, kung gusto mo siyang patayin kanina pa, sana ginawa mo na, dahil kahit ako gusto ko na siyang mamatay."

"Really? E, anong ginagawa mo dito? Kung gusto mo siyang mamatay, anong ginagawa mo dito?"seryosong tanong niya sabay tingin ko sa kanya ng seryoso.

"Para tulungan ang mga students ko, at para tuluyan ka ng burahin sa mapa ng Pilipinas."sagot ko sa kanya sabay tawa niya ng mala demonyo.

"Ako mabubura mo? Baka Ikaw ang burahin ko?! Anong akala mo, nakalimutan ko na ang ginawa mong pagputol sa kaligayahan ko hayop ka?!"

"Na siyang mali kong ginawa, dahil dapat noon pa lang binura ko na ang Demonyong katulad mo sa mundong 'to."

"Sad to say, hindi mo ako mamatay, dahil ikaw, ikaw ang uunahin ko."Aniya sabay ngisi ko.

"Wag puro satsat Emperor, gawin mo!" Sagot ko sa kanya sabay sugod sa mga tauhan niya agad naman akong tinulungan nila Jake at mga kaibigan niya. Isa Isa na namin pinatumba ang mga kalaban namin hanggang si Emperor na lang at mga tauhan niya na ngayon ay nasa tabi niya ang naiwan.

"Paano ba yan Emperor? Konti na lang kayo?"naka ngisi kong tanong sa kanya sabay tulak niya kay Nick na kanina ay hawak niya agad naman siyang sinalo ni Kurt.

"Babalikan kita hayop ka! Hindi pa tayo tapos Ivy! Hindi pa tayo tapos!"galit na saad niya sabay atras nila ng mga kasama niya agad naman tumakbo ang mga estudyante na naiwan dito sa loob palabas hanggang kami na lang ng mga kaibigan ni Nick ang naiwan.

Akmang magsasalita pa sana si Jake ng biglang tumunog ulit ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Channel?"

"Kuya? Kumusta ang Cave?"

"Okay na kami dito, ikaw? Pupuntahan na kita."Aniya sabay tingin ko kay Nick bago sumagot.

"Don't worry about me, okay lang ako dito Kuya."sagot ko sa kanya sabay off ng phone ko.

"Ivy."

"Anong nasa isip mo? Bakit ka lumaban sa demonyong yon?!"

"Iv... .

"Hindi ka hero Nick, wala kang kapangyarihan, wag kang makapal ang mukha, kung umasta ka para kang kung sinong may kapangyarihan."putol ko sa sasabihin niya sabay walk out sana ng bigla niya akong pigilan gamit ang kamay ko.

"Sandali nga, mag usap muna tayo."Aniya.

"Wala akong balak makipag usap sa mga taong walang Ibang iniisip kundi ang sarili nila."

"Pero, Ivy..."

"Stop Nick! Puwede ba? Lumayo ka na lang sa amin, lumayo ka na lang sa akin."sagot ko sa kanya akmang sasagot pa sana siya ng biglang Isang boses ng lalaki ang sumingit sa usapan namin.

"Channel?"

"Zic, anong ginagawa mo dito?"takang tanong ko sa kanya kitang kita ko ang pag taas ng kilay ni Nick pagdating ni Zic na ikinailing ko na lang.

"I heard what happened, okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"sunod sunod niyang tanong.

"A......"

"Okay lang siya, kita mo naman diba?!"putol ni Nick sa sasabihin ko sabay tingin sa kanya ni Zic ng seryoso.

"Excuse me, hindi kita tinatanong, ikaw ba si Ivy? Spokesperson ka ba ha?"

"Hindi ako si Ivy, hindi niya din ako Spokesperson dahil asawa niya ako, e, ikaw sino ka ba?"

"Gago!"Galit na sagot sa kanya ni Zic sabay sugod niya sana kay Nick ng pigilan ko siya.

"Zic! Stop! Hayaan mo na siya, wag kang mag aalala okay lang ako, tara sabi ko  sa kanya sabay hila sa kamay niya. Pero bago kami umalis palabas ng gym seryoso ko munang tiningnan si Jake na pinagtaka niya.

"Ipagamot niyo yan."saad ko sa kanya na halatang pinagtaka nila.

Pagkalayo namin kina Nick agad kong tiningnan si Zic ng seryoso na ikinatigil niya.

"What?"seryosong tanong niya.

"Nothing." Sagot ko sa kanya sabay talikod sana sa kanya ng pigilan niya ako kaya agad akong napatingin ulit sa kanya.

"Sana may pa-pag asa pa, kahit ko-konti, kahit saglit Ivy, sana ako, sana ako muna.."

"Zic!!!"

Good afternoon, malapit ko na din matapos ang new version na 'to, salamat sa mga nagbabasa at magbabasa pa, happy reading xoxo... Abangan niyo din ang Ibang kuwento ng Revenge series na ilalagay ko sa ibang platform like TypeKita App for now ito muna enjoy.

Hart Moon

The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon