Wakas

954 17 5
                                    

Wakas

To my Nick and Ivy,

Kayo ang kauna-unahang kuwentong ginawa ko dito sa Wattpad, salamat sa mga aral na itinuro niyo sa akin habang sinusulat ko kayo, hinding hindi ko kayo makakalimutan dahil totoong napakahirap niyong bitawan dalawa mahal ko kayo palagi.

Readers,

Hindi man ito ideal kuwento niyo, hindi man ito perfect katulad ng Ibang kuwento, madaming errors, at kung minsan o.a. na salamat pa din sa pananatili sa kuwentong 'to. At nawa'y katulad nila Ivy at Nick, at ng Ibang tauhan sa kuwentong 'to nawa'y matuto tayong tumanggap ng pagkatalo, matuto tayong tumanggap ng pagkakamali at matuto tayong magmahal ng totoo, pagmamahal na walang halong biro, pagmamahal na buo at pagmamahal na walang kulang.

Hanggang sa muli, see you sa kuwento ni Jake.

Angie.

........................................................................
Ivy

Limang taon na dimula ng umalis ako dito kasama si Skyler sa limang taon na yon hindi naging madali sa akin ang lahat, pumanaw si Dad dahil hindi niya na kaya ang sakit niya, sinunog ng mga hindi nakilalang grupo ang Demon University na pinaghirapan ni Daddy mabuo, nawala ang Cave, at kung ano-ano pa at sa limang taon na yon sa Skype lang nagkakausap si Sky at Daddy niya, lagi akong umaalis tuwing magkausap sila ni Sky dahil hindi pa ako handang Makita siya, pakiramdam ko hindi pa oras na makita siya, pakiramdam ko hindi pa ako okay, matapos ang mga trahedya sa Buhay ko, yong pakiramdam na akala mo tapos na tapos bigla kang bibigyan ng pagsubok na sobrang hirap na umahon at bumalik.

Kung wala lang si Sky malamang, sumuko na ako, malamang wala na ako kasi ang sakit, ang bigat at ang hirap talaga hindi ko kaya. Nakakawalang gana ng mabuhay. Pero ito ako ngayon, pagkatapos ng limang taon na pagkawala ay muling nagbabalik, muling nagbabalik at umaasang mabigyan pa ng Isang pagkakataon sa pag-ibig na noon ay pinilit kong kalimutan.

"Mommy, excited na po ako makita si Daddy sa personal, siya po kayo excited na din?"tanong ng anak ko sa akin sabay lapit ko sa kanya.

"I know alam kong excited na siyang makita ka. So ano na? Let's go?"

"Yes Mommy."Aniya sabay hawak sa kamay ko agad kaming bumababa sa kotse para pumasok sa loob ng bahay nila Nick ng biglang may lumabas galing sa pinto na dalawang tao halatang masaya silang dalawa na nag uusap na siyang bigla kong ikinatigil.

Huli na ba ako? Nasaktan ba talaga kita sa pagtalikod at pag-alis ko? Wala na ba talaga?

Nick?!

5 years ago.

Nick Zennon

Love is powerful. Yan ang napatunayan ko, alam kong wala na akong karapatan humiling sa kanya, alam kong wala na akong karapatan sa kanya, sa daming nagawa kong kasalanan sa kanya at sa anak ko, wala na akong karapatan mahalin siya. Pero ito pa din ako ngayon, naghihintay at umaasa na kahit alam kong imposible na ako pa rin sana ang piliin niya sana ang pamilya pa rin namin ang piliin niya.

"Bro, ready kana?"tanong ni Jake sa akin na gumising sa imahinasyon ko.

"Hinihintay mo siya?"tanong naman ni Ricky na ikinatingin ko sa kanya.

"Wala naman sigurong masama na hintayin ko siya, kahit saglit diba?" Balik kong tanong sa kanya ngayon ang labas ko dito sa hospital at oo, hinihintay ko siya, hinihintay ko na puntahan niya ako kahit alam kong malabo, kahit alam kong imposible.

"Nick."

"Iron."banggit ko sa pangalan ni Dean na minsan ko din naging kaibigan sabay tapik niya sa balikat ko.

The Wife's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon